VEINTISEIS

251 12 4
                                    


- - FLASHBACK - -

˚˚. NARRATION


"Nasaan na 'yung cake?" Natatarantang tanong ni Chanel sa mga kaibigan niyang nakaupo lamang at naglalaro ng mobile games. Kumibit-balikat ang mga ito sa kanya kaya napamasahe siya ng sentido.


She was stressed.


They were currently in the beach to celebrate their friend's, Prada's, 21st birthday. Sakto naman dahil summer na kaya napagpasyahan nilang dito nalang. It was a surprise party kaya wala pa ang celebrant ngayon.


Chanel is the mother of the group. Natural na ang motherly instincts sa kanya kaya kapag usapang responsable, pangalan niya ang tinutukoy. Pinakamaalaga siya sa mga bunso dahil malapit palang sila humantong ng 18 years old.


Kapag magulo, siya ang nag-aayos. Her motherly nature allowed her to settle fights and misunderstandings without anyone getting hurt. Kaya nga madalas sa kanya pumupunta ang mga kaibigan niya for advice. Ayaw niya na mayroong kahit isa sa mga kaibigan niya na may dinadalang sama ng loob.


Her family was so loving that it made her the woman she is today. Puro pagmamahal ang nasa puso niya at pinipili niya maging mabait lagi. Bunso si Chanel sa kanila but she acted so mature because of how her parents raised her.


Marami rin sa kanilang magkakaibigan ang neglected o 'di kaya ay inabando ng magulang kaya she felt that it was her responsibility to fill the empty space in their heart. Gusto niya na naipapakita niya sa iba ang pagmamahal ng pamilya na namumuhay sa pamamahay nila.


And they say, opposite attracts, right?



"Bibe, kalma ka lang." Hades smoothly slid his arm over Chanel's waist and planted a kiss on her cheek. Nakita niya kung paano namula ang mukha ng girlfriend niya. Iniwan nalang ito ni Chanel at pumunta sa iba nilang kaibigan.


Hades and Chanel were the most unlikely of couples. The boy was too irresponsible and reckless for her... he wanted to live life freely than being calculated. Kaya, hindi rin nila alam bakit nahulog sila sa isa't isa. It seemed like the responsible one deserved to be in trouble sometimes too.


Chanel was the perfect girl while Hades was the troublemaker.


"Hoy, tama na 'yan!"


Ayun ang madalas marinig sa mga kaibigan ni Hades tuwing nag-aaya siyang uminom. His alcohol tolerance was so high, kakayanin niyang uminom from night to morning without delay, and even having so much energy after. Almost no one could top his tolerance for alcohol kaya madalas ay si Hades ang naghahatid pauwi ng mga lasing niyang kaibigan.


CROWBONES | txtzyWhere stories live. Discover now