Chapter 37

5.3K 139 5
                                    


Duke Felix PoV

Dumalo na lahat ng mga bisita galing sa iba't ibang imperyo sa kasal namin ni Peneloppe. Nakatayo lang ako don at hinihintay ang pagdating ni Peneloppe.

Napansin kong nakangiti siya saakin samantalang nanatili lang ako nakatingin sakanya. Inalalayan ko siya makapunta sa altar at napansin agad ng mga tingin ko si Henny nakatayo don. Napatingin ako kay Peneloppe na nakangiti saakin.

Hindi ko mapakinggan ang sinabi ng priest at nakatitig lang ako kay Henny.

"You may now kiss your bride." Nag alinlangan pa ako pero nagulat ako ng halikan na ako ni Peneloppe.

"You're so handsome Felix." Saad niya at niyakap ako napalingon ulit ako sa direksyon ni Henny pero Wala na siya don. Inabot na din kami ng ilang oras bago pumasok sa mansiyon dahil tapos na din ang kasal namin ni Peneloppe.

At kailangan ko makapunta sa first night namin at sigurado akong hinihintay ako ni Peneloppe don. Nagpalit ako ng anyo at nagtanong sa mga maid kong nasaan si Henny.

"Si Henny ba? Balita ko nagkasakit yon kaya nakakulong sa silid niya ngayon—" agad akong tumakbo papunta sa silid niya pagbukas ko ng pinto nakahiga Ito sa kama niya. Lumapit ako sakanya at dinama ang noo niya. Sobrang init niya.

"Henny nilalagnat ka?" Saad ko nagmulat ang mata nito.

"Mawawala din to bukas." Sambit niya

"Hindi ordinaryong lagnat to Henny kailangan may gawin ako para bumaba ang lagnat mo."

"Kumuha ka ng palanggana na may tubig atsaka tela ilagay mo sa noo ko." Mahinang saad nito na halatang nanghihina siya. Nagmadali akong kumuha ng tela atsaka palanggana na may tubig.

Nikagay ko sa noo niya at nakaupo lang ako sa tabi niya.

"Sabihin mo lang saakin kong ano kailangan mo." Sambit ko

"Diba may trabaho kapa? Bumalik kana don baka mapagalitan kapa dahil saakin."

"Huwag ka mag alalala nakapag paalam na ako." Kinuha ko yong tela sa noo niya at binasa ulit para ma absorb ang init sa noo niya.

"Nilalamig ako." Saad niya.

"May paraan ako para hindi ka lamigin. Yayakapin kita para magsalo Ang init ng katawan ko sayo." Nahihiyang sambit ko.

"Geh." Maikling sambit niya na ikinatalon ng puso ko sa tuwa. Umusog siya at lumapit ako sakanya humiga sa tabi niya. Niyakap ko si Henny.

"I will take care of you Henny." Bulong ko

"Ano Sabi mo?" Tanong niya

"Ang init mo." Niyakap ko siya ng buong pagmamahal. Sana di mo marinig ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon Henny.

AUTHORS note;
Sino kinilig?������

Suddenly I reincarnated in the novel (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon