Chapter Seven - Sa Loob ng Rest House

138 4 0
                                    

Never be Sad for What is Over

just be Glad that it was Once Yours- quote

Candy Chan

“Kamusta ka naman, akala ko ba wala ka ng feelings kay Jake?” panimula ko kay Mayel na mag isa sa kusina. Matagal ko din hinintay ang pagkakataong ito na kaming dalawa lang ang magkasama. Palagi naman kasi silang magkasama ni Jake eh o kaya kami ni Mart, o kaya kaming apat. Never kaming naiwang mag isa. 

“What do you mean?”

“Hello? Sa tingin mo ba di ko napapansin? Ang sweet sweet niyo kaya?”

“Kayo kaya ni Mart ang sweet ano?”

“Mayel, di kami ang pinag uusapan dito. Kayo.” Kinuha ko ang pitsel na may lamang juice at naglagay ako sa dalawang baso, isa para sa akin at isa para kay Mayel. “Nakita ko kayo kanina minamasahe ka niya.”

“At ano ang masama doon aber? Masakit ang paa ko, yun lang yun.”

“Alam mo wag kang magalala, di naman ako kontra eh, I’m just asking. Promise, no violent reaction.”

“Candy, believe me. I’m fine with Jake but not like what you think.” Ngumiti ako sa sinabi niya.

“I wish that’s final.” At nilagok ko na ang natitirang juice. Muntikan naman akong mabilaukan nang marinig kong tinatawag kami ni Mart mula sa sala.

“Candy, Mayel halikayo dali.”

“Ano ba yun?” tanong ni Mayel. Nadatnan namin silang nanood ng TV sa may sala na agad namang nag give way para makaupo kaming apat. 

“Kasalukuyang pinaghahanap ang isang Prof sa Molino University na kinikilala bilang si Mike Alberta na anak ng Direktor ng sinasabing Unibersidad. At sabi nga po sa report ay may kinalaman sa nangyaring insidente isang linggo lamang ang nakakaraan. May isang nursing student ang namatay dahil sa bumagsak na stage at dahil sa pagiimbestiga ng mga pulis, natuklasan na may planong bombahin ang sinasabing Acquaintance party kung saan naroroon ang halos dalawang daang studyante. Buti na nga lamang at palpak ang bomba kung kaya hindi ito sumabog. Maganda din naman ang nagiging kooperasyon ng sinasabi may ari ng Molino University na si President Marco Tan.”

“Mike Alberta, lumabas ka na. Pagsisihan mo na ang mga kasalanan mo, tandaan mo na kahit mag tago ka, mahahanap at mahahanap din kita.” ani Mr. Tan na tila ba galit na galit.

“So Mr. Tan, di po ba delikado sa mga estudyante, di po ba magkakaroon ng higit pang threats or anything?” tanong ng reporter sa TV.

“No, hinigpitan na ang security sa loob ng Campus at siguradong wala ng mangyayari na tulad ng ganito. It’s a guarantee.”

Mayel Dominguez

“O, nasaan na naman yung dalawa?” tanong sa akin ni Jake. Naiwan na naman kami sa sala pagkatapos naming manood ng balita. There’s nothing new. Alam na namin ang istorya, yun nga lang, syempre for protection, di na sinabi kung sino ang mga nakatuklas. Sayang instant stardom sana yun. Pero okay lang kahit di ako madiscover. This experience is enough. 

“Nasa garden.” tugon ko kay Jake habang nagbabasa ng magazine. “Hmm, di ba mag ama sila? Eh bakit parang wala siyang pakilalam sakaling makulong man ang sarili niyang anak? Siya rin naman ang mapapahamak. Paano kung tinuro siya ni Prof Mike ang mga rason kung ba’t niya nagawa yun?”

“Well, problema na nila yan di ba Mayel?” tugon ni Jake sabay kindat sa akin. 

“Wait, are you teasing me?” tanong ko habang nag papa cute na din kay Jake. 

A Campus StoryWhere stories live. Discover now