Chapter 60

3.9K 91 15
                                    


OG means Original
OG Henny PoV

"Nagustuhan mo ba ang silid na pinakita ko sayo?" Hindi ko mapigilan mapangiti sa nakita ko kanina. Ito Yong pangarap ko na silid simula nong Bata pa ako. Ganito pala ang pakiramdam na ituring na prinsesa.
"Oo sobrang ganda." Ngumiti siya saakin sobrang guwapo talaga ni Duke Felix. Magiging kasintahan ko na ba siya?

"Duke Felix matanong lang kita. Bakit ganito kalang kabait saakin." Syempre baka kasintahan nya talaga ang impostor ko.

"Dahil mahal kita Henny. Alam ko wala kang maalala nagyon pero gusto ko ulit sabihin yon sayo." So ibig sabihin magkasintahan nga kami.

"Sinasabi niyo bang magkasintahan tayo Duke Felix?" Sobrang saya sa pakiramdam kung ganito karangyang buhay.

"Hindi Henny, Sa totoo lang hindi mo ako mahal at nirerespeto ko yon." Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. Walanghiya! Akala ko pa naman magkasintahan sila! Bakit hindi niya sinagot ang Duke. Hinarap ko ang Duke at ngumiti sakanya.

"Duke Felix nararamdaman ko ngayon sa puso ko na Mahal kita." Sambit ko

Lumapit Ito saakin at hinaplos ang pisngi ko habang napaskil ang ngiti nito sa labi.

"I'm glad pero hihintayin ko muna bumalik ang alaala mo Henny."

"Pero—" nagulat ako ng niyakap ako nito.

"Masakit saakin na nawalan ka ng alaala. Nangako ako sa sarili ko na hindi ako mag take advantage sayo lalo na ganito ang sitwasiyon mo. Hihintayin kong bumalik ang alaala mo saka mo sasabihin iyan saakin.

"Ihahatid na kita sa silid mo." Anong ginawa mo Evaline?!!! Si Duke Felix to! Bakit pinakawalan mo pa? Tanga ba siya!

Ngumiti lang ako pero gustong gusto ng sabunutan si Evaline ngayon din. Kailangan kong mapaibig ang Duke sa katauhan ko. Pero masaya ako dahil ako na din nakinabang sa mga ginawa niya.

Kamusta na kaya si Lady Peneloppe? Balita ko miserable na siya ngayon. Kawawa naman siya kung ganon.... Natawa ako habang ini imagine yong mukha niya.

Nakita ko ang mga alahas sa kabinet at lahat ng mamahaling gamit. Hindi ma imagine yong sarili ko bilang isang Duchess.

Henny PoV

Nagsinungaling siya saakin..... Walang alaala Ang dumating sa isip ko. Uto uto nalang ako palagi.

Nakakulong lang ako sa madilim na lugar na Ito at wala akong makita ni kahit anong liwanag. Ganito pala ang pakiramdam na sobrang tahimik ang paligid at madilim lahat ng nakikita mo.

Parang...........

Namatay lang ako sa sitwasiyon na Ito.

biglang sumagi sa isip ko ang ngiti ni Felix. Bakit ko nga ba siya iniisip ngayon? Baka nga siguro siya lang yong taong bubungad saakin sa umaga at ipaghanda ako ng pagkain. Ngayon ko lang na realize na sa lahat ng pag iisa na nararamdaman ko nandiyan pala siya para samahan ako.

Wala na din siyang nagawa kundi tanggapin nalang ang lahat. Pinanganak talaga siyang maging miserable sa buhay at mamatay nalang.

Yon nga siguro ang papel niya sa buhay...

"Henny magpagaling ka... Nandito lang ako para sayo." Nagulat si Henny sa boses na narinig niya.

"D-duke Felix." Wala naman siyang nakitang tao kundi boses lang ang naririnig niya.

"Binabawi ko na pala sinasabi ko hindi ko pala kaya mabuhay na wala ka. Kaya sana pag bumalik ang alaala mo sana ako nalang yong lalaking mamahalin mo at makasama mo habangbuhay."

"Hihintayin kita Henny kahit gaano pa katagal." Hindi nakapagsalita si Henny sa sinabi ni Duke Felix.

It's already useless Felix... I'm not able to go back.

AUTHORS note;
Napansin ko na ayaw na din ng iba ang flow nito kasi ang daming twist sa kuwento tas ang gulo na. Pero sa totoo lang Ito talaga yong style ng pagsusulat ko pero okay lang hindi ko kayo pipilitin basahin Ito. Kasi nalalayo sa expectation niyo yong mangyayari sa bawat chapter. Lovelots sa pag appreciate ng kuwento ko glad na nababasa niyo to kahit rollercoaster na Yong nararamdaman niyo.����

OG Henny PoV

"Duke Felix puwede mo ba ako ibili ng mga alahas?" Alam ko hindi ako tanggihan ng Duke dahil mahal niya ako.

"Yes of course" Gusto kong sumigaw sa sobrang tuwa.

"Thank you Duke Felix!" Hindi ko maipaliwanag yong saya na nararamdaman ko ngayon.

"Welcome. Sasamahan na din kitang bumili ng mga alahas na gusto mo." Ngiting tagumpay ako ngayon. Sinamahan ako ni Duek Felix na bilhin lahat ng gusto ko pati mga damit na gusto ko.

"Meron ka pabang gusto?" Umiling ako dahil Wala na din akong nagugustuhan.

Napatingin ako kay Duke Felix na sobrang guwapo sa suot nito. Hinawakan ko Ito sa braso at hinalikan siya.

"Mahal kita Felix." Kapag ganito siya saakin palagi talagang mahuhulog ako ng tuluyan sakanya. Mahal ko na ata si Felix soya yong mga tipo ko hindi ako makapaniwala na mahahawakan ko siya ng ganito.

Kung nakikinig man si Evaline ngayon siguro na realize din niya kung gaano siya katanga para pakawalan si Felix. Natatawa siya kaloob looban niya dahil plano niyang puntahan si Peneloppe.

Bukas na bukas pupuntahan ko siya at isasampal sakanya ang katotohanan na sa akin na ngayon ang asawa niya.

Henny/Evaline PoV

Rinig na rinig ni Evaline ang halakhak ni Henny at ang boses ni Felix. Dahil nga sa nawawalan na din siya ng pag asa kung paano makalabas dito nakinig nalang siya sa masamang plano nito.

Gusto niya din marinig ang boses ni Felix at tuwing naririnig niya Ito ay bigla siyang nakaramdam ng pagkamimiss dito. Natawa siya bigla dahil kailangan pa niyang makulong sa ganitong sitwasiyon para ma realize na mahal nasi Felix.

Yong pinakita niyang kabutihan at pag aalala nito sakanya lalo siyang naiiyak kasi ngayon Niya lang na realize na ganon pala yon.

Sinabi niya Lang kasi ang bagay na iyon kay Felix kasi ayaw niyang tanggapin sa sarili niya na unti unti na niyang natutuhang mahalin ang Duke kaya napag desisyunan niya umalis para kalimutan ang nararamdaman niya pero sarili lang pala niya pinapahirapan niya.

AUTHORS note;
Masyadong maikli ang buhay.
Ang mga sama ng loob ay isang pag-aaksaya ng perpektong kaligayahan. Tumawa kapag kaya mo. Humingi ng paumanhin kung kailangan mo at bitawan ang iyong makakaya. Kumuha ng pagkakataon. Ibigay ang lahat at walang pagsisisi. Masyadong maikli ang buhay para maging malungkot. Kailangan mong kunin ang mabuti sa masama. Ngiti kapag malungkot ka. Mahalin kung ano ang mayroon ka at laging tandaan kung ano ang mayroon ka. Palaging magpatawad ngunit huwag kalimutan. Matuto sa iyong mga pagkakamali ngunit huwag magsisi. Nagbabago ang mga tao at nagkakamali. Ngunit laging tandaan,
tuloy ang buhay.

Suddenly I reincarnated in the novel (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon