Chapter 8

187 5 0
                                    

Nasa bahay kami nila Izzy ngayon nakatambay. Pinagsasabihan nila ako dahil sa nangyari kay Fajra. Muntikan na siyang ma-rape ng dahil sa kagagawan ko. Alam kong mapapahamak siya but I didn’t expect it worst.

“Look what you’ve done to her! Muntikan na siyang ma-rape ng dahil dyan sa ego mo” si Eros. Galit na galit siya sakin pagbalik niya noon. Bakit ba pag si Fajra ang usapan nag fefeeling hero ang isang ito.

“Bakit ka ba galit na galit? Dahil ba si Fajra yon? Hindi naman natuloy diba?” Kinwelyuhan niya ako at tiningnan ng nanlilisik na mata. Ngayon ko nalang ulit siya nakitang ganito kagalit.

“It’s not about Fajra! In case you forgot my sister died because of rape. When I saw Fajra crying while begging for her life it brought back memories that I already buried 2 years ago. You bastard! Iinatyin mo pa bang may mangyaring masama bago ka makonsensya?!” Sigaw niya. Inawat naman kami nila Izzy at Axcel.

Eros sister was a victim of rape. It was her schoolmate also who raped her. One day she came home iyak ng iyak. Hindi siya makausap ng matino dahil parang takot na takot siya pag may humahawak sa kanya. Nalaman nalang namin na na-rape siya ng schoolmate niya. Binubog ni Eros yung lalaki at 3 buwan na comatose, nagsampa ng kaso ang magulang nung lalaki pero dahil malakas ang connection nila Eros ay nabaliwala ito. Ang lalaki pa ang nadiin sa kaso at nahatulan ng habang buhay na pagkakakulong. Na trauma ang kapatid ni Eros. Hanggang isang araw nagtagpuan nalang siya sa kanyang banyo na naliligo sa sariling dugo, naglaslas ito. Hindi na umabot sa Hospital ang kapatid nito. That was the day na simulang nagbago si Eros. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay nito. Kung sana ay binantayan niyang maigi ang kanyang kapatid ay hindi na sana ito mamamatay. Hindi na siya sumama samin noong una pero kalaunan ay bumalik din. Nawala ang pagiging maingay at maloko nito. Lagi nalang itong tahimik at magsasalita lang kapag tinanong.

“I’m sorry” yun nalang ang tangi kong nasabi. Kitang kita ko sa mukha niya ang disappointment at umiling iling sakin bago lumabas.

Habang nag dadrive ako puwi ng mansion ay natanaw ko si Fajra na lumabas ng subdivision. Tiningnan ko ito at sumakay ng jeep. Imbis na dumiretso sa mansion ay napagpasyahan niyang sundan ang dalaga. Bumaba ito sa isang sementeryo. Anong gagawin niya dito? Sino ang pupuntahan niya? Ng makapasok si Fajra ay sinundan niya ito.  Nakasunod siya na tama ang layo para hindi siya agad makita ni Fajra. Tumigil ito sa isang puntod. Inalis niya ang mga tuyong dahol at pinunasan ang lapida.

“Tay, kumusta kana dito? May mga tropa kana ba? Tapos na ba ang mga uod sa pag kain nila sayo?” Medyo natawa ang dalaga. Pero mababatid ang kalungkutan sa tawa na iyon. Patay na ang Tatay niya?

“Pasensya na at hindi na kita nadadalaw madalas ha. Malayo kasi ito sa bagong tinutuluyan ko.” Hinaplos nito ang lapida. Narinig niya suminghot ang dalaga. Umiiyak ba siya?

“Miss na miss na kita Tay, madaya ka iniwan mo agad kami.” Umiiyak nga si Fajra.

“Kung buhay ka lang sana ngayon Tay edi sana masaya ang pamilya natin ngayon. Sana hindi nagging lassingera at sugarol si Nanay, hindi sana ako maghahanap ng trabaho para buhayin sila Nanay at mga kapatid ko, hindi sana kami naghihirap ngayon.” Ganoon ba kalala ang pinagdadaanan nito?

“Isang taon nalang naman Tay gagraduate na ako. Titiisin ko nalang muna ang hirap. Para sa mga kapatid ko Tay titiisin ko. Ayoko maranasan nila ang nararasanasan ko ngayon”

Umalis na ako dahil lalo lang ako nakokonsensya sa mga naririnig ko. Hindi ko alam na may ganoong pinagdaraanan si Fajra, hindi naman kasi halata sa mukha niya na may problema. Tama ba ang pagkakahusga ko sa kanya?

Kinabukasan medyo nagpa-late ako ng pasok. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba sila harapin. Teka Fajra, bakit parang ikaw pa ang may kasalanan kung hindi mo sila kayang harapin. Habang naglalakad ako parang déjà vu kung saan pinagtitinginan ako at may pinagkukumpulan sa bulleting board. Kinabahan ako, ano na naman kaya ito? Pagtapat ko sa bulletin board ay nahawi ulit ang mga estudyante. Picture ko na naman nakalagay. Pero ang kinaibahan hindi na Paria ang nakalagay kundi Clase Baja na. Ayon sa pagkakaalala ko ay ito ang rank ko noon pa man. Sino kaya ang nagbalik sa aking dito? Si Eros kaya? Impossible kasi na si Frost, kung iisipin ko palang ang mga ginawa niya sakin ay napaka labo talaga.

Babysitting the Campus KingWhere stories live. Discover now