Chapter 10

161 5 0
                                    

Fajra's POV

Monday ngayon at nag aayos na ako para sa 7 am class. Terror pa naman yung first class namin ngayon. Akala mo pinagsakluban ng langit at laging galit lalo na sa mga patanga tanga na estudyante.

Sinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko at tumingin sa paligid kung may nakalimutan. Wala naman.

Lumabas na ako at nakita ko si Nay Feli na naghahanda ng almusal sa lamesa. Ang anak ng demonyo nakaupo na at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Ha! Mabuti lang yon dahil hindi ko rin naman siya pagtutuunan ng pansin.

"Fajra, sumabay kana kay Frost pagpasok sa school dahil may inutos ang Don kay Ramil na bilhin sa La Union"

Sabi ni Nay Feli bago siya tuluyang pumunta sa kusina.

Ano daw? Sasabay kay Frost? Hell no! Saksakin niyo nalang ako kaysa makisabay sa gagong yon. Sigurado akong ipapasalvage niya ako mawala lang ako sa paningin niya.

"What? She's old enough Nay Feli. She can manage to go to school alone."

Sigaw ni Frost para siguradong rinig siya sa kusina.

Lumabas naman si Nay Feli galing kusina dala dala ang isang pitsel ng tubig.

"Utos yon ng lolo mo kaya sundin mo"

Tumingin ako kay Frost. Aba! Inirapan ako ng gago. Dukutin ko yang mata mo e.

Tumayo na siya at naglakad palabas. Papasok na ata ang loko.

"Sige po Nay Feli una na po ako. Baka ma-late po ako sa klase" bati ko sa kanya bago ako tumalikod.

"Hoy, sa likod na ako sasakay dahil ayokong katabi kita" yung fortuner gamit niya ngayon.

"May sinasabi ka? Sinong may sabi na isasabay kita? Manigas ka. Ano ka gold para isabay?" Pang aasar niya sakin sabay pasok ng kotse.

Tuluyan ng umalis ang gago at iniwan nga ako. Yare ka sakin mamaya sa school at gaganti ako hinayupak ka. 6:35 am na at ang byahe mula dito sa subdivision hanggang school ay 15 minutes. Sa huklubang professor pa ang first subject jusmiyo naman.

Naglakad na ako palabas dahil uugatin lamang ako dito kung hindi ako maglalakad. Malayo pa naman ang lalakarin bago makaalis dito sa subdivision.

Habang naglalakad ako palabas ng subdivision ay nakailang sumpa na ako kay Frost. Natawag ko na din ang lahat ng Santo. Malasin sana siya ngayong araw Lord. Deserve na deserve niya yon. Nakakagigil.

"Ay leche na kapatid ni Frost!"

Nagulat ako sa lakas ng busina mula sa likod ko. Si Eros sakay ng sports car niya. Taray yayamanin nga naman oh.

"Fajra? Is that you?"

Takte si Eros! Lumabas siya ng kotse niya. Shet umagang umaga ang fresh naman ng nasa harapan ko. Teka yung panty ko pakiabot nahulog! Patay, hindi niya pwedeng malaman na kila Frost ako nakatira.

"H-hi, ako nga, no other than Fajra. O-oo ako nga"

Jusmiyo naman Fajra get a hold of yourself! Hindi ka pwedeng mabuking. Kalamahan mo lang.

"So dito ka rin pala sa subdivision na ito? Wait, dito din ang street nila Frost. Pero hindi pa kita napapansin na taga dito ka"

Sabi niya sakin na parang hinuhuli ako dahil sa salang sinungaling. Kailangan ko makalusot kundi yare ako kay Frost. World war 3 na ito pag nagkataon.

"Ah ehh, sa auntie ako nakitulog kagabi. Wala kasi sila Mom and Dad kagabi kaya sa auntie ako nakitulog. You know, ayoko mag isa e"

Fingers crossed, sana bumenta sa kanya.

Babysitting the Campus KingWhere stories live. Discover now