CHAPTER 6

84 23 10
                                    

Chapter 6

Yana‘s POV

“ANONG ginagawa mo rito? Ang akala ko nasa states ka na nakatira?” dalawang magkakasunod na tanong ang ibinato ko kay Troy. Troy is my childhood friend. Nagkilala kami dahil magkaibigan ang mga magulang namin at pareho ding nasa business industry. Kaya bata palang, namulat na si Troy sa mundo ng business, hindi gaya ko na walang interasado pagdating sa mga ganito. But now that mom wants to handle and manage the company together with Troy, I have left no choice but to agreed with her. Besides, wala din naman akong ibang pinagkakaabalahan kaya dito ko nalang igugol ang sarili ko, baka magustuhan ko na ‘to this time around.

“Are you not happy to see me?” aniya pa. Wow, english. Mapapalaban pa ata ako sa pag-english nito. Pero baka niloloko lang ako ng isang ‘to, baka marunong pa din ‘to magtagalog. Knowing him, palagi ako nitong inaasar noon, natigil lang nung umalisnna siya papuntang states. Wala ng Troy ang mang-iinis sa akin. And now that he‘s back, iinisin na naman ako nito araw-araw.

“No, it‘s not that. Syempre masaya ako na makita ka noh,” sagot ko pa. Hindi ko na nakayanan pang mag english. “Sandali nga lang, huwag ka na nga mag english, nasa Pilipinas ka na kaya magtagalog ka,” inis kong sabi at kita kong napatawa ito sa akin.

“Anong tinatawa mo diyan?”

“Wala, ang cute mo lang kasing asarin,” aniya pa. Hoy! Hindi ako kinilig dun ha, slight lang. Charing, kaibigan ko lang ’to. ‘Wag kang issue diyan! Tsk.

“Marunong ka pa rin naman palang mag tagalog e, pina english mo pa ako,”

“Syempre naman, ano kala mo sa akin english speaking,” turan niya pa.

“By the way, ano nga palang ginagawa mo dito? May business trip ka ba?” tanong ko sa kaniya ng maliwanagan ako.

“I‘m staying here. . .for good,” saad niya kaya napataas ang kilay ko.

“Anong ibig mong sabihin? Don‘t tell may ginawa ka na namang katarantaduhan kaya pinabalik ka ng Dad mo dito,” noon kasi pasaway ang lalaking ‘to, laging nai-involve sa mga away. May isang pagkakataon pa nga na muntikan na itong makulong, mabuti nalang at nagawan din ng paraan ni Tito. Kaya magmula nun, dinala siya sa states sakaling dun magbago siya. Hindi ko naman akalain na babalik pala siya dito. And by looking at him right now, I must say he‘d change. Laki na ng pinagbago niya sa Troy na nakilala ko noon.

“Hoy, hindi ah. Nagbago na kaya ako,” mabilis niyang pagdepensa sa kaniyang sarili. “Pinauwi ako ni Dad dito para samahan at tulungan ka,”

“Tulungan saan?”

“Dito sa kompanya,”

“Ibig mong sabihin, ikaw ‘yung makakasama ko dito?” bakas sa tono ng boses ko ang excitement at tuwa.

He nodded. “Oo, sinabihan na din ako nina Tita, ng mama mo na tayong dalawa na daw ang magpapatakbo nitong kompanya. Since magkasosiyo naman ang family natin sa business, they came to the conclusion na tayong dalawa nalang ang mag manage nito,” saad niya sa akin.

Napatango naman ako sa mga pinagsasabi niya.  Mabuti naman at may makakasama na akong business minded, iyong ang daming alam tungkol dito. Hindi na ako masiyadong mamomroblema pa.

Pumunta na kaming dalawa ni Troy sa opisina namin at napag-usapan kung ano ang mga dapat naming gawing dalawa sa pagpapatakbo nitong kompanya. And as usual nakinig lamang ako sa mga pinagsasabi niya dahil siya itong mas maraming may alam kaysa sa akin.

“May gusto ka bang kainin? Lalabas muna ako,” bulalas niya sa akin. Tapos na kami sa naging pag-uusap naming dalawa.

“Milktea lang sa ‘kin Troy,” sagot ko sa kaniya.

LDA #1:When The Heart Stops Beating(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon