CHAPTER 24

52 18 9
                                    

Chapter 24

(Play “Nangangamba by Zack Tabudlo” while reading this Chapter)

Yana‘s POV

“JOAQUIN?! Anong ginagawa mo rito?” iyon ang kaagad na naitanong ko sa kaniya ng makita ko siya.

“Maiwan ko muna kayong dalawa,” bulalas ni Abby at agad kaming iniwang dalawa ni Joaquin.

I wasn‘t expecting him to be here. Hindi pa ako handang kausapin siya pero wala na akong magagawa pa, nandito na siya. Kaharap ko.

“Ano iyong ayaw mong sabihin sa akin Yana?” he suddenly asked me—caught me off guard by his question.

“Hindi iyon mahalaga Joaquin. Huwag mo nalang intidihin ang narinig mo,” tugon ko pa sa kaniya. Tumalikod ako rito, nakatingin sa may labas.

“Bakit hindi mo nalang sa akin sabihin kung hindi naman iyon ganun kahalaga? May tinatago ka ba sa akin Yana? May dapat ba akong malaman? Sabihin mo na—” hindi ko na siya pinatapos pa. Ayokong makinig sa mga sasabihin niya.

“Ano ba Joaquin!” sigaw ko kaya natahimik itong bigla. “Hindi ka ba makaintindi? Hindi nga mahalaga iyon kaya huwag mo ng ibalik pa sa usapan,” dugtong ko rito.

“Ano ‘to Yana? Bakit ka ganito? Okay naman tayo hindi ba? May nagawa ba ako? Nagkamali ba ako? Sabihin mo naman para alam ko kung ano ang gagawin ko. Araw-araw kitang tinatawagan pero kahit ni isa, wala ka man lang sinagot. Ano bang nangyayari? Magsalita ka Yana.”

“Gusto mo ba talagang malaman Joaquin?” may panghahamon sa aking boses. Hindi ko gustong gawin ito, pero pakiramdam ko‘y ito lang ang tanging paraan. “Pagod na ako Joaquin. Hindi ko na kaya,” anas ko. Nang tignan siya, hindi maipinta ang kaniyang hitsura sa labis na pagtataka sa aking sinabi.

“Anong ibig mong sabihin? Tinataboy mo na ba ako sa buhay mo Yana?” usal niya. Natahimik akong bigla. “Tang*na naman Yana, akala ko ba okay na tayo. Akala ko ba okay na ang lahat. Akala ko susugal ka na at gawin ang gusto mo. Akala ko b—”

“Iyon ang mahirap Joaquin e, iyong ‘akala mo lang’ pero hindi ka naman talaga sigurado kong mapapanindigan mo ba,” mabilis kong dugtong rito. “Ayoko na Joaquin. Tama na ‘to. Kung alam mo lang ang pinagdadaanan ko ngayon Joaquin, I‘m sure maiintindihan mo din ako,”

“Pa‘no ko nga maiintindihan kung hindi mo naman sinasabi sa akin kung bakit, kung ano. Pinagmumukha mo naman akong gago at tanga Yana,” aniya.

“Huwag na ako Joaquin. Balikan mo nalang si Wendy. Siya nalang piliin mo,” turan ko rito. Sana ay maintindihan mo ako kung bakit ko ito ginagawa ngayon Joaquin. Kung sana‘y masabi ko lang sa iyo ‘yung totoo, iyong pinagdadaanan ko, ginawa ko na. Pero ayoko nalang. Tama na itong gagawin ko upang masiguro kong hindi na dodoble iyang sakit na pwede mong maramdaman.

“Naririnig mo ba ang sarili mo Yana?” panimula nito sa akin. Nakayuko lamang ako at hindi siya magawang tignan ng pangmatagalan. Ayokong mahalata niyang malungkot ako, na may pinagdadaanan akong hirap. “Okay na tayo ‘di ba? Sabi mo pinipili mo na ako pero ano ‘to? Ang dali mo namang umatras Yana. Ni hindi mo kayang panindigan ko ano iyong binitawan mong salita. Ang dami kong sinuko para lang sa pagmamahal na ito. Para sa iyo pero ikaw. . .” he heaved a deep sigh. “ang dali mong maduwag!” dagdag niya.

Tinatanggap ko lang kung ano ang sasabihin sa akin ni Joaquin. May point din naman siya e pero kung alam niya lang talaga ang rason ko, maiintindihan niya ako. Pero sadyang may mga bagay na dapat hindi na dapat pa sinasabi para hindi na mas lalong lumala ang sitwasiyon.

“Hindi kaduwagan na piliin ang isang bagay na alam mong makakabuti sa isa sa inyo, Jaoquin. Ginagawa ko ‘to para sa iyo. Ayokong pagsisihan mo sa huli na ako ang pinili mo. ”

LDA #1:When The Heart Stops Beating(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon