Chapter Ten - It's Worth a Try Anyway

94 4 0
                                    

    I Like this quote I dislike this quote“In love, it is better to know and be disappointed, than to not know and always wonder.- unknown

 Candy Chan

                 “Candy,”

                “Ano yun Mart?”

                “Kelan mo ba ako balak sagutin?” Bigla akong natawa sa sinabi niya. Nasa isang bookstore kami sa Molino Mall para bumili ng pocketbooks. I really love books kaya every month  kapag may natitira sa allowance ko, ibinibili ko ng libro.

                “Seryoso ka ba sa tinatanong mo ah Mart?” Lumapit siya sa akin na para bang nag iisip ng malalim.

                “Okay, change question na lang. May pagasa ba ako sayo?”

                “Alam mo dati ka namang torpe di ba? Bakit kaya bigla na lang nag iba ang ihip ng hangin ano? Parang ang presko presko mo ngayon?”

                “Grabe ka naman.”

                “So gusto mo ba talaga ako?” Tumango siya. Lumapit ako sa kanya at nararandaman ko na kinakabahan siya dahil nakita ko ang namamawis niyang noo. Hinawakan ko ang nilalamig niyang kamay. HAHA! Sabi ko na nga ba, di talaga siya presko. Kinakabahan pa din siya sa sinabi niya sa akin. Lumapit pa ako ng husto hanggang ilang inches na lang ang layo naman sa isa’t isa. Ang bango niya naman.

                “Ano ba, Candy naman eh.” natawa ako bigla. Kung di pa kami magco college di ko pa mare- realize na cute talaga itong si Mart. Sa totoo lang crush ko na nga siya eh. Pero yung tinatanong niya kung kelan ko sya sasagutin, medyo nakakatakot. Di pa ako ready sa commitment. Pareho pa kaming walang karanasan, so I just love fooling around. Yung aasarin ko siya, tapos maglalambingan lang. Mas gusto ko yung ganito, kahit hindi kami eh para namang kami.

                “Sa totoo lang Mart, kontento na ako sa kung ano tayo ngayon.” Biglang nag iba ang timpla ng mukha niya.  Too late, nasabi ko na, at di na pwedeng bawiin. “Gusto kita, alam mo yan pero sa tingin ko di pa ako ready. Natatakot ako na baka hindi tayo mag work out. Sayang.” Napalunok siya. Hinawakan kong muli ang namamasa niyang palad. “Please, bigyan mo pa ako ng panahon.” Alam ko sa sinabi kong ito, pwede siyang maghintay, pwede ring hindi. At pwede siyang mawala sa akin. Pero di pa ako handa sa risk. “I want you to be my friend for a while.”

                “For a while.” aniya. “Okay.”

 Mayel Rodriguez

                “Tingnan mo Mayel, di niya nga sinasagot ko ang mga tawag ko eh. Baka galit na talaga siya sa sinabi ko.” pagmamaktol ni Candy na nasa kwarto ko sa ngayon.

                “Ano ka ba naman kasi? Masyado kang matatakutin. You know in love you have to make a risk. Paano mo malalaman kung magwo- work nga di ba? Nagiging unfair ka kay Mart. Pinapaasa mo lang siya. Ang dapat mong gawin ay puntahan mo siya at sagutin mo na, sabihin mo kung anong nararandaman mo, teka may nararandaman ka nga ba sa kanya?” Di nakasagot ang aking dear friend. Kawawa naman siya. Di pa kasi nagkaka boyfriend. Nilapitan ko siya at sinubuan ng cookies na kanina pa namin kinakain.

                “Okay, I love him.”

                “Yun naman pala eh. So why not give it a try.”

A Campus StoryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ