CHAPTER 7

79 21 16
                                    

Chapter 7

Yana‘s POV

KASALUKUYAN na akong nandito ngayon sa condo ko. Maaga kaming umalis ni Troy sa opisina dahil wala pa naman kaming masiyadong trabahong kailangang tapusin kaagad. Alas-sais palang ng gabi, hindi pa ako nagbibihis dahil paniguradong mamaya pa ang dating ng dalawang ‘yun. Knowing Abby, ang tagal nun makapili ng susuotin niyang damit. And Troy naman, nasanay na akong late ‘yung dumadating noon. Minsan pa nga ang usapan alas syete, tas dumadating siya malapit na mag-alas nuebe. Nasanay na ako sa dalawang ‘yun.

Nakatanga lang akong nakatingin sa cellphone ko at pa scroll-scroll lang sa instagram nang may biglang kumatok sa aking pinto.

“Saglit lang,” usal ko dito at tumayo na rin para pagbuksan iyo ng pinto.

“Akala ko mamaya pa ang dating ni—” ni hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang taong kaharap ko ngayon. My jaw dropped in shocked the moment I realizes who‘s this guy standing infront of me right now.

Anong ginagawa niya rito? Pa‘no niya nalaman ang condo ko? Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. Blangko ang utak ko.

Dahil sa katarantahan, akmang isasara ko na sanang muli ang pinto nang mabilis niya itong napigilan.

“Ano bang ginagawa mo dito? Paano kung may nakakita sa ‘yo dito?” ako na ang nagsalita sa aming dalawa. Hindi ko talaga maintindihan kung anong kailangan niya sa akin. Nilinaw ko na sa kaniya ang lahat pero heto pa rin siya. Ginugulo niya lalo ang buhay ko. Napaka-komplikado na.

“Gusto lang kitang makausap Yana. Kahit na sandali lang. . .please,” aniya pa. Lumabas ako sandali at tinignan ang hallway kung may ibang tao ba.

“Tapos na tayo Jaoquin. Ano pa bang kailangan nating pag-usapan?”

“Kahit na sandali lang Yana, kausapin mo muna ako,”

“Para ano pa Jaoquin? Para utuin mo na naman ako? Tapos na ko diyan Jaoquin. Ano pagkatapos mo kay Bea, ngayon babalik ka na naman sa akin? Hindi naman ako pang option mo lang Joaquin,”

“Pakinggan mo muna ako Yana,” he was about to hold both my hands but I immediately jerk it away from him.

“Pagod na akong pakinggan ka Joaquin. Kasi kahit na ano pang sabihin mo, hindi ko na alam alin dun ang totoo sa hindi. I have enough  with you,” I exclaimed.

He was just standing and straightly looking at me. I never had a chance to look at his eyes right now because I feel like whenever I look into his eyes, it felt like I was being hypnotized. Parang kinakausap ako ng mga mata niya at dinadala ako sa kaniyang sariling mundo.

“Kahit ngayon lang Yana, pakinggan mo muna ang sasabihin ko sa ‘yo,” aniya pinipilit akong makinig sa mga sasabihin niya.

“Ano ba Joaquin!” hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at nasigawan siya. “Bulag ka ba? Girlfriend mo ang kaibigan ko, kayo ng bestfriend ko kaya ano ‘tong ginagawa mo?” naidagdag ko pa sa kaniya.

“I don’t love her Yana,” mabilis niyang sagot. Napasapo nalang ako sa aking mukha.

“Gago ka ba? Anong hindi mo siya mahal? Ikakasal na kayo Jaoquin. Sana naman hindi mo gawin sa kaibigan ko iyong ginawa mo sa akin noon. Kasi alam mo ba kapag ginawa mo ‘yun,” tinignan ko na siya sa mga mata niya. Staring at his eyes, I saw that there‘s something on it. I don’t know what exactly it was. “mas dodoble lang iyong sakit na ipaparanas mo sa akin,” dugtong ko.

“Pero Ya—” I cut him off.

“Umalis ka na Joaquin. Baka may makakita pa sa ‘yo dito,” pilit kong isinara ang pinto pero nakaatang siya mula roon.

LDA #1:When The Heart Stops Beating(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon