Chapter 25

50 7 0
                                    

It's been a 1 month ang panliligaw sa akin ni Garrett. As usual ,kapag wala siyang training ay dumadalaw siya sa coffee shop. Naiilang pa nga ako dahil yung mga kasamahan ko ay puro tingin sa akin. Alam din kasi nila na may kumakalat na balitang may something kami ni Garrett kaya siguro ganito. Palagi niya rin ako pinapadalhan ng bulaklak ,last time nga umamin siya sa akin na siya yung palaging nagpapadala ng bulaklak sa akin noon. Sinabi ko nga bakit di niya sinabi sa akin ng diretso na siya lang pala nagpapadala nun gayong lagi ko yun iniisip kung sino ang posibilidad na pwedeng magbigay nun.

"Dette ,nag DM sa akin si Bullet. Sabi niya isang buwan daw siya hindi magpapakita sa'yo ,dahil busy siya sa trabaho niya. Like seaman? isang buwan daw siya sa barko."Tin said then I nodded.

I sighed heavily. Simula nung nanligaw na si Garrett ,madalang na lang makipagkita sa akin si Bullet. May balak ako noon na makipagkita sa kanya kaso sinabi niyang nasa Nueva Ecija siya tapos may ginagawa siya. But now ,1 month na naman siya mawawala.

I hope ,magkaroon kami ng chance para magkita kami.

Kalauna'y umalis na rin si Tin sa bahay ko dahil pinapatawag siya ng kanyang Daddy sa municipal kaya hinalikan mo na siya sa pisngi bago siya umalis.

Hihiga na sana ako na biglang tumunog ang cellphone ko kaya kaagad ko yun tinignan kung sino nagtext sa akin.

Garrett:

Claudette ,are you free?

Me:

Uhm ,nasa bahay lang ako nakahiga bakit?

Agad naman siyang nagreply sa akin.

Garrett:

Then ,let's date.

Bigla akong napabangon dahil sa tinext niya. Inaaya niya ako ng date? seryoso ba siya?

Me:

Seryoso ka ba sa sinasabi mo?

Garrett:

Yes ,kailan ba ako hindi naging seryoso sayo hmm?

Me:

Saan mo ba ako dadalhin?

Garrett:

Somewhere ,na magugustuhan mo. Maligo ka na para pagpunta ko ayos na ayos ka na hmm? I love you.

Hindi ko na muli nireplyan si Garrett. Saan naman niya kaya ako dadalhin?

I guess ,kailangan ko na talagang pumasok sa banyo dahil papunta na rin siguro yun si Garrett dito!

Pumasok na ako sa banyo para makaligo. Tumagal din ako ng 20 minutes doon. After that ,pumunta na ako sa aking kwarto para maghanap ng susuotin.

Nagsuot lang ako simpleng dress na babagay sa akin. Since ,di ko alam kung saan ako dadalhin ni Garrett sa date namin ngayon. Pero naeexcite ako sa kung ano ang inihanda niya sa akin.

Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Garrett sa harapan ko at nakangiti siya sa akin. Napatingin ako sa kanya ,he's wearing a white long sleeve polo with button up.

I smiled to him ,masasabi kong mukhang pinaghandaan niya itong araw na ito para sa amin!

"You're look good in your outfit ,Garrett."puri ko sa kanya at mariin siya ngumiti.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now