Day 4

21 7 4
                                    

Nagising ako na namumula parin mga mata ko, puyat na nga ako umiyak pa ako. Mukha akong sabog na panda

Lumabas naman ako ng kwarto ko at nakita si ethan nag luluto

"Akala ko ba hindi ka mahilig mag luto?"
Tanong ko

"Sa bahay yun. Libre kasi pag kain dito kaya ok lang para sakin na mag luto"
Sagot nya

Umupo naman ako at nag cellphone lang muna

"Hey.. uhhmm.. may nakita akong sikat na garden or park na malapit lang dito"
Sabi nya

Narinig ko ito pero hindi naman ako
Masyadong nag react

"Pwede ba tayong pumunta doon?"
Pag aaya nya

"Sige.. wala rin akong maisip na puntahan actually ehh.."
Sagot ko

Medyo lutang parin ako at medyo masakit lalamunan kaiiyak kaya hindi ako masyadong nag sasalita, pero nag kunwari nalang akong antok parin at mukhang naniwala naman sya

After kong kumain ng niluto nya nag palit na ako at umalis na kami

Nilakad lang namin dahil malapit lang daw pero medyo malayo layo parin pala

Malayo palang kita mo na yung malaling entrance ng park

Pag dating namin sa harap ng entrace pareho kaming napa tigil dahil sa sobrang ganda ng view

May malaking fountain sa gitna at andaming flower fields sa paligid

Pumasok naman kami sa loob at andaming mga couples na napuno na yung park at wala ng bench na mauupuan

Lahat naman ng mga couples nag papaka sweet na akala mo naman na silang dalawa lang tao sa park

Like eww.. get a room please...

Dahan dahan naman akong lumingon para makita reaction ni ethan at pag silip ko nag kamit mga mata namin

Nag titigan kami ng ilang segundo bago natawa
"Ang awkward naman pala dito.. sorry naisipan kong ayain ka dito"
Sabi ni ethan habang kinaklma sarili nya sa pag tawa

"Ok lang.. maganda naman yung view"
Sabi ko

Nag ikot ikot pa kami at nagulat nalang ako nung may nabangga akong tao

"Sorry po.. hindi ako naka ting-"
Napa tigil naman ako nung nakita ko si ethan lang yung nabangga ko

Naka tulala lang sya habang may tinitignan kaya tumingin ako kung ano yung tinitignan nya

"Bulletin board?"
Tanong ko

May tinuro naman sya kaya napatingin ako
"Sa ganto ko din nakita yung address mo oh.."
Sabi nya bago may iturong listahan ng pangalan at address

"Loner kasi ako dati, kaya naisipan kong mag send ng random letter sa isang address na naka sulat sa ganito for fun.. tapos nagkataon na address mo pala yun.."
Sabi nya habang palaki ng palaki ang ngiti nya

Naaalala ko pala dati na may finill upan akong form

*****

"Hi miss! Gusto nyo po bang mas dumami ang iyong mga kaibigan? Pwede nyo po isulat pangalan nyo dito at makipag sulatan sa isang taong pipili ng pangalan nyo dito"
Pag pigil sakin ng isang babae habang naiikot ikot sa mall

Wala naman akong friends.. why not? Malabo namang mapili name ko ehh

"Paano po ulit?"
Tanong ko

Nanliwanag naman mukha ng babae bago mag bigay saakin ng isang papel at ball pen
"Gusto naming ma preserve yung art ng pakikipag sulatan"
Sabi nya
Sinulat ko naman pangalan ko at tinuloy yung pag iikot ukot ko sa mall

Mahilig naman ako sa callig kaya magiging parang practice lang to sa pag susulat ko

"Ahh.. may ganon pala?"
Tanong sakin ni ethan matapos kong ikwento sakanya kung paano napunta yung address ko sa listahan na nasa bulletin board

"Oo.. para daw hindi mawala yung kagandahan ng pakikipag sulatan sa mga kaibigan mo"
Sabi ko

"Ahh... dumidilim na.. tara na uwi na tayo"
Pag aaya nyang umuwi

"Tara."
Sagot ko naman

After noon ay nag simula na kaming mag lakad palabas ng park, madami paring mga couples na nag haharutan parin pero hindi na namin ito pinansin

"Mag bus nalang tayo.. napagod ako kakalakad ehh"
Sabi ko

"Sige.. doon yung sakayan ohh.."
Sabi nya bago kami mag lakad papunta doon

Pag dating nung bus ay agad na sumakay na kami at umupo

Sya na nag bayad dahil hindi ko nadala wallet ko ngayon

Bakit ba pagod na pagod ako kahit hindi naman ako masyadong nag lakad ngayon? Isa ba tong symptoms ng sakit ko?

Andaming kung ano anong mga tanong na pumasok sa isip ko

Sinandal ko ulo ko sa balikat ni ethan dahil sumakit ulo ko at pumikit na muna

"Sandra.. andito na tayo"
Pag gising sakin ni ethan

"Ahh.. sorry.."

"Ok lang.. napagod ka nga siguro dahil malayo na lakad natin.."
Sabi nya

After noon ay pumasok na kami sa loob
"Pagod ka na siguro.. mauna ka na.. maliligo lang ako"
Sabi ni ethan

Napa ngiti naman ako dahil hindi na sya masyadong awkward kasama ako at comportable na sya kasama ako

"Sige.. Goodnight"
Pag papaalam ko

"Goodnight"
Sabi nya bago ako pumasok sa kwarto ko

Humiga na ako at pinilit na matulog na dahil ayaw kong mag over think nanaman..

Ayaw ko ng mag isip ng mga what if's

What if dati pa kami nag meet up
What if hindi ako nag sulat doon
What if.. what if.. hindi nabibilang.. natitira kong oras..

Letters Where stories live. Discover now