CHAPTER 26

58 18 8
                                    

Chapter 26

Joaquin‘s POV

UNEXPECTED things happens in an unexpected moments.

Kung kailan pa hindi ka handa, doon siya mangyayari. And it sucks. It hurts. But still, acceptance should follow.

But you know what it really hurts?

Iyong makita mong nasasaktan ang taong mahal mo. Gusto kong magalit, mainis at magtampo kay Yana dahil sa ginawa niyang hindi pagsabi sa akin na may sakit siya pero hindi ko magawa. Marahil, ay kung ano din ang nasa kalagayan niya, ay ganun din siguro ang magagawa o gagawin ko. Hindi madali ang pinagdadaanan ngayon ni Yana. Hindi madali ang magkaroon ng isang sakit, lalo pa‘t cancer ito. Pinagtabuyan niya man ako, sinabing hindi siya ang piliin at mahalin ko, hindi iyon sapat na rason upang gawin ko ang bagay na gusto niya. Mahal ko siya kaya kasama niya ako sa laban niya. Ipaparamdam ko sa kaniyang hindi siya nag-iisa. Na marami kaming mga taong nagmamahal sa kaniya. At isa na ako dun.

And just like what she said na layuan ko siya, this past days, nanatili lamang ako sa aking condo. Hindi ko siya pinuntahan sa kanila kahit na gusto ko. Binigyan ko muna siya ng sapat na panahon upang makapag-isip kasi alam kong gulong-gulo pa ang utak niya sa mga nangyayari. Ang tanging ginagawa ko lang ay mine-message ko siya and I don‘t expect anything in return from her—the replies that I wanted to get from her but still. . .I deeply understand where she‘s coming. I understand why she‘s doing this right now.

I was sipping a brown coffee right now sitting on the couch—texting Yana all the time even if I know I wouldn‘t get any responses from her, suddenly I saw Abby‘s name, calling me. Without any second thoughts, I answered her.

“Anong atin Abby?” I suddenly asked her—wanting to know what she wants.

I heard her breath so heavily as if the whole world was on her shoulders. Carrying it all by herself.

“Abby?” for the second time, I called her name. Hinintay ko ang kaniyang sagot.

“Huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko Joaquin,” panimula nito kaya hindi ako mapakali. Anong nangyari? “Si Yana kasi. . .kasi. . .” ramdam ko ang takot at ang kaba sa boses ni Abby. Ni hindi niya ito magawang dugtungan man lang.

“Anong si Yana, Abby? Anong nangyari sa kaniya?” natataranta man, pinili kong umakto ng maayos kahit na ang totoo ay puno na ng kaba ang kaloob-looban ko.

“Kasi si Yana, sinugod sa hospital. Nasa Hospital si Yana, Joaquin,” nang marinig ko iyong sabihin ni Abby natabig ko ang baso na may lamang kape kaya nahulog ito‘t nabasag. Nakatanga lamang ako, hindi gaano naproseso ang aking narinig. Rinig ko ang mga hikbi ni Abby sa kabilang linya. I know what she feels. Yana is her bestfriend and apart from that, Yana was like a sister to her.

“Abby, kumalma ka lang. Sabihin mo sa akin, nasaan ka ngayon? Saang hospital isinugod si Yana?” sunod-sunod ko pang tanong sa kaniya. Nakatayo na ako, hinintay na lamang ang sagot nito sa akin.

Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak.

“Na. . .nasa St. Venilles Hospital kami ngayon Joaquin,” nauutal man, tuluyan niya ring nasabi sa akin kung saang hospital sila ngayon.

“Hintayin mo ako diyan Abby. Parating na ako,” and then, binaba ko na ang aking cellphone. Dali-daling kinuha ang aking susi at bumaba na para mapuntahan ko si Yana. I badly need to see her right now. I need to.

Madali kong narating ang sinabing hospital ni Abby. Pagkapasok na pagkapasok ko, kaagad akong dumiretso sa front desk para makapagtanong.

“Miss, may pasyente po ba kayo rito na Yana Ramirez?” tanong ko sa isang nurse na siyang naabutan ko roon.

LDA #1:When The Heart Stops Beating(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon