Prologue

38 10 6
                                    

Like always nasa kwarto lang ako gumagawa ng ipina commission sakin

Maya maya ay may narinig akong kumatok kaya agad na tumayo ako para silipin kung sino

Pag dating ko sa pinto ay may nakita akong isang maliit na envelope kaya agad ko itong kinuha at dali daling bumalik sa kwarto ko

'Kahapon ko lang pinadala yung sulat ko pero dumating agad sakanya?'

Binuksan ko naman yung sulat, sa sobrang exited muntik ko pang matapon yung kape ko

Bumungad naman ang isang napakagandang hand writing, kaya binasa ko agad ito

Dear Sandra

Payag ako na mag kita tayo sa susunod na araw 1:00 Pm sa harap ng library sa st. Chapel sa Bonifacio street sa maynila,
Aantayin kita ha? Ang kulay ng damit ko bukas is pula para madali mo sana akong mahanap, mag iingat ka palagi.

Nag mamahal
Ethan

Muntik na mapunit yung papel sa higpit ng pag kaka hawak ko, dahan dahan kong nilapag yung sulat sa lamesa ko bago ako tumalon sa kama para mag tago sa ilalim ng kumot

"Cas. Para kang tanga. Kinikilig ka ni hindi mo pa nga kilala kung sino si ethan. Malay mo ba kung sinong matandang lolo pala yan"
Pag pipigil ko sa sarili ko

Pero hindi ko parin napigilang tumili sa unan ko dahil sa tuwa!

Ilang buwan ko na sya gustong makita pero sabi nya sa mga sulat na hindi daw sya nag sosocial media

"Paano nga kaya kung matanda na sya kaya hindi sya nag fafacebook?"
Tanong ko sa sarili ko

Pinilit ko namang wag isipin yung mga ganong bagay at bumangon na mula sa kama ko para ituloy yung ginagawa kong pina commission sakin

Nandilim paningin ko at natumba ako, nahihilo ako at parang umiinot yung kwarto habang naka higa lang ako sa lapag

At sa hindi ko inaasahang pang yayari, nagising nalang ako na nakiga na sa isang hospital bed

"ATE!! OK LANG PO BA KAYO? MAY MASAKIT PO BA SAINYO?"
Sunod sunod na tanong ng isang babae

Binaba ko naman yung tingin ko para makita sya dahil naka tingala lang ako dahil sa pag kaka pwesto ng unan at ng kama

Pag tingin ko andoon yung kapit bahay kong si angela, mabait naman sya at laging bumibisita sa bahay para tignan kung ano ginagawa ko

Mahilig din kasi sya sa arts at calligraphy
"ATE! KANINA PAG PUNTA KO SAINYO NAKITA NALANG KITA NA NAKA HILATA NALANG SA LAPAG AT SOBRANG NAG ALALA AKO DAHIL SAYO!"
Rinig mo naman ang pag aalala nya sa boses nya

Habang kinukwento sakin ni Angela kung ano nangyari may dumating na doctor

"Hi. I am Doctor Chaves, if ok lang sana gusto kong makausap yung pasyente na mag isa lang"
Sabi ni doc

Tumango naman si angela at nag paalam sakin bago umalis

"Hi po, ako po si Cassandra Mendosa"
Pag papakilala ko

"I know already, dahil nakita namin yung wallet mo at yung id mo nung nag hahanap kami ng immediate family na matatawagan matapos kang mawalan ng malay ng isang buong araw"
Sabi ni doc

"Isang buong araw po?"
Pag uulit ko

Isang araw na ako nandito? Pero kanina lang ako nawalan ng malay diba?

"Uhhmm.. miss Cassandra Mendosa"
Pag tawag ni doc

Nangibabaw naman ang kaba ko dahil sa seryosong pag tawag nya sa pangalan ko

"Po?"
Tanong ko naman

"Paumanhin pero.. Hindi.. maganda ang balitang dala ko para sayo"
Sabi nya habang iniiwas nya ang tingin nya sakin

"Bakit po doc? Ok lang po, kakayanin ko po"
Sabi ko habang tinitignan si doc sa mata

Tumingin naman sya sakin at nag titigan kami ng ilang segundo bago nyang sabihin
"You have a Heart Failure.. we tried looking for ways to treat it like surgery or therapy pero.. hindi na kaya.. you will need a transplant pero dahil mahaba ang waiting list, malabo na isa ka sa mga mapipili"
Sabi ni doc

"Po? Heart failure po?"
Tanong ko

"Oo.. at sa estimations namin ng ibang Doctors dito sa ospital, best case senario is mabubuhay ka pa for 1 to 2 years pero.. malabo na yun.."
Sabi ni doc

"Edi gaano katagal nalang po meron ako doc?"
Tanong ko sakanya

Inalis nya tingin nya sakin bago ako sagutin
"1 week"

Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi nya
"1 Week po doc? Hindi nyo po ba ako binibiro lang? Nag jojoke lang naman po kayo diba?"
Pag pipilit ko sa sarili ko na mali lang dinig ko

"I'm sorry"
Sabi nya bago tumayo at umalis sa kwarto

Napa tiklop lang naman ako sa hospital bed at naiyak, kung kailan parang mag sisimula palang buhay ko matatapos na sya agad?

Bakit naman ngayon pa.. paano si ethan? Makikita ko palang sya sa kauna unahang pag kakataon tapos iiwan ko agad sya?

Napaka daming tanong at kung ano ano pa ang pumasok sa isip ko hanggang sa nakatulog nalang ako kakaiyak buong gabi

Letters Where stories live. Discover now