Chapter 24

8.1K 234 10
                                    

Henny PoV
Nakarating na kami sa mansiyon nito at nakasunod lang ako Kay Lukas napansin kong masiyadong imoral ang suot ng mga maid niya.

Masiyadong maikli ang palda at halos lumabas ang dibdib nila. Napansin kong namumula ang mga pisngi nila ng makita si Lord Lukas at biglang sumama ang mga tingin nila saakin.

"My Lord itatanong ko lang sana kung saan ang silid ko."

"Tsk! Ang mga maid nalang bahala sayo dito huwag niyo mona akong isturbuhin." Pumasok na Ito sa silid niya at nanatili lang ako nakatayo.

Masama ang titig nila saakin na parang pinapatay na ako sa mga isip nila. Hanggang sa may lumapit sa aking babaeng maid at dinala ako nito sa silid na tutuluyan ko.

Napansin ko na maganda ang katawan ng lahat ng nagtatrabaho kay Lukas. Talagang manyakis ang hayop na iyon.

"Ito ang susuotin mo Henny." Nakipag kuwentuhan na din kasi ako sakanya at nasabi ko na din ang pangalan ko.

"Huwag na..... May damit ako dito na komportable ako." Sambit ko at sinuot yong uniporme na suot ko.

Nagsimula na kaming gawin ang trabaho ko pero di ko inaasahan na magiging impyerno ang buhay ko sa mansiyon na to.

"Sabing linisan mo iyan!" Tinadiyakan ako nito sa sikmura. Hindi pa siya makuntento at pinagsasampal pa niya ang mukha ko.

"Makinig ka! Huwag kang mukhang matapang dito na akala mo kung sino ka!" Hindi ako umimik at pagkatapos non balik agad sa trabaho kahit na sumasakit na yong katawan ko kakabugbog nila.

Pero mas okay na to kaysa naranasan ko sa Duke. Naglalakad lang ako sa harden ng may marinig akong iyak. Boses ng lalaki?

Pagtingin ko tumambad saakin mala anghel na mukha. Golden hair na may mala asul na mga mata at pamilyar siya saakin.

Kinuha ko yong panyo sa bulsa ko at binigay sakanya nagulat naman siya sa ginawa ko pero tinanggap niya naman.

"Salamat." Sambit nito tumango lang ako.

"Master Rafael kailangan niyo ng bumalik sa loob. Hinahanap kayo ni Lord Lukas." Nanlaki ang mata ko ng marinig ang pangalan niya.

"Rafael?" Sambit ko

AUTHORS note;

Let see? Bagong challenge walang palitan ng ship�

Suddenly I reincarnated in the novel (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon