Chapter 11

171 4 0
                                    

Fajra's POV

Mahigit tatlong minutong katahimikan ang namayani sa kwarto ng clinic. Walang gusto magsalita. Akala ko pa naman bubugahan niya na ako ng apoy pagkakita sakin. Laking gulat ko ng wala akong narinig miski isang salita sa kanya. Hello, pag si Chloe ang involve lahat magigiba ni Frost.

"Ilan na?" Panimula ko.

"Ha?" Takang tanong niya.

"Ang nabilang mong lamok at langaw?"

"What?"

Magkasalubong na ang kanyang kilay dahil hindi niya gets. Hindi ko pinahalata sa kanya na natatawa ako dahil baka mabulyawan pa ako.

"Anyway, bakit ka nandito? Papatalsikin mo na ba ako sa school dahil inaway ko yung prinsesa mo?"

Tapang tapangan pa ako pero sa loob loob ko kinakabahan na ako. Paano kung paalisin talaga ako? Saan ako pupulutin nito.

"Can't you just shut your mouth? I am not here to argue with you. There are some students that saw what really happened. And they told me."

Hindi niya alam kung saan siya titingin. Ha! Ano ka ngayon. Masyado ka kasing ulol dyan sa nililigawan mo.

"But I am not saying sorry."

Hindi naman ko nag eexpect na magsosorry ka gunggong. Sa taas ng pride mo dadaigin niyan ang Mt. Everest.

"So bakit ka nga nandito? Sisilayan ako? Or nag aalala ka sakin?"

Pinipilit kong may masabi para mabawasan yung ilang sa paligid. Hindi ako sanay na hindi niya binubulyawan pag si Chloe ang involved.

"Dream on. Kadiri ka para magkatotoo yan. I am here because Lolo called me. May business party siyang pupuntahan."

Panimula niya. Nakadekwatro siya sa couch na parang siya ang hari. Hindi ko talaga maiwasang mamangha sa itsura ng lokong to. Sa kanilang apat, siya talaga yung pinaka malakas ang dating e. Kaso tapon ugali.

"Anong gagawin ko? Wala naman akong alam sa ganon, duh."

Business party ang pupuntahan so bakit pumunta dito si Frost? What for? Tsaka anong alam ko sa ganon.

"Can you please let me finish?"

Irita niyang sabi. Ito naman ang laki ang anger issue. Magagalitin sa maliit na bagay.

"As I was saying, Lolo called and told me that there is a business party that will be held later tonight. He told me to come, and bring you."

"Ha? Anong sinasabi mo? Bakit ako isasama? Anong gagawin ko don? Teka hindi ako marunong makipag sosyalan sa mga yayamanin."

Taranta kong tanong. Jusko ang party lang na napuntahan ko ay birthday party ng kapitbahay namin. Tapos ngayon pasasamahin ako sa business party. Okay lang ba kayong mag Lolo.

"Wag ka na ngang umangal. As if naman gusto kitang isama. I have no choice. Let's go, bibili pa tayo ng susuotin."

Tumayo na siya at lumabas ng pinto. Sumunod na din ako. Paglabas ko wala na sila Eros. Nauna na siguro. Hindi man lang ako nakapag thank you sa kanya. Sa susunod na nga lang.

Pagdating namin sa tapat sa kotse niya ay binusan ko na yung pinto sa likod. Ayaw mabuksan.

"I am not your driver, dun ka umupo sa passenger seat."

Supladong sabi niya. Ako na nga tong gumagawa ng pabor sa kanya. Diba ayaw niya akong katabi. Sus, kunware ka pa Frost.

Habang nasa biyahe kami ay wala na naman imikan. Nakakabingi ang katahimikan. Umubo ako ng konti para mapansin niyang bored na ako.

Babysitting the Campus KingWhere stories live. Discover now