Day 7

14 7 2
                                    

Matapos kong umiyak buong gabi agad na nag ayos ako at kinuha yung bag ko para umalis

Feeling ko kasi pag nabasa na ni ethan yung sulat ko mag mamadali syang bumalik dito

Bago kasi ako matulog nung isang araw nag sulat ako ng goodbye letter para kay ethan

Dear Ethan

Maraming salamat at pumayak kang makasama ako dito kahit sa loob lamang ng limang araw

I had fun. Andami kong napuntahan at nagawa sa loob ng limang araw na magkasama tayo

Paumanhin dahil hindi ko na nasabi sayo to.. pero..

May sakit ako.. Heart Failure.. ang sabi ng doctor one week nalang natitira meron ako kaya ginusto kong sulitin ito kasama ka

Siguro habang binabasa mo to wala na ako kasi kinabukasan ng pag alis mo yung huling araw ko dito sa mundo

Maraming salamat at nakilala kita at nabigyan ng saysay yung buhay ko

Maraming salamat sa lahat

I Love You

Nag mamahal sayo
Cassandra Mendosa

Pag bukas ko ng pinto para umalis sa bahay may maliit na sulat akong nakita sa lapag

Pinulot ko ito at binasa kung saan ito nang galing

'Medical Center of the Philippines"

Huh? Ano to?

Agad na binuksan ko ito dahil biglaang nag send ng letter yung ospital

To Miss
Cassandra Mendosa

We would like to inform you that there had been a mistake during the testing and our doctor sir Jonathan Cristobal made a mistake

Please come to our hospital and refer to doctor Cristobal to get the the updated news regarding your diagnosis

Sincerely
Medical Center of the Philippines

Huh? Anong mistake?

Agad na binitawan ko yung bag ko at nag tungo sa ospital

"Hi! I'm here for a consultation with doctor Jonathan Cristobal"
Sabi ko sa reception desk

"Name nyo po?"

"Cassandra Mendosa"
Sagot ko

"Ahh.. inaantay na po kayo ni doc, yung Office nya po is nasa kaliwang pinto sa dulo ng hallway sa third floor"
Sabi nung nurse

Agad na tumakbo ako paakyat ng hagdan para malaman kung ano yung mistake

Ibig sabihin ba nito na may chance pa akong mabuhay? Pwede pang magawan ng paraan like surgery yung condition ko?

Kumatok ako sa pintuan na may sulat na
'Doctor Cristobal'

"Come in"
Sabi ng isang boses lalaki

"Ohh.. Miss mendosa, maupo na po muna kayo"
Sabi ni doc

Umupo naman ako at nararamdaman ang pag bilis ng tibok ng puso ko

"After ng ilang days Na realize ko that i made a mistake, tinry kitang tawagan pero yung number mo is out of reach, nag padala kami ng sulat pero mukhang medyo natagal ng dating dahi-"
Pinutol ko na yung sasabihin nya

"Ano po ba yung mistake doc?"
Tanong ko

Tumingin sya saakin at nag katitignan kami bago nya sagutin yung tanong ko

"You were misdiagnosed"
Sabi nya

"Po? Ano po doc?"
Tanong ko

Anong misdiagnosed?

"Yung diagnosis na binigay ko sayo last week.. hindi talaga yun para sayo"
Sabi ni doc

"Yung diagnosis na yun is para sa isa pang pasyente na nag ngangalang Celestine Madrigal"
Pagpapatuloy ni doc

"Dahil parehong nag sisimula sa letters C at M yung name at last name nyo, nalito ako at nabigay sayo yung diagnosis para sakanya"
Sabi ni doc

"So hindi pa ako mamatay doc?"
Tanong ko at pumigil ng hininga

"Mahaba pa ang panahon mo sa mundong ibabaw kaya hindi mo na kailangan mag alala"
Sabi ni doc

Napatayo naman ako sa tuwa pero agad na pinigilan din ang sarili dahil naisipan kong isang kabastusan yun

"Paano po yung isa pang pasyente?"
Tanong ko

"You don't have to worry, dahil after further testing napag alaman namin na hindi ganoon kalala yung kondition nya at pwede syang mag pa surgery at mag pagaling"
Sabi ni doc

Naka hinga na ako ng maayos nung sinabi ni doc yun

"I'm so sorry for scaring you, gusto kong lang sabihin yun dahil hindi pag kakamali ng ospital yun kundi sarili kong pag kakamali"
Sabi nya

"It's fine doc.. ok naman na po ako ehh.."
Sabi ko

"Yung nangyari lang sayo is lack of sleep at over caffeine"
Sabi ni doc

"Basta matulog ka sa tamang oras at hinay hinayan lang ang pag inom ng kape mahaba pa ang natitira mong oras"
Sabi nya na naka ngiti

"Ahh.. opo.. salamat doc.. maraming salamat po.."
Sabi ko

"No need, ako naman itong nag kamali"
Sabi nya

Umalis na ako sa ospital at nakahinga na ng malalim..

Hindi pa ako mamamatay kaya may panahon pa akong makakasa ko si ethan

Agad na nag madali ako pauwi para sulatan si ethan na ok lang ako

"ARAY!"
Sabi ko nang may mabangga ako

"Sorr-"
Naputol yung sasabihin ko ng yakapin ako nung nabangga ko

"SANDRA!"
Sigaw ng pamilyar na boses

Yinakap ko naman din sya ng mahigpit

Hindi ko na kailangan mag alala

Dahil pwede ko pa syang yakapin ng mas matagal pa..

Dahil wala nang time limit yung buhay ko

Letters Where stories live. Discover now