Chapter 7

191 5 0
                                    

Linggo ngayon kaya day off ko. Nagbigay na ako ng pera kay Nanay kaya good mood siya sakin. Ipinagluto pa kami ng ulam. Balak ko sana ipasyal mamaya sila Blaze at Fiery sa plaza para. Weekly kasi ang allowance na natatangap ko sa mansion. Easy money nga kasi hindi naman kailangan bantayan si Frost. And speaking of that devil, hindi niya ito kinikibo hanggang ngayon. Tuwing naiisip niya ang kanilang huling pag- uusap ay umiinit ang kanyang ulo. Ang init-init lagi ng ulo noon sa kanya. Kasalukuyan akong naglalaba ng mga damit naming ng lumapit sakin ang mga kapatid ko. Na-miss ko rin itong dalawang ito.

“Ate totoo bang papasyal tayo mamaya sa plaza?” excited na tanong ni Fiery

“Hindi ako sasama Ate, dito nalang ako sa bahay tinatamad ako umalis.” Si Blaze. Anong hindi sasama? Hindi pwede, minsan na nga lang kami magkasama-sama na magkakapatid.

“Oo Fiery papasyal tayo mamaya sa Plaza, at ikaw Blaze anong hindi ka sasama? Kung hindi kaya kita bigyan ng baon mo dyan? Sumama ka na din. Hindi pwedeng hindi”

“Pero Ate- “Hindi pa siya tapos pero pinutol ko na.

“Hep hep! Wala ng pero pero. Sasama lahat tapos ang usapan” napakamot nalang ng batok si Blaze at lumabas.

“Ate bibilhan mo ba ako ng dress? Si Nicole kasi ang ganda ng mga damit niya. Tas ako ganito lang.” Tumingin siya sa kanyang suot na lumang suot na t-shirt at short. Pinagliitan ko pa ito na napunta na sa kanya.

“Oo naman ibibili kita mamaya sa Plaza ng mga bagong damit” Nanlaki ang kanyang mga mata at nagtatalon sa tuwa.

“Yey! Bibilhan ako ni Ate ng mga bagong damit. Hindi na ako aasarin ng mga kalaro ko na basahan ang suot ko.”

Naaawa ako sa kapatid ko. Hindi niya kailangan marasanasan ang hirap ng buhay. Okay ng ako nalang ang mahirapan wag lang ang mga kapatid ko. Kaya nga naisipan ko sila ipasyal sa Plaza para naman kahit papano ay ma-enjoy nila kung paano ang maging masaya. Pagdating naming sa Plaza madami ng tao. Karamihan mga pamilya na namamasyal. Nakakainggit sila dahil kumpleto parin ang pamilya nila. Ganito din ang buhay naming noong buhay pa si Tatay. Kaso maaga siyang kinuha ni Lord samin. Hanggang ngayon hindi parin naming alam kung sino ang nakabangga kay Tatay.

“Ate tara dun tayo!”

Turo ni Fiery sa tindahan ng puto bumbong. Favorite naming magkakaptid iyon lalo na kapag madaming keso, niyog, at condensed milk. Nagpunta kami doon at humanap ng mauupuan. Dati maliit lang ang tindahan na ito, pero dahil dinadayo ito, lumaki ng lumaki hanggang sa nagkaroon na ng mga upuan at lamesa para sa mga gusto ditong kumain.

“Ate tatlo sakin ha” Sabat ni Blaze. Sa aming tatlo siya ang may pinaka mahilig dito.

“Hmmm! Ang sarap talaga nito Ate! Kahit paulit ulit hindi nakakasawa”

Masaya ako ngayon kasi nakikita ko sa mga mukha ng kapatid ko ang galak. Sana makita ko lagi na ganyan ang mga itsura nila. Nagpadagdag pa si Fiery dahil minsan lang sila makakain nito. Bumili din kami ng dalawa para kay Nanay.

“Ate kumusta ka naman sa bago mong tinutuluyan? Cute ba yung alaga mo? Lalaki ba o babae?” tanong ni Fiery habang pinapapak yung cheese na nasa puto bumbong.

“Okay naman ako don. Ang sasarap nga ng mga pagkain, ganon pala ang pagkain ng mga mayayaman.” Akala din ata ni Fiery bata ang aalagaan ko. Miski ako nabiktima ng ganoon, akala ko bata aalagaan ko.

“Hindi ka ba pinagmamalupitan doon Ate?” si Blaze

“Ano ka ba? Syempre hindi. Mababait nga ang mga tao doon. Sayang nga lang at hindi ko kayo madadala don kasi ayaw ng alaga ko sa ibang bata. Masyadong pihikan” dahil sobrang sungit at ubod ng sama si Frost!

Babysitting the Campus KingWhere stories live. Discover now