CHAPTER 15

64 22 6
                                    

Chapter 15

Troy‘s POV

MAAGA akong umalis kanina ng opisina dahil may inihanda ako. Ngayong gabi ko na sasabihin ang lahat kay Yana. Ngayong gabing ‘to, magtatapat na ako ng tunay kong nararamdaman sa kaniya. Kinakahaban at natatakot man, handa na akong sabihin iyon sa kaniya. Ang tanging bagay lang siguro na hindi ko pa kayang tanggapin ay kung ano ang kaniyang sasabihin at magiging reaksiyon. I hope everything will go to it‘s perfect place. I hope so.

It was almost 6:30 in the evening, and I am now waiting for Yana. Narito ako sa Casa Grande Restaurant, sinigurado kong kaming dalawa lang ngayong gabi ang naririto ni Yana. I rented the whole restaurant, for tonight. I wanted  it to be romantic and to be the best moments of my life. Sana ay nakaayon sa akin ang tadhana. Nakahanda na ang lahat, ayos na, tanging si Yana na lamang ang aking hinihintay.

I already sent her the address. Hindi ako mapakali, kanina pa ako nagpbalik-balik sa paglalakad habang hinihintay ang kaniyang pagdating.

Bata pa lamag kami, nang makilala ko na siya, may lihim na akong pagkagusto kay Yana. Hindi ko lang masabi sa kaniya dahil napapangunahan ako ng takot ko. Takot na baka masira ang naging pagkakaibigan namin. Takot na baka layuan niya ako kapag nalaman na niya ang totoo. Pero ngayon, nagkaroon na ako nang lakas ng loob para sabihin sa kaniya ang totoo.

Nang makabalik ako sa pagkakaupo, agad namang tumunog ang aking cellphone. Nang tignan ko iyon, I got a message from Yana.

“I‘m on my way Joaquin, na traffic lang,” aniya sa kaniyang text na ipinadala sa akin. And from then on, mas lalo nang lumakas ang kabog ng aking dibdib.

Minutes passed, mula dito sa loob ng restaurant ay nakita ko ang pababang si Yana. She was wearing a red fitted dress, and she looks more beautiful than ever. Undeniably beautiful.

Nagmamadali akong pumunta sa may pinto upang salubingin siya. Napahugot ako ng isang malalim na pagbuntong-hininga.

“This is it Troy. You can do this,” pagpapalakas loob ko pa sa aking sarili.

Nang nasa tapat na ng may pinto si Yana, agad siyang pinagbuksan ng dalawang lalaking staff. Bumungad sa akin ang kaniyang napaka-aliwalas na mukha.

“Good evening ma‘am,” bati nung dalawa kay Yana.

I handed my hand to her, and she immediately hold it. Pansin kong nagpalinga-linga ang kaniyang mga tingin sa buong lugar.

“Nasaan ‘yung ibang mga tao? Bakit tayo lang ang nandito Troy?” taka nito tanong sa akin. Pinaupo ko na siya ng marating namin ang mesa.

Seryoso ko siyang pinagmasdan.

“Sinadya ko talagang tayong dalawa lang ang guests nila ngayong gabi Yana,” ani ko sa kaniya. And she seems totally confused.

I clear my throat. “I have something to tell you,” bulalas ko pero sa kaloob-looban ko, namumuo ang kaba at takot.

Umupo na muna kaming dalawa. Seryoso niya naman akong pinakatitigan, bakas ang labis na pagtataka sa kaniyang mukha. Hindi maipinta ang mukha niya sa kalituhan.

“Ano iyon Troy? May problema ba?”

“Mahal kita,” mabilis kong sabi sa kaniya. Mababakas sa kaniyang mukha ang labis na gulat at pagtataka.

“Tama ba ang narinig ko? Mahal mo ako?” aniya na tila litong-lito.

“You heard it right Yana. I love you. Matagal na, bata pa lang tayo mahal na kita,”

“Pero Troy, alam mo naman ang sagot ko hindi ba?”

“Na hindi mo ako kayang mahalin? Na hanggang kaibigan lang talaga ako para sa ‘yo? Why don‘t you just give me a chance, Yana,” paliwanag ko rito.

LDA #1:When The Heart Stops Beating(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon