Campus Seventeen - Go Go Go!!!

108 2 0
                                    

So long as I believe I have to do certain things, I will just go right ahead. That's how I run my life.

- Corazon Aquino

Candy Chan

Huli na ng malaman ko kung nasaan na ba talaga ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na kasali nga ako sa contest na ito. This is so not like me but it leaves me no choice, kailangang gawin ko 'to. I can't make my department down. "And now for the gold team." Narinig ko na ang cue ko, ibig sabihin kailangan ko ng rumampa. Pagkalabas ko ng stage, nalula ako sa dami ng tao sa loob ng gymnasium. Hindi ko ito inaasahan. Tanga ka ba Candy, of course beauty pageant yan no! Hindi ka na dapat nagaalangan dito. Gora na!

Napalunok ako. And then I held my head high and straighten my body up. Kaya ko 'to. I started to walk and then I tried to strike a post. Sa di kalayuan, nakita ko si Mart na kumakaway at nagche- cheer. Suot niya ang green na t shirt na kulay ng IT department. Narandaman kong mas lumakas ang loob ko, at sunod kong nakita na tumitili sina Mia, Jake, Rainier at Rio. Sinubukan kong aninagin si Mayel pero wala akong nakita. Mas binigay todo ko ang paglalakad, ang pag ngiti at ang pag post, sinubukan kong magpa cute at magpa sexy na post. Narinig ko pa nga ang sinigaw ni Mart, "Girlfriend ko yannn!!!" Tama pala talaga ang pinasuot sa akin ni Mom na badminton outfit kung saan pina- personalize pa ni Mom sa likod kung saan may nakaburda na not available. 

Sa buong buhay ko, hindi ko naranasan na maging muse man lang. I was always this invisible girl na dinadaan daanan lang. No one ever notices me. But at this moment, parang nagiba ang ihip ng hangin. I have tried to take a risk. For the first time in my life, di ko inisip ang sasabihin ng ibang tao. And what I did is just be myself. Nang makabalik ako sa likod ng stage, saka ko binawi ang paghinga ko. Gosh, talaga ngang di ako huminga for a while. "Ang galing mo doon ah." puri ni Joyce, contestant ng HRM department na katunggali ko din.

"Thanks." I replied. Maya maya lang ay pinatawag na kami pabalik sa stage dahil sasabihin na kung sino ang nanalo. At eto nga ang mas nakapagpakaba sa akin. God, mananalo ba ako or what? I did my best naman so manalo matalo, hay bahala na. Hindi rin naman matatawaran ang experience na ito. It's like I have discovered a new me. Ngayon ko nalaman na, kaya ko pala. 

Mayel Dominguez

Kanina ko pa pinagmamasdan si Candy habang rumarampa sa stage. Hindi ako nakisama sa tropa for a while, instead sa bench ako nag stay kung saan nakaupo ang mga manonood. Kahit ako di ko rin maintindihan ang sarili ko. Hanggang ngayon kasi masama pa din ang loob ko kay Candy. Ako dapat ang nasa entabladong 'yon. Ako. Matagal ko ng kaibigan si Candy and I never felt betrayed all of my life, except ngayon which is because of Candy. Akala ko kaibigan ko siya, kung gusto niya naman talaga maging muse hindi naman niya ako kailngang ipahiya ng ganoon. 

"And the muse of the campus for this year is, handa na ba kayo?" pambibitin ng host na prof na di ko maaninag ang mukha. Nagsigawan at nag cheer naman lahat ng tao habang ako ay tahimik na nakamasid. Nakahilera sa stage ang lahat ng contestants at kitang kita ko na kinakabahan si Candy. Nakarandam ako ng guilt. Mukhang kailangan niya ng suporta at sigurado ako na kung natatanaw niya lang ako ay mas lalakas pa ang loob niya. Tatayo ba ako at magpapakita sa kanya o uupo na lamang ako dito at panonoorin siya? Ilang beses akong nagisip pero sa bandang huli ay napagdesisyunan kong hintayin na lamang ang resulta. "The winner is the Gold team, Miss Candy Chan!!!" halos mapatalon ako sa tuwa pero hindi ko na lang tinuloy. Sa halip ay tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng gym. Naghihintay na din kasi ang cheering team, magkakaroon kasi kami ng briefing dahil pagkatapos nito ay cheering competition na kung saan ako sumali at ilang gabi din ang pagpra- practice. Ako naman ang kabado ngayon. Sinubukan ko ng alisin sa isip ko ang pagkapanalo ni Candy. And I tried to focus on what I'm gonna do. 

A Campus StoryWhere stories live. Discover now