TREINTA Y NUEVE

309 13 1
                                    

SECOND DAY IN CROWBONES

˚˚. APOLLO



"For the second play, you have to change your strategists!"


Napamura ako sa kaloob-looban ko nang marinig 'yon mula kay Crow. Umakyat ang lahat ng dugo ko dahil sa galit. Puta, ano bang problema nito?! Bakit papalitan ang strategist? Ayos na ayos na kami kay Ares, ah!


Pero kailangan ko itong gawin.


"Ako na sa Black team!" Sigaw ko, umiiwas sa mga tingin ni Dior. Hindi ko muna siya mapoprotektahan ngayon... dahil hawak ko rin ang buhay ng iba naming mga kaibigan. Masyado akong magiging madaya kung uunahin ko ang mahal ko.


Mas lalong namuo ang galit sa puso ko nang malamang si Hermés ang maglalaro para sa grupo nila. Nanliit tuloy ako sa sarili ko... e, matalino itong gagong 'to? Para lang akong pinagmumukhang tanga rito.


Hindi ko tuloy naiwasang manggalaiti nang maalala ang mga sinabi ni Chanel sa akin. Putangina mong hayop ka... pababagsakin kita. Ang dumi dumi mong tangina ka. Sumagi tuloy sa memorya ko ang alaala noong una kong nalaman ang tungkol sa mga hilig niya.


Pinagkatiwalaan ko noon ang sinabi niyang hindi niya pinag-iisipan nang ganoon ang mga kaibigan namin.


Napakuyom ako ng kamao nang mapagtantong ang mga tingin niya kay Dior ay... marurumi. Makaalis lang kami rito, kaya kong makapatay ulit. Wala na akong pakialam kung naging kaibigan ko ito.


Ang galing niyang mang-uto. Lahat kami napapaniwala niya.


Ang kapal pa ng mukha ng gago na sabihin na pinagsamantalahan siya ni Yves.


"Manalo, matalo... Ikaw pa rin ang icing ng cupcake ko." Kasinungalingan. Kailangan ko lang hindi ipahalata na may galit ako sa kanya. At siguro, ayun na ang huling beses na sasambitin ko ang mga salitang 'yon.


Walang kwenta na, e.


Sa kalagitnaan ng laro, nakakaramdam na ako ng tensyon sa aming dalawa. Magkaiba man kami ng ugali ni Hermés... may isa kaming pagkakatulad. Parehas kaming competitive. Kahit naman pakiramdam ko ay matalino ito, hindi ko pa rin kayang magpatalo.


Wala sa pangalan ko ang salitang 'talo'.


"Checkmate," sambit ko at nakita ko paano nandilim ang mukha ni Hermés.


Sakit, 'no? Aminin mo na kasi ang kabababuyan mong hayop ka para makaalis na tayo rito. At, wala na akong balak na maging kaibigan mo pa katapos.


"Pre..." Pero, nakita ko nalang ang sarili ko na lumalapit sa dati kong kaibigan. Nagpakawala ako ng buntong-hininga nang umatras siya.


Wala, competitive si gago, e.


Pero, mas competitive si Crow.


Halos mahulog ang puso ko nang pumasok sa chess board sina Yves at... Achilles. Umiwas ako ng tingin sa lalaki dahil naaalala ko lang ang ginawa ko sa kanya. Teka puta... buhay ba ito o hindi?


Kung oo, edi magdidiwang ako.


"Is your conscience consuming you, Mr. Andigre?" Kumakapit nalang ako sa napakanipis na pasensya ko ngayon... lalo na noong itinanong 'yon ni Crow. Wala nalang akong nagawa kundi pakalmahin ang sarili ko.


Napatingin ako kay Hermés na gulat ngayon. Agad naman akong napangisi sa kanya... hindi nga lang pala ako ang marumi rito.


Ano, gago? Kinakain ka ng konsensya mo?


CROWBONES | txtzyWhere stories live. Discover now