CHAPTER 11

60 21 9
                                    

Chapter 11

Yana‘s POV

I WAS busy working when I suddenly hear my phone ring. I immediately get it inside my bag. And I saw Wendy‘s name on it.

Ano kayang kailangan niya sa akin? Is this about her and Joaquin?

Tumikhim muna ako bago sinagot ang kaniyang tawag.

“Hi Wendy, anong atin?” agad na akong nagtanong sa kaniya. Marami pa akong trabaho ngayong araw na ito. Aside from this, may meeting pa kami mamaya kasama ang mga boards nitong company.

“Yana can I ask you a favor?” aniya pa sa akin. Itinigil ko muna ang aking ginagawa at sa kaniya lang nakatuon. 

“What is it about? May problema ba?”

“Pwede ba tayong magkita? Kahit sandali lang?” turan niya. Hindi ko ito kaagad nasagot. “Yana, are you still there?”

“Ah, yeah, I‘m still here,”

“Pwede ka ba ngayon?”

“Um kasi Wendy may meeting ako mamaya e. Pwede bang sa susunod na araw nalang?”

“Ah ganun ba? Gusto kasing kitang makausap e. Importante lang,” muli nitong sabi. Mahihimigan mo ang pagkadismya sa kaniyang boses.

“Sige-sige magkita tayo. Just text me the address,” saad ko naman sa kaniya. Mukhang importante talaga kasi ang sasabihin niya. Besides, Wendy is still my friend. Ano man iyong nakita ko, hindi ko muna siya pangungunahan sa ipapaliwanag niya.

“Thank you Yana,” aniya at binaba na ang cellphone.

Niligpit ko na muna ang mga files na nakakalat sa aking mesa at palabas na ng aking opisina.

“Yana, where are you going?” tanong ni Troy sa akin nang magkasalubong kami sa hallway. Agad naman akong napatigil at kinausap na muna siya.

“May kikitain lang akong kaibigan Troy,”

“But what about the meeting with the boards? They‘re expecting you to come,”

“Pwede bang ikaw nalang ang um-attend Troy? Pakisabi nalang sa kanila na emergency. Please Troy? Kahit ngayon lang,”

“O sige-sige. Ako ng bahala mamaya,” ani Troy.

“Thank you talaga Troy. Promise, babawi ako sa ’yo next time,”

“Sigurado ‘yan ha,”

“Promise. So, pa‘no ba ‘yan, alis na muna ako,” pagpapaalam ko dito.

“Mag-iingat ka,” rinig kong sabi niya sa akin.

“I will,”

****

KANINA pa ako naghihintay kay Wendy ngunit hindi pa rin siya dumarating.

Nasaan na kaya ang babaeng ‘yun?

Inilibot ko ang tingin sa labas ng mahagip ng mga mata ko ang papasok na si Wendy. Nakita niya ako kaya kaagad niya akong tinungo sa table ko. Actually, nasa Casa de La Prima Restaruant kami ngayon. Dito niya kasi balak makipagkita sa akin.

Malapit na rin mag-gabi kaya marahil ay dito nalang din kami mag-di-dinner na dalawa.

I wonder ano kayang sasabihin ng isang ’to.

“Kanina ka pa ba? Pasensiya na at natagalan ako, may dinaanan pa kasi ako,” aniya sa akin at umupo na ito.

“Okay lang. Mga ilang minuto pa din naman ako rito,”

LDA #1:When The Heart Stops Beating(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon