CHAPTER 7

974 69 20
                                    

Chapter 7
Darkest Path

A rock ceiling. Dirty.

Nagising ako nang ito ang nakabungad sa mata. Malamig din ang paligid. Nakahiga ako sa magaspang na sahig na tila pinabayaan nalang. Iba narin ang suot ko, magkaternong kulay tsokolateng damit. At sa ang kamay ko, naka-posas.

Kulungan. Nandito nga ako.

Tanging kasama ko ay ang nag-eecho na katahimikan. Sa nakakaraang ilang oras wala akong kibo o galaw.

Lahat ay naalala ko, mula sa malit na detalye hanggang sa nagkalat na dugo sa tubig. Kagabi—nagawa ko na ang matagal na tinitimpi. At ang paninikip sa dibdib tuwing dinadalaw ng utak ko ang iksena ay 'di ko makayanan.

Nagsusumigaw 'yong balat ko. Nais may maabot na hustisya. Nais mapakinggan. Hindi ako lubayan ng mga tingin ng tao kagabi. At hindi pa man ako nakakalabas sa rehas na ito, alam kong pinagpepyestahan na nila ako. Bali-balitang nagkalat.

Ako ang masama.

At ang lalakeng 'yon... biktima.

Nakatakas muli siya. Ang Hari nila ang nagpaplano ng masama. Bakit ako ang pinaparusahan? Siya ang nakangisi, bakit ako nalulugmok? Ang daming katanungan. Ang daming bakit.

Kahit sila Neddie... tinignan nila ako ng kakaiba. At that darkness I feel so lonely.

Bawat segundo, palala nang palala ang namumuong galit saaking dibdib. What do I do? If I kill him... guns are on me. If I don't kill him, still odds are on me. Owinis, he can twist everything to his side.

Huminto ang paglipad ng isip ko sa narinig na pagkalansing. Ang rehas ay gumagalaw. Otomatiko akong umupo, ang anino ay nanggagaling sa mga guwardiya sibil. Nang bumukas lumapit ang isa saakin.

Bigla niya akong hinatak patayo, tumalim ang aking mata. "Bitaw," utos ko.

"Pinag-uutos na dalhin ka namin. Trabaho lang." Hindi siya saakin nakinig, paghila saakin palabas, sa kabilang braso humawak ang kasamahan niya at kinaladkad nila ako patungo sa pasilyo.

Ang dilim, may mga iba pang preso sa loob ng mga rehas. Hindi ko makilala subalit kaunti lang kami. Ang dumi ng paligid, hindi nino aakalaing nasa ilalim lang kami ng palasyo. Ni katiting na araw ay walang pumapasok, ang hangin ay kaunti lang.

Tuloy tuloy ang paglalakad, sa dulo ay binuksan nila ang lumang at kinakalawang na elevator. Pumasok kami at tahimik na tumaas.

Sino ba ang nagpapatawag saakin?

Pagbukas, mas maayos na pasilyo ang aking nadatnan. May ilaw na at malinis tignan. Ngunit tingin ko ay himpitan parin ito ng mga nagkasala. May mga rehas padin, may nadaanan kaming preso. Dito siguro dinadala ang magagaan ang kaso.

May nadaanan kaming silid, tumayo ang lalake mula sa pagkakalugmok para panoorin ako. Si Tier. Wala na siyang ibang kasama sa loob.

"Yah, I know this fucking woman." Bumuo siya ng ngisi habang duro ako. "You are really the Fierdon! You're in jail!" Nagtagis ang bagang ko sa kahindik hindik niyang pagtawa. Nanlalait kahit walang alam.

"Bumalik ka sa pananahimik," saway ng guwardiyang malapit subalit pinakitaan niya lang ito ng middle finger.

"What happen to you, huh?" Pagmamaangas niya. "Akala ko ba pokpok ka noong Hari? Eh bakit nandito ka kesa sa kama niya?"

Tumawa ang mga nakarinig sa bintang niya. Sumunod ang sipulan. Wala akong naramdaman o sinagot, nilagpasan namin siya.

"Pokpok ka pala eh," singit pa ng isa.

Venom of the New Era (Season 3)Where stories live. Discover now