VEINTICUATRO

205 13 0
                                    

˚˚. DIOR



Shackles.


Kanina pa ako iritang-irita dahil ang bigat nito! It would make a goddamn noise every time I moved. Nakahanap nga ako ng dagger... hindi ko naman magamit dahil hindi ko magalaw ang mga kamay ko.


Pinagloloko ba ako ni Crow? Napaghahalataan ko nang ginagago na ako nito.


Matagal-tagal na rin akong nakaupo rito sa lugar where I woke up. I was inside a stall kung saan maraming clown ang nakatingin sa akin ngayon kaya sinamaan ko sila ng tingin. I was scared. Bakit naman nandito si Hades? Charot!


Speaking of Hades, nasaan na kaya siya? Pati sina Hermés at Gucci? I heard gunshots earlier... I think they were fighting. Nakarinig din ako ng mga yabag na para bang may naghahabulan. Puta, magpapatayan nga sila?


I knew it would be riskier for me if I come out of here kaya ang balak ko ay manatili rito hanggang sa matapos ang laro. It would do me more harm than good kung lalaban ako. Tangina rin kasi ni Crow... he initially gave me a toy gun!


Mabuti nalang ay wala akong nakita na babaril sana sa akin. Parang mas maganda pang weapon itong cuffs ko kaysa ang mga binigay sa akin. I could easily choke someone with this! But, the cuffs were too heavy for me to even raise my hands.


"Kuya Hades!" Napakunot ang noo ko nang makakita ng pamilyar na boses. It was Gucci! What happened?! They sounded so nervous and in panic! Puta, hinahabol ba sila?!


I had to follow them.


"Putangina, Dior, kayanin mo..." I whispered to myself as I used all my strength to yank myself up. Tagumpay akong napangiti when I managed to stand up, I was wobbly but at least, I was able to handle it.


I took my dagger and walked slowly outside of the stall. I was trying so hard not to make a noise kaya mabagal din talaga ang paggalaw ko. Any time now, may aatake talaga sa akin. Pero, mayroon akong bagay na wala siya!


Positive akong tao!


Na para bang may magagawa 'yon sa sitwasyon ko ngayon. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil literal na pabigat ako ngayon. Napangiti ako nang makita sina Hades at Gucci na tumatakbo! Puta, lalayo pa nga sa akin!


Napatigil ako when I saw a Crow Guard running after them with a knife! Fuck... anong gagawin ko? Hindi rin ako makasigaw dahil ako naman ang pupuntahan niya. I had to make a concrete and thorough plan.


Pinanood ko sina Gucci at Hades who dashed into the ferris wheel. Alam ko na ang gagawin nila, especially Hades, he loved to watch action and suspense films. Who would have thought na mangyayari sa kanya ang mga pinapanood niya?


Silang dalawa lang ang magkasama? Tanginang 'yan, nasaan ba si Hermés?! I massaged my forehead as I thought hard about my next move. My lips parted open when Hades shot the emergency button, making the ferris wheel stop mid-air.


The Crow Guard chasing them was waiting for them in the bottom of the ride. Ito na ang aking cue na umeksena. However, it was too impossible, ang layo ko sa kanila. I needed to try hard. Nagsimula akong maglakad, trying very carefully not to make any noise.


Bigla akong napaluhod when my chains let out a loud sound. Good thing my reflexes were quick... hindi ata ako napansin noong Crow Guard! Mukha na tuloy akong tanga na gumagapang sa sahig.


Sumilip ako and sighed in relief when I saw the guard still standing on the same position he was in. Dahan-dahan akong tumayo at pinagpatuloy ang paglalakad. I was looking around, vigilant on either someone chasing me or Hermés.


CROWBONES | txtzyWhere stories live. Discover now