Chapter Sixteen - Isang Araw Bago ang Sportsfest

150 2 0
                                    

Whoever envies another confesses his superiority.  ~Samuel Johnson, The Rambler

Candy Chan

Naglalakad ako sa corridor kasama si Mayel, papunta kami sa study center room kung saan magmee- meeting ang lahat ng Business Administration at Marketing Students para pagusapan ang nalalapit na sports fest. "Sure ako ikaw ang ibobotong muse para sa department natin." sabi ko.

"Naku sana nga Candy. Iboto mo ko if ever ah."

"Oo ba." Ilang saglit lang ay pumasok na kami sa venue na puno na pala ng mga estudyante from first year onwards. Katatapos lang ng lunch break namin pero nakarandam na uli ako ng pagkagutom. Sa lahat ng department gaganapin ang meeting na ito kaya cancel muna ang mga klase para sa hapon. Nakahanap din kami ng uupuan at after fifteen minutes ay nagsimula na ang meeting. 

"Okay guys, sa mga di nakakakilala, my name is Sarah Fuentes, ang President ng Department na ito." May ilang lalake sa likod ang nagpalakpakan na dinedma lamang ni Sarah na kung tatantyahin ay graduating na dahil may suot siyang pin na mga graduating lamang sa depatment namin ang nagsusuot. "Sa mga di naman nakakaalam, ang department natin, also known as Gold team is a defending champion for five years, every sports fest yan and I know that this will be the sixth year that will happen. Sa sports fest, bawat pagkapanalo ay may nakalaang points, syempre pag nanalo tayo sa lahat ng competitions such as basketball, volleyball, badminton etcetera, isama mo na ang competetion ng mga muse at cheerings, then may katapat na points yun and that will be a very positive thing. So pipiliin natin ang best of the best na ilalaban natin para madagdagan pa ang collection ng mga trophy natin na naka display sa ating office." paliwanag niya. Nagpalakpakan kaming mga audience kasama ang ilang professors na nasa likod. 

"Anong sasalihan mo?" tanong sa akin ni Mayel.

"Ewan ko lang, cheerings?"

"Okay, so magkakaroon ng try out sa lahat ng sports. Meron akong ipapasang mga papel at makikita niyo diyan ang mga sasalihan niyo. What you have to do is just write your name to the corresponding column at ummatend lang kayo sa try out, meron ng timmings dyan sa papel na pagpapasahan niyo." Pagkatapos ay ipinakilala ang mga team captain ng bawat sports. "At bago magtapos ang meeting na ito, we have to choose a muse. Pagbobotohan nating lahat ito like what we did last year. The table is now open for nominations." Sa sinabi niyang iyon, limang kamay ang nagtaasan including mine at ako naman ang unang tinawag.

"I nominate Mayel Dominguez for muse."

"Okay Mayel Dominguez for muse." ani Sarah sabay sulat ng panaglan niya sa board. "Sa mga nano- nominate, please proceed in front para makita kayo ng lahat ng tao sa room." At yun nga ang ginawa ni Mayel, she walk and stood in front smiling. Sunod na tinawag ang ilang estudyante na nagnominate din ng kanyang nominado. Hanggang sa lima na silang nasa harap. "O may mga pahabol pa ba?" Walang anu- ano'y nagtaas ng kamay ang isang pamilyar na mukha. Si Alex, ang mukhang goon na nakipagkilala sa akin dati.

"I strongly nominate Candy Chan, ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko." aniya at biglang naghiyawan ang lahat ng tao sa room. Nakakahiya.

"Okay, Candy Chan where are you?" si Sarah. 

"No, I decline." tugon ko. "Wala pa akong experience sa mga ganyan eh."

"Sayang naman ang ganda mo Candy, sige na naman." pagpupumilit ni Sarah.

"Oo nga Candy." sabi ng iba pang mga estudyante na sa dami nila ay nakarandam ako ng pagkahilo. Hanggang sa sabay sabay nilang sinigaw ang pangalan ko. Nagkatinginan kami ni Mayel at kahit alam kong namumula na ako sa hiya ay tumayo ako at pumunta sa harapan sa tabi ni Mayel. Sinubukan kong makipagtinginan uli kay Mayel pero mukhang sumama na ang mukha niya. Ngumiti ako nang magsimulang mangasar ang mga tao sa paligid ko. Sa buong buhay ko di pa ako naging muse or naboto man lang bilang muse. Pero paano si Mayel? Gustong gusto niyang maging muse. Magsasalita na sana ako para umatras nang magsimula na ang bilangan. 

A Campus StoryWhere stories live. Discover now