Chapter 2

291 8 5
                                    

“Nay, natanggal po ako sa Bar na pinapasukan ko-” pinutol agad ako ni nanay.

“Ano? Nawalan ka ng trabaho? Anong ipapakain mo samin kung ganon? Daliri nalang? Gumawa ka ng paraan kung di malilintikan ka sakin” nagagalit na naman eh di pa kasi ako tapos magsalita e.

“Nay kumalma ka di pa ako tapos, nakahanap din naman ako ng trabaho. Kaya lang kailangan dun ako mag stay, nakuha ako bilang yaya. Di na masama at least don di ako masyadong mapapagod..” sabi ko habang naghahanda ng hapunan. Yung huling natitira kong pera pinangbili ko na ng masarap na ulam dahil may trabaho na naman ulit ako.

“Edi patusin mo na yan kaysa sa wala” sabi ni Nanay habang nagsisindi ng sigarilyo.

“Paano na sila Blaze at Fiery? Sinong mag aasikaso sa kanila?”

“Aba anong tawag mo sakin? Lasiggera lang ako pero di ako imbalido”

Wow naman Nay, kailan mo sila inasikaso? Lagi ka nga nakatambay dun sa bahay ng mga kaibigan mong chismosa. Duda ako sa babantayan niya mga kapatid ko. Kakausapin ko nalang si Blaze para asikasuhin si Fiery araw- araw.

“Blaze, ikaw na bahala kay Fiery ha, nakuha kasi ako bilang Yaya kaya dun ako tutuloy, uuwi naman ako sa weekends. Alam mo naman si nanay hindi kayo maasikaso non” sabi ko sa kapatid kong lalaki.

“Ako ng bahala Ate basta mag iingat ka lagi ha, alagaan mo sarili mo don. Mamimiss ka namin ni Fiery” Aba’t loko to ah, akala mo mag iibang bansa ako

“Ate san ka pupunta bakit ka nag iimpake ng mga damit mo? Aalis ba tayo” sabi ni Fiery na bunso namin.

“Magtatrabaho kasi si Ate at kailangan dun ako matutulog” hinawakan ko ang kamay ng bunso kong kapatid.
“Pag uwi ko may pasalubong kayo ni Kuya sakin ha, tulungan mo si Kuya dito sa bahay ha” Ngayon palang namimiss ko na ang mga kapatid ko. Kung di lang talaga namin kailangan hindi ko na tatanggapin ito. Bakit ka kasi maagang nawala Tay, kung nandito ka sana tulong tulong tayo.

Gara! Hindi naman bahay to, Palasyo ata to. Grabe ang ganda ng garden andaming mga bulaklak. Iba naman pala si Lolo Salvador big time. Siguradong matutuwa sila Blaze at Fire kapag nakita nila to. Pangarap kasi namin magkakapatid magkaroon ng bahay na ganito kalaki. Pumasok na yung kotseng sinasakyan ko sa napakalaking gate. Wow automatic! Gate palang halatang mamahalin.

“Miss Fajra andito na tayo” sabi ni Robert. Siya pala ang naghatid sakin dito sa Mansyon. Iginiya niya na ako papasok sa mansyon.

Kung maganda sa labas ay triple naman ang ganda sa loob. Spanish style ang mansyon na ito at mayroong tatlong palapag. Grabe nagkakakitaan pa ba mga tao dito. Halatang mamahalin ang mga kagamitan dito. Mukhang mas mahal pa ang mga to kaysa sa buhay ko. Wag sana ako makabasag kung di yare ako wala akong pambayad. Pagdating sa sala ay may nag aantay saming babae na nasa mid-50s.

“Good Morning, ako nga pala si Felicidad, Feli nalang, ang mayordoma ng mansyon na ito. Ikaw na siguro ang sinasabi ni Don Salvador na magiging Yaya ng Senorito” Para siyang si Miss Michin ang taray. Pati porma gayang gaya. Hanep nasaan si Sarah?.

“Fajra po. Ako nga po iyon. Kumusta po kayo?Ako po kasi okay lang” at mukhang nagulat ang mayordoma sa asta ko. Si Robert naman na nasa gilid at medyo natawa. Inismiran lang ako ni Nay Feli at dinala sa kwartong tutuluyan ko.

“Dito ang kwarto mo” sabay bukas ng pinto sa isang silid.

“Hanggang first floor ka lang. Bawal ka sa pangalawa at tatlong palapag, dahil andon ang kwarto ng mga may-ari. Pawang mga bisita at pamilya lang ang pwede doon. Intiendes?” sabay taas ng isang kilay.

“Po?Edi ba po Yaya po ako ng apo ni Don Salvador? Paano ko po maalagaan kung hanggang first floor lang ako?” Naguguluhan kong tanong sa mayordoma.

“Ano bang akala mo ang aalagaan mo? Sanggol? Nakakapaglakad na yon kaya hindi mo kailangan tutukan magdamag. Mauna na ako at madami pa akong aasikasuhin.”

Babysitting the Campus KingWhere stories live. Discover now