Chapter 35> Awkward Silence

68 3 0
                                    

Lynn's POV



OKAY NA SANA EH! Kahit masakit katawan ko parang naibsan nung nagkatitigan kami ni Skye! Moment na namin yun eh!



Kaso may umepal



"Skye!/Ling-Ling!" Pagtawag samin kaya na-cut ang mala-korean drama naming sandali. Napa-roll eyes naman ako syempre sa isip lang hehe



Napalingon si Skye pero ako hindi kasi masakit yung leeg ko, pero hindi parin ako binibitawan ni Skye parang magkayakap parin kami na ewan.



"Bakit Kristy?" Iretadong tanong neto. So si Kristy pala yung tumawag kay Skye



"A-Ahh wala naman... Bat kayo m-magkayakap?" Tanong nito na nau-utal, kanina lang kung maka-tawag sya para syang nagtatawag ng anak nyang matigas ang ulo. At bakas den kasi sa boses ni Skye na naiinis sya



Nawala ata angas nya ngayon HAHAHA



"Tanungin mo muna yung best friend mo kung ano ang ginawa nya kay Lynn nang malaman mo!" Bakas sa sagot ni Skye na sarcastic ang pagkakasagot nya dito, mukhang napahiya naman yung Kristy at napayuko nalang.



Mag-best friend pala si Kristy at Letse!



Sumiksik ako sa leeg ni Skye ng dahan-dahan pero hindi ako dumikit kasi baka mahalata nya yung puso kong halos lalabas nalang sa sobrang lakas ng tibok nito. At tsaka para narin malanghap ko yung natural na amoy ni Skye na sobrang bango



Nakaka-adik hehe



Pero bigla nalang akong hinila ng kung sino dahilan para mapasigaw ako sa gulat at mapapikit baka lupa na naman ang kababagsakan ko kaso pagdilat ko sa mata ko ay another dibdib naman ako nasubsub pero ang mas nice is w-wala tong suot



Parang pamilyar tong dibdib na to ah!



Umangat ang tingin ko at nagtama ang mata namin ni L-Law, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napangiti ako pero imbes na ngitian ako pabalik ay walang emosyon ang mukha nya at kung makatingin itoy parang may nagawa akong kasalanan!



Problema neto?!



Sa kanya naman ako nakayakap at namula ang pisnge ko sa thought na nakayakap ako sa kanya while topless sya. At feel ko yung tigas ng abs nya hehe



"Sev! Hinay-hinay lang naman! Can't you see that she's hurt?!" Pagtatanggol ni Skye sakin, hindi naman ako nasaktan napasigaw lang ako dahil sa gulat



"I see..." Sagot ni Law na tila hindi bigdeal yun, na para bang wala lang na nasaktan ako at nabuhusan ng mainit na tubig. Yung saya ko ay biglang nawala lalo na nung naalala ko na kinalimutan nya ako.



Sya pa tong huling dumating sya pa itong parang galit! Kaya ang ginawa ko ay tinulak ko sya at lumayo agad namang lumapit si Skye para alalayan ako.



"What the?!" Sabi nito nung tinulak ko sya, bakas sa mukha nito na nainis sya pero hindi ko nalang pinansin



Kung nainis sya, mas naiinis ako ngayon



"Skye layo na tayo dito" Bulong ko dito and he smiled as response at umalis kami don ng dahan-dahan



"Where do you think you two going?" Law asked nung patalikod na kami



"Don't worry ibabalik ko den sya sayo" Sabi ni Skye dito



"Hayaan muna natin si Ling-Ling, Sev" Sabi ni Sebastien at tsaka pinilit si Law na sumama papuntang room.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Province Girl In Section RubyWhere stories live. Discover now