Day 1

28 10 3
                                    

Nagising naman ako sa silaw ng liwanag ng araw, umupo ako at tumingin sa orasan

11:27 AM


Nilibot ko naman paningin ko sa kwarto at nakita na nasa bahay na ako ulit

Umuwi na nga pala ako kaninang 6 nung nalaman kong pwede na akong umalis

Humiga lang naman ako ulit dahil nawalan na akong ganang makipag kita pa kay ethan dahil mawawala narin naman ako matapos ng ilang araw

Pinilit kong matulog para mawala yung sakit na nararamdaman ko habang iniisip na hindi ko na talaga makikita si ethan bago ako mamatay

Nang maka tulog na ako napanaginipan ko sya, naka upo lang sa loob ng library bago sya paalisin kasi mag sasara na ito, at umupo lang sya sa labas kahit na wala ng tao sa paligid at lumalalim na ang gabi

Nagising naman ako at naiyak ulit dahil hindi ko gustong mangyari sakanya yun

Nag bihis na ako at kumain then umalis na

I've decided na whatever happens happens, bahala na kung ano man mangyari mamaya

*****

Pag dating ko doon may nakita akong lalaki na naka pulang sweater at tumitingin tingin kung saan saan na para bang may hinahanap sya

Lumapit naman ako at nag tanong
"Hi.. ikaw po ba si ethan?"
Tanong ko

"Ahh.. opo, are you Cassandra?"
Pabalik na tanong nya

"Ahh.. yes.. it's nice to meet you"
Pag bati ko naman sakanya

"Uhhmm.. Tara, pasok na tayo sa library"
Pag aya ko sakanya

"Sure"
Sabi nya bago ako sundan papunta sa entrance

Pumasok naman ako pero pinigilan sya nung guard
"Sir. No hats or masks allowed inside"
Sabi nung guard

"Ahh.. ok po"
Mabilis na sagot ni ethan bago hubarin yung cap at mask nya

Nag tinginan naman yung iba nung nakita nila mukha ni ethan, pati ako natulala nalang din habang nakatingin sakanya

Mas gwapo sya kaysa sa ineexpect ko, kanina ko pa napansin na maganda yung tindig ng katawan nya kaysa sa ineexpect ko

"Uhhmm.. Sandra?"
Tanong sakin ni ethan kaya natauhan ako agad

"Ahh.. sorry may iniisip lang"
Palusot ko

Nag lakad naman ako papunta sa romance isle at binasa yung mga title ng mga covers ng books

"Ang huling paalam"

"Pabilin"

"Sa susunod na buhay"

"Hanggang sa kabilang buhay"

Teka bakit puro malulungkot na libro yung nandito? Diba romance to?

Tumingin naman ako sa taas para silipin kung anong genre ba napuntahan ko

'Tragic Romance'

Ahh.. kaya pala puro malulungkot.

Pinuntahan ko naman si ethan na nandoon tumitingin sa Love affair section ng Romance

"Ang tinatagong lihim"

"Patawarin mo ako at tinago ko sayo"

"Umalis matapos malaman ang pinaka tagong secreto ni merilas"

"Ang hindi nasabing secreto"

Nag paparinig ata yung langit sakin na malapit na akong mamatay at hindi ko parin sinasabi kay ethan

"Look oh!!"
Malakas na sabi ni ethan

"SHH!"
Pag saway naman nung librarian

"Eto yung ni recomend kong book sa unang sulat natin sa isa't isa diba?"
Pabulong nyang sinabi

"Ahh. Oo nga.. Maganda to ehh"
Sabi ko

"Ang maling resulta"
Pag basa ko sa title

"Naalala ko pa nung time na yun naguguluhan pa ako dahil may biglang sulat na dumating sa bahay ehh"
Sabi ko

Ayun yung unang sulat na nag simula ng friendship naming dalawa

Naalala ko pa na nag titimpla ako ng kape nung may kumatok sa pinto kaya sinilip ko kung sino yun

Pag bukas ko walang tao pero may maliit na sulat sa harap ng pintuan ko

Hi! Gusto kong irecomend yung book na 'Ang maling Resulta' maganda syang libro, love affair ng asawa nya at yung kabit is yung pinsan nya at nabuntis sya ng pinsan ng asawa nya, try mong basahin pag may time ka ha?

Nag mamahal
Mr. Unknown

Itatapon ko na sana dahil mukhang advertisement letter lang sya pero hindi ko kinaya dahil sa ganda ng pag kakasulat at ng lettering nung gumawa ng sulat

Kumuha naman ako ng papel at ball pen at sinulatan sya dahil baka nag kamali lang ng address na nailagay nya

*****

"HAHHAHA May pa mr. unknown ka pa dati HAHAHAHA"
Pag bibiro ko

Natawa kaming dalawa matapos kong ikwento yung reaction ko sa unang sulat na pinadala nya

"Pero ang seryoso mo naman sa sulat na pinadala mo sakin ' Paumanhin ginoo ngunit nag kamali ata kayo ng address na isinulat at napunta saakin ito' HAHAHA"
Pag ganti nya sa pang aasar ko

"Sorry naman, akala ko kasi wrong address lang ehh"
Sabi ko habang kinakalma sarili ko sa pag tawa

Matapos namin mag biruan ay lumabas na kami sa library

"Ahh nga pala, saan ka nga pala pupunta ngayon? Diba malayo pa bahay mo?"
Sabi ko

"Ahh.. Oo, kaya naman mauuna na ako dahil baka wala na akong masakyan"
Sabi nya bago tumalikod at mag simulang mag lakad papaalis

"Sandra?!"
Gulat na tanong nito matapos kong hawakan yung damit nya para pigilan sya sa pag alis

"Pwede bang.. doon ka nalang muna... sa bahay ko nalang.. matulog"
Sabi ko

Hindi ko sya matignan dahil sa hiya, naisip ko if bilang nalang araw ko gusto ko makakasama ko sya dahil sya lang naman kaibigan ko

Kahit hanggang sa 6th day lang tapos pwede na syang umalis, ayaw ko naman kasing maabutan nya akong mawala

Tumingala naman ako at dahan dahang qbinuksan mata ko

"Sandra... I'm sorry pero.. hindi ata pwede"
Sabi nya

Naramdaman ko naman ang pag bigat ng dibdib ko nang marinig kong sabihin nya yun

Letters Where stories live. Discover now