Chapter Four - Sino ang salarin?

229 3 0
                                    

Curiosity Kills the Cat- proverb *(not quite)

Candy Chan

Buti na lang Sabado ngayon. NSTP lang ang klase ko at dahil nga sa insidenteng nangyari kagabi, suspinde ang klase. Uuwi tuloy ako ng maaga. Hindi pumasok si Mayel, tinext ko siya pero masyadong siyang naapektuhan sa nangyari dahil namatay ang isa sa mga studyante ng Nursing Department na si Carry. Masyado talaga siyang sensitive pagdating sa mga ganyang bagay. I mean what happened yesterday is horrible. Di nila alam kung sino ang may kasalanan o kung kanino dapat isisi. Sa ngayon, ang sabi lang ay aksidente ang lahat. 

At si Mart, akala niya maloloko niya ako. Oo nga at wala pa akong naging boyfriend pero di ibig sabihin nun na magiging easy to get ako sa kanya. At ano ‘tong sinabi ni Joe na pinsan niya? Nakakainsulto. Sa pagkakaalam ko wala pa ding naging girlfriend si Mart, pero paano kung totoo ang narinig ko kay Joe. Yung sinabi niyang, “Bakit, kelan ka pa naging seryoso sa isang babae?” Natatakot akong masaktan. At isa pa, I have learned from Mayel. Wala namang lalaking tumagal sa kanya kahit ba mabait siya at maganda. Natigil ako sa pagmu muni muni nang may marinig akong tumawag sa aking pangalan. OMG, wag naman sana-

“Hi Candy,” bati ni Alex, ang goon looking guy dati na ngayon ay suot naman ang isang black shirt na may naka print na “I love honey pies”. Weird niya. “Di mo ata kasama boyfriend mo ngayon?”

“Uhm,” Ano ba dapat kong isagot sa lalakeng ‘to? Well, better safe than sorry di ba? “Di ko pa kasi siya nakikita ngayon eh. Pero parating na siya.” sagot ko. 

“I guess he wouldn’t mind kung maglalakad ako with you? Saan ka ba pupunta?” Shocks! Di naman siya masyadong presko no? 

“Well, papauwi na ako eh so that would not be necessary.” 

“Look Candy, di naman ata ako nangangagat di ba? I wont hurt you.” I wont hurt you? Ang sarap pakinggan. Pero totoo ba ito? Muntikan ko ng malimutan na ako pa nga ang mismong humalik kay Mart, remember? Ayan tuloy.  “Gusto mo kumain? Libre kita.”

“Wag mo na lang ako ilibre. Kain na lang tayo sa canteen.” tugon ko.

“Sure ka? Ayaw mo sa Mcdonalds?”

“Pumayag naman ako di ba?”

“Okay, okay.” Pumunta kami sa canteen at nag order ng rice at ulam at saka umupo. Nagsimula na akong kumain nang di umiimik habang siya ay napansin kong pinagmamasdan ako. 

“Hindi ka ba kakain?”

“Eto naman ang suplada.”

“Pinilit ba kitang sumama sa akin? Kumain ka na nga.”

“Opo.” Muntikan na akong masamid nang makita ko ang pagmumukha niya. Paano kasi, mukha siyang goon tapos maamo ang mukha niya.  “Uhhm, may dumi ka sa bibig.” Pupunasan niya sana ang sauce sa bibig ko gamit ang tissue pero naunahan ko siya. 

“Ako na.” 

Mayel Dominquez

“Hello,” sa wakas at matapos ang ilang segundong pagri- ring ng cellphone ni Jake ay sinagot din niya. Akala ko nagpalit na siya ng number, hindi pa pala. “Mayel? Ikaw ba ‘to?”

“Naka save pa pala yung number ko sa cp mo?” natatawa kong sabi.

“Oo naman.” tugon niya.

“Kamusta ka na?” tanong ko.

“Eto medyo okay na din naman. Parang walang nangyari actually.” aniya.

“Pasensya ka na at di ako nakadalaw sayo sa ospital, I know naman that you’re doing fine na.” maluwag sa dibdib kong sabi.

A Campus StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon