Chapter Nine - Student Council Election

116 2 0
                                    

Whereas, the main role of the Student Council is to protect students’ rights and promote students’ welfare (De La Salle University Student Council Constitution, Declaration of Principles)

Candy Chan

                “Hi Mayel!” bati ko sa aking best friend na nakaupo sa may stairs ng lobby. “May problema ba?”

                “Wala ah!” aniya na napangiti, umupo ako sa tabi niya. “Nagre review lang ako para sa Law I, medyo mahirap na din kasi siya.”

                “Well, buti na lang di ko pa kinukuha yan. Next sem na lang siguro.” tugon ko sa kanya. “Sino nga ba yung prof niyo diyan?”

                “Si Prof Lindo at believe it or not sa mismong araw na ito, siya din ang ginawang Dean ng Department natin.”

                “Talaga? Bakit naman? Hindi na ba si Dean Florencia?” Umiling si Mayel na parang naaasar, “Eh bat parang affected ka?”

                “You know why? Dahil he don’t deserve it. Alam mo ba na ang mamanyak ng ginagamit niyang example sa klase namin? Tapos siya pa ang magiging Dean? C’mon!”

                “Ay may ganoong issue?”

                “Yup. O siya baka ma late pa ako. Nanghahawak pa naman ng likod yun, akala niya di ko alam, strap kaya ng bra ko yun. Hmp!” Bago pa ako makasagot ay nakalapaglakad na siya palayo. Ok fine! Ang swerte ko talaga at di kami sabay ni Mayel na kumuha ng units.

                Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang makita ko si Joe, pinsan ni Mart. Kinawayan niya ako binati at ngumiti din naman ako sa kanya kahit ayaw ko. Alam ko ang record nitong lalakeng ito, napaka babaero. Nang medyo makalayo na sila narinig ko ang tinanong ng kasama niyang babae. Kung sino daw ako. “Bagong girlfriend ng pinsan kong si Mart.”

                “Aba mukhang lahi talaga kayo ng mga habulin ng babae ano?” sabi ba naman ng kasama niya. Leche. Bago pa ako tuluyang maasar, tumayo na ako at tumungo sa sarili kong klase. Lunes pero ang dami ng nakakaasar na mangyari. Bago pa ako makapasok sa loob ng classroom ay tumunog ang cellphone ko. May nag text. Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone at saka tiningnan kung sino ang nag text. Si Mart.

                 “Roses are red, violets are blue, I feel so handsome when I am with you…”

                 Alright, nice try Mart. Napangiti mo ko doon, sana lang wag kang matulad sa ungas mong pinsan.

                 Hindi natuloy ang pagpasok ko sa classroom ng makita ko kung sino ang nasa loob. Nakapatay ang ilaw pero kitang kita kung sino ang nasa loob. Kung di ako nagkakamali siya si Prof Lindo na Dean na ngayon? At may kasama siya sa loob. Must be Pia? Right? And they are… kissing.

Mayel Dominguez

                I was surprised to see Marlon sa labas ng classroom namin. Okay, so we’re officially dating now so why should I be surprised? “What’s up?” tanong ko sa kanya.

A Campus StoryWhere stories live. Discover now