Day 6

14 7 3
                                    

Gumising akong may halong lungkot at exitement

Madami akong plano ngayon pero last day ko na to na kasama sya..

Lumabas ako ng kwarto and as usual naka upo lang sya sa sofa habang nag cecellphone

"Good morning"
Pag bati ko sakanya

"Good morning"
Sagot naman nya

"Etha-"
Pinutol nya naman yung sasabihin ko

"Pwede mo ba ako samahan mamaya? Bago ako umuwi mamaya may gusto muna akong puntahan"
Sabi nya

"Ahh.. sige"
Sabi ko

Well.. baka naman mas maganda nga yung balak nyang puntahan kaya sasamahan ko nalang sya tutal ako naman halos laging pumupili ng pupuntahan namin

Nag bihis ako, tinanong ko sya kung saan kami pupunta pero hindi sya sumagot

Ang sabi nya lang is
"Makikita mo nalang"

Nag lakad kami sa seaside bago pumasok sa isang maliit na building

"Sunset Escape"
Pag basa ko sa pangalan ng store

Pag pasok namin sinalubong kami ng sari saring books at mga sunset themed decorations

Nagulat naman ako nung may nakita akong counter at isang ref puno ng mga cakes at kung ano ano pang mga matatamis na desserts

Nauna na sya sa counter at umorder habang ako naman ay umupo nalang muna

Tinignan ko naman yung mga books at lahat sila puro romance at walang halong fantsy or kahit ano pang ibang genre

"Ang ganda dito diba?"
Sabi ni ethan bago umupo

"Oo nga.."
Sagot ko naman

"Parang ikaw"
Sabi na

Narinig ko sya pero hindi ako sure kung tama ba pag kakarinig ko kaya hindi ko nalang pinansin masyado

"Hi, eto po order nyo"
Sabi nung waitress

Nag lapag sya ng dalawang drinks at isang mini cake sa table namin

Ang ganda dahil lahat dito may blend ng pink red at yellow para mag mukhang sunset talaga

"Ang cute naman.. parang nakaka hinayang kainin"
Sabi ko

"Kainin mo yan.. binili ko yan para sayo"
Sabi naman ni ethan

Sinimulan ko nang kainin yung cake at inumin yung drink

Masarap yung drink dahil strawberry flavor at yung cake naman vanila

"Miss.. samahan nyo po ako dito"
Sabi ng waitress bago hawakan yung kaliwang kamay ko

Tumayo naman ako at sumunod lang sakanya

Tumigil sya sa harap ng isang bookshelf at iniwan ako doon, tinignan ko naman yung mga books na nasa shelf

Bakit isang letter lang yung mga nasa spine ng books ma to?

Inisa isa ko naman yung books

'W' 'I' 'L' 'L' 'Y' 'O' 'U' 'B' 'E' 'M''Y'
'G' 'I' 'R' 'L' 'F' 'R' 'I' 'E' 'N' 'D'

I took three steps back para mabasa ng mas maayos dahil parang may sinusulat itong mga librong to

"Will you be my Girlfriend?"
Bulong mula sa likod ko

Pag lingon ko naman andoon si ethan na ka tayo sa likod ko

Lumuhod maman sya at nag bigay ng bouquet ng flowers sakin

"Cassandra Mendosa, mula nung una kitang nakilala nagustuhan na kita, mula sa pananalita mo hanggang sa penmanship mo lahat nagustuhan ko about sayo, lagi kang nandyaan para sakin at laging nag aalala para sakin kaya Na realize ko yung feeling ko sayo"
Panimula ni ethan

Napansin ko naman na yung ginagawa nya at nag simulang mapuno yung mga mata ko ng luha

"Cassandra Mendosa, Will You Be My Girlfriend"
Sabi nya

"Matagal na akong may gusto sayo.. nung simula palang"
Sabi ni ethan

Hindi ko na napigilan yung luha ko at naiyak na ako

"Matagal na rin akong may gusto sayo"
Sabi ko

'Pero hindi pwedeng maging tayo dahil mawawala na ako'
Sabi ko saisip ko

Nanlaki naman mata nya at napangiti sya na abot tenga

Yinakap nya ako at naiyak na din

"Ang sweet nila ohh.."

"Na touch si ate ng sobra na iyak sya"

"Sana oll.."

Pag bubulong ng ibang customers sa cafe

Iniisip siguro nila na naiyak ako sa tuwa pero yung totoo naiiyak ako dahil kung kailan akong mamamatay na tsaka nag katotoo mga parangarap ko

"Congrats Ma'am, sir, as a Congrats we would like to give you this cake, eto po yung inorder nyo din kanina, Muli congratulations po"
Sabi nung babae

After noon ay umuwi na kami, masaya sya kaya pinilit kong ngumiti para hindi masira mood nya

"Uhhmm.. kailangan ko na umuwi sa bahay ngayon.. mauuna na ako ha?"
Pag papaalam ni ethan

"Ahh wait.. eto oh.. mamaya mo na basahin pag dating mo sa bahay mo"
Sabi ko

"Sige, I Love You"
Sabi nya

Napa ngiti naman ako Sa sinabi nya
"I Love You too"
Sabi ko bago sya umalis

Pag alis nya napa luhod ako sa pintuan ng kwarto ko, nilabas ko lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan..

Ethan.. Im sorry.. pero, una at huling I love you ko na yun.. na maririnig mo

Letters Where stories live. Discover now