Chapter 4>First day of school

1.3K 118 10
                                    

Lynn's POV




Agad akong umayos ng upo ng dumating si Tita galing sa pagma-manicure ng kamay nya sa kapit bahay...




Ako lang kasi kanina wala na kasi si kaya napagpasyahan kung manood ng TV, akala ko nga magbo-board ako dahil cartoons yung palabas pero hindi naman dahil nagustuhan ko yung Regal Academy na show...




Minsan ko na den kasing pinangarap na maging apo ng mga fairy tale princesses at maging princess den katulad nila..ang saya siguro non...




At syempre dahil princess ka may prince ka dapat...




Sheyt ang landi!




"Lynn!!!,bakit nandito ka pa?!"Sigaw ni tita




Nagtaka naman ako...




"Bakit po tita saan po ba ako pupunta?"inosente kung tanong habang ngumanganguya ng pritong saging...




"Ngayon na ang simula ng klase gaga ka!"Sagot nya sakin




Wait ngayon na?!Pano ko yun nagawang kalimutan?!



Mas mabilis pa sa One second akong lumipad sa kwarto para magbihis ng uniform since naligo na ako kanina,wala na akong nilagay na colorete kasi maganda na naman na ako at wala ng oras...




Pagkalabas ko ay dali-dali na akong lumabas ng bahay,napa mura nalang ako ng halos wala nang masakyan sa labas....




Bakit ba kasi nakalimutan ko?!




"Lynn may bike sa garahe sa kaibigan yun ni hawk gamitin mo muna dear!"sigaw ni tita mula sa bahay




Gaya ng sinabi nya dali-dali ko naman agad iyong kinuha mula sa garahe,paglabas ko sa bike ay mukhang ako pa ang nahiyang sakyan iyon dahil makintab pa ang bike kesa sa buhok ko,kulay green yon at kapansin-pansin den ang parang inukit na letter 'J ' at ' K '




Inalis ko muna sa isip ko ang ganda ng bike at dali-daling inalis ang lock neto,confident naman ako na magagamit ko to dahil kahit papano ay marunong naman ako...




"Lynn!,pwede ba pagdating mo dun isauli mo yang bike sa may-ari? Classmate naman ni Hawk ang may-ari nyan ehh"utos ni tita sakin at agad naman akong tumango...




Matagal ko nang alam na magiging school mate ko si hawk,sinabi sakin ni tita yun nung matapos nya akong i-enroll at nang mag-take ako ng exam...




•••




Halos mamatay na ako sa paghabol ng hininga makarating lang sa school na to,halos hindi ako tumigil kaka-pedal mapunta lang ako rito...



Dahil nga late na ako!




Tumingala ako sa school...




Smith University....here I come!




Nagmukha man akong bastos pero pinasok ko na yung bike sa loob ng school mahirap na baka manakaw pa to,isasauli ko pa man to sa may-ari!




Papasok ko sa school ay wala namang masyadong tao siguro ay nasa kanya-kanya na silang klase...




Shitt late na talagaaaaa akooo!!!




Still pumunta parin ako sa dean's office para malaman kung saan akong section...




"Ahmm Good Morning po Dean"Bati ko sa dean




"Im not the dean Im the secretary, how may I help you?"Sagot nong secretary




"Nandito po ako para kunin po ang sched ko at para malaman kung saan po akong section"




"A newbie I see"sagot nya habang tinitingnan ang papeles




"Based on your score on our pre-test you've taken....your belong to section Ruby"alanganin nyang sabi pero ngumisi pagkatapos...




Weird...




"Oh ahm okay po,Ahm saan po ba dito pwedeng pag parkingan ng bike?"




"Ohh pwede sa labas ng room basta hindi lang nakakadistubo,youre in section Ruby anyways"sagot nya habang nakangisi




She gave me my schedule and the school map para hindi na ako mahirapan pa sa paghahanap pa,pinasalamatan ko sya at umalis na...




Ewan ko pero mukhang mali ata ang map na binigay sa kin ng secretary na yun kasi habang tumatagal mas maraming basura ang nakikita ko,naglakad parin ako ng lakad hanggang sa makakita ako ng building na maingay...




Aalis na sana ako kasi mukhang ang mga janitors lang naman ang nasa loob nyan lalo na at malapit ang dump site ng school dito..




Kaso nakakuha sa atensyon ko ang isang teacher na papasok sa building sa loob ng building na yun...




So classroom yun?!




At doon ako nabibilang?!




Kinalma ko muna ang sarili ko at dahan-dahang pumunta doon,pero hindi pa man ako nakakatapak doon ay kumalabit na saakin




"Kyahhh!!!"Tili ko at pinaghahampas ang taong kabute na may piercing




"A-arayy ko naman huhuhu"iyak nung kabute




"Naku pasensya ka na ha?Ikaw kasi ehh sumulpot ka kasi ehh"




"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!"sabi nya habang naiiyak paren




"Taga-diamond ka no?"dagdag pa nya




Anong diamond pinagsasabi nya?!




"Diamond?!mukha lang akong mamahalin pero hindi ako diamond nohh!"Sagot ko




"Ehh pano ka napunta dito?!"




"Dito kasi ako dinala ng mapa na to ehh!"sabi ko sa kanya habang pinapakita ang mapa




"Whatever,just be careful....curiosity kills"sabi nya sabay pitik sa noo ko at tsaka umalis




Nang makalayo-layo na sya ay doon ko na tinuloy ang plano kong pagpunta sa classroom na yun....



Hindi naman siguro lahat ng curiosity nakamamatay diba?

🦋🦋🦋

The Province Girl In Section RubyWhere stories live. Discover now