Chapter Nineteen - Chill Muna Saglit

104 3 0
                                    

Being around people with whom you feel a connection, on many levels, not just a professional one, is very relaxing. Your ears are more open to someone who is not a cantankerous bastard.

Jacqueline Bisset

Candy Chan

Ilang linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Mayel, hanggang ngayon kasi ay hindi ko alam kung paano ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa amin ni Mart. Sa lahat naman ng pwede niyang gantihan bakit si Mart pa ang ginamit niya? Magmula nga ng araw na iyon ay umiwas na talaga ako sa kanya sa paraang alam ko. Umuupo pa din ako sa harap pero sa kabilang row na ng madalas naming inuupuan. Buti na lamang at naging kaclose ko naman agad ang seatmate ko na si Mickey, irregular marketing student at dalawang taon na nag tanda sa akin. "Ano Candy, may gagawin ka ba tonight?" Kaya nga lang itong si Mickey ay hindi ata lumilipas ang isang araw na hindi niya ako niyayayang uminom o mag party, lagi ata siyang fully booked pagdating sa mga okasyon.

"May part time ako eh, pero pag may time ako, promise, isasama ko pa si Mart." Naikuwento ko na nga sa kanya ang tungkol sa boyfriend ko, o di ba? Close na talaga kami.

"O sige, sabi mo yan ah. Naku lagi na lang kita ini-invite at lagi mo naman ako tinatanggihan."

"Wala naman din akong hilig sa mga ganyan masyado. At isa pa busy din sa cafe ng Mommy ko." Pagkasabi ko nu'n at kasabay namang pumasok si Mayel sa klase at tulad ko ay nakahanap na din siya ng mga bago niyang kaibigan. Lagi na niyang kasama ngayon si Pia, ang dating kalaguyo ng Law prof nila. Di ako makapaniwala. Padabog na umupo si Mayel sa upuan niya at sabay hinawi ang mahaba at kulot niyang buhok. Ang taray talaga ng babaeng ito.

"Hayaan mo na siya, magkakabati din kayo ng best friend mo, sa ngayon bigyan mo na muna siya at ang sarili mo ng oras. Mapapatawad niyo din ang isa't isa." sabi ni Mickey sa tabi ko na napansin ata ang pagtahimik ko.

"Sana nga Mickey, kasi baka mamaya masanay ako na ganito na talaga kami."

Mayel Dominguez

Kanina habang nagkaklase kami sa Algebra ay nakita kong tumingin si Candy sa akin. Sinadya ko talaga ang magdabog dahil sa totoo lang, mas lalo akong naiinis sa kanya. Hindi ako nagtagumpay sa binabalak kong paghiwalayin ang dalawa dahil mukhang nagtalo lang naman sila ni Mart sa ginawa ko. Hindi ko naman kasi talagang ugaling mang agaw ng boyfriend lalo na kung sa ex friend ko pa. Napilitan akong makisama kay Pia ilang linggo na ang nakakaraan, at akala ko mahirap siyang pakisamahan, kahit naman pala paano ay nagkakasundo ang mga ugali namin. Naikwento niya pa nga sa akin kung paano silang nag break ni Prof Lindo, nalaman ko din na siya pala ang nagsumbong sa Director tungkol sa relasyon nila kung kaya ay tinanggal ito sa pagiging Dean. At kaya daw siyang napapayag na makipagrelasyon ay dahil tinatakot daw siya nito na ibabagsak siya kung sakaling hindi siya pumayag sa gusto nitong mangyari at dahil nga dumating sa point na sobra na at hindi na talaga makayanan ni Pia, doon na niya naisipan ang magsumbong. 

Mabait naman si Pia, simple lang at walang arte sa katawan. Hindi siya ang tipo ng tao na madaming kapritsuhan sa buhay. At pag magkasama kami ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang magbasa ng mga romance pocket books. Pinapahiram ko nga siya minsan ng mga collection kong libro na ikinatutuwa naman niya. "Wala pa din ba kayong balak na magbati ni Candy?" Umiling ako. 

"Hindi pa siguro sa ngayon."

"Sayang naman yung friendship niyo, dati kinaiinggitan ko kayo pag magkasama kayo kasi naman parang ang close close niya na para bang hindi matitibag ang friendship niyo."

A Campus StoryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz