Day 5

13 7 2
                                    

Nagising ako na medyo blank yung utak ko

Malapit na yung oras na mawawala ako..
Kaya gusto kong sulitin ngayong araw dahil bukas ng hapon uuwi na sya

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si ethan sa sala

"Ethan.."
Pag tawag ko

"Why?"
Tanong nya

"Samahan mo ako.. gala tayo mamaya"
Sabi ko

"Saan naman?"
Tanong nya

"Makikita mo mamaya"
Sagot ko

*****

"Ang ganda ng view"
Sabi nya habang nakatingin sa view

"Eto yung pinaka malaking building dito ehh.. kaya naisipan kong pumunta"
Sabi ko

Hindi naman sya nag aalita ng ilang segundo pero bilga syang tumingin sakin na may shocked expression

"Eto ba yung nasa pangalawang sulat na pinadala ko sayo?"
Tanong nya

"Oo.."
Sagot ko naman

"Naalala mo pa pala yun?"
Tanong nya

"Syempre.. simula nung pinadala mo sakin yung sulat na yun gusto ko na ring pumunta dito ehh"
Sabi ko sakanya

Tumabi naman ako sakanya at pareho kaming naka tingin lang sa view

"Simula nung araw na yun Every other day na tayo nag susulatan ehh"
Sabi nya

"Sino kaya makaka expect na magkikita talaga tayo at makaka punta tayo dito"
Sabi nya

"Naalala mo pa ba yung sinulat mo sa sulat na yun?"
Tanong ko

"Well.. actually hindi na masyado.."
Sagot nya

"Mabuti naman"
Sabi ko

Naalala ko pa kasi pag aalala ko nung nabasa ko yung sulat

Dear miss Cassandra

Actually nakita ko yung name mo sa isang penpal post sa isang malapit na park kung saan ako naka tira, hindi po ako nag kakamali ng pinadalhan ng sulat dahil sadyang sainyo po ito

Gusto ko lang kasi actually ng kausap dahil sobrang lonely ko.. wala akong friends at namatay na lahat ng close relatives ko, sa totoo lang nakita ko yung bulletin kung saan ko nakita address mo nung papunta ako sa pinaka mataas na building ehh

Balak ko na kasi sanang tumalon pero naisip ko if mag kakaroon man ako ng friend na kakausap sakin baka mag karoon ako ng peace of mind or distraction sa pag ka depress ko

If ayaw nyo ako kausap sulatan nyo nalang din ako at titigil na ako

Nag mamahal
Ethan Reyes

Naaalala ko pa yung pag mamadali kong mag hanap ng papel at ballpen para lang sulatan sya na gusto ko syang kausap

To be honest kinakausap ko lang sya dati dahil feeling ko sisisihin ko sarili ko pag may namatay dahil lang hindi ko sila sinulatan

Pero nung tumagal hindi ko napapansin na natutuwa na ako sakanya hanggang sa maging mag kaibigan na kami

"Hey.. anong gagawin mo if namatay ako?"
Tanong ko

Agad na nag sisi naman akong sinabi ko yun pero hindi ko binawi dahil na curios ako sa sasabihin nya

"Wala.. susunod ako sayo"

"G*go!"
Sabi ko bago ko sya sampalin

"Anong susunod? Nahihibang ka ba?!"
Pasigaw kong tanong

Natawa naman sya
"Ikaw lang naman dahilan kung bakit nabubuhay ako ehh.."
Sabi nya

"I lied.. naaalala ko pa yung sinulat ko.. pero totoo naman na ikaw dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon.. kung hindi ka pa mag sulat pabalik baka pinasara na tong building na to dahil tumalon ako"
Sabi nya

Nawala naman yung ngiti nya
"Perp wag kang mag alala dahil wala akong balak tumalon ngayon.. dahil andito ka"
Sabi nya

Naiyak naman ako sa sinabi nya

So pag nalaman nyang wala na ako itutuloy nya yung balak nyang gawin?

"Uyy!! Bakit ka umiiyak?!"
Pag aalala nya

"Ikaw kasi! Parang tanga!"
Sabi ko bago palo paluin sya

"Shh... hindi pa ako mamatay.. kaya you don't need to worry"
Sabi nya bago ako yakapin

Medyo matagal din syang naka yakap dahil matagal tagal din akong umiiyak sa yakap nya

Bumitaw na ako nung medyo kumalma na ako kaiiyak

"Ok ka na?"
Tanong nya bago mag abot ng panyo

"Oo.."
Sagot ko naman

"Anyways, bakit mo nga pala natanong?"

"Natanong yung ano?"

"Ano gagawin ko pag namatay ka"
Tanong nya

"Wala.. uuhhmm.. hypothetical question lang yun dahil naalala ko yung sulat mo"
Pag dadahilan ko

"Well.. hindi mo na kailangan mag alala, dahil hanggat nandyan ka.. wala akong balak umalis, Ok?"
Sabi nya

Parang sinaksak ako ng isang daang kutsilyo nung sinabi nya yun sakin

"Ok."
Sagot ko naman

After noon ay nag ikot ikto pa kami at Inadmire pa yung view mula sa tuktok ng building

Then umuwi na kami

At pinilit kong matulog kahit na andaming tanong at kung ano anong bagay na pumapasok sa isip ko

Letters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon