Day 2

18 9 3
                                    

Nagising naman ako ng maaga, dahan dahan ako lumabas ng kwarto para hindi magising si ethan

Napilit ko sya kagabi after ng ilang minuto

*****

"Sandra... I'm sorry pero.. hindi ata pwede"
Sabi nya

"Bakit?"
Tanong ko

"Kasi.. babae ka ehh.."
Sabi nya bago mamula buong mukha nya hanggang leeg nya, maputi sya kaya madaling mapansin yung pag pula ng mukha nya

"So?"

"Huh? Anong so?"
Naguguluhang tanong nya

Nag isip naman ako ng pwedeng idahilan sakanya

"Sa totoo lang.. lilipat na kasi ako.. baka last meet up na natin to so.. if ok lang sana, samahan mo ako bago ako umalis"
Sabi ko

"Aais ka? Saan ka lilipat?"
Tanong nya

Parang sinaksak naman ako ng sandamakmak na kutsilyo dahil sa guilt na nararamdaman ko

"Hindi na importante yun.. uhhmm.. 5.. days nalang ako dito, kaya if ok lang sana samahan mo nalang ako.."
Sabi ko sakanya, at napa pilit ko naman ito..

*****

"AHH!"
Pagsigaw ko ng matapunan yung kamay ko ng onting kape

Agad na lumabas si ethan mula sa guest bedroom at kitang kita mo yung pag aalala sa mukha nya

"What happened?"
Tanong nya

"Ahh.. wala, natapon ko lang onti yung kape ko.. tara kain ka ng almusal"
Pag aaya ko

Pumasok naman muna sya sa kwarto at pinatay yung ilaw bago sya pumunta sa kusina

"Breakfast lang to?"
Tanong nya

"Oo.. bakit kulang ba?"
Tanong ko naman

Nanlaki naman mata nya at napa buka yung bibig nya sa gulat

Natawa naman sya bago mag salita
"Pang lunch ko na to ehh"
Sabi nya

"Ehh? Lunch? Kaya pala ang payat mo"
Sabi ko

"Oo.. tamad akong mag luto so usually umoorder nalang ako ng food"

"Araw araw?"

"Oo"
Sagot nya bago kumain

"Grabe... nagulat ako kagabi nung hinubad mo yung sweater mo dahil payat ka pala.."
Pang aasar ko na may halong pag aalala

"Well.. malapad yung shoulders ko pero payat talaga braso ko kaya lagi akong nag lolong sleeved"
Pag dadahilan nya

"Ohh sige, kumain ka na dyan.. baka mabali ka pa mamaya ehh"
Pang aasar ko

Natawa lang naman sya

After non ay naligo na ako after kong mag bihis tinignan nya ako mula ulo hanggang paa

"Ano? Bakit?"
Tanong ko

Agad na umiwas naman sya ng tingin bago sabihing
"Wala.."

Letters Where stories live. Discover now