Chapter 23>Hawk and Tita Rita

943 61 11
                                    

Lynn's POV


HAPON na nang gumaling ako at ngayon ay nagpa-plano ako kung pano makaganti sa letcheng Law na yan!


Pero ang mahirap ay sya kasi ang President na sa kanya ang power para mag-utos eh muse lang naman ako, kagandahan lang ang maiaabag ko sa room!


Sa kagitnaan ng pagiisip ko ay may kumatok sa kwarto ko...


"Bukas po yan!"sabi ko at bumungad nga si Tita na hingal na hingal


"Oh tita diba mamaya pa ang uwi mo kasi nga mago-overtime ka?"


"Lynn!,pano naman ako makakapag-overtime kung nago-overthink ako sayo sa trabaho aber?"sabi ni Tita sabay hawak sa bewang nya. Napangiti naman ako sa sinabi nya talagang pinanindigan nya ang pagiging ina nya sakin,sa katunayan nga ang swerte ni Hawk sa kanya pero mukhang hindi sila okay,sayang lang...


"Tita, pwede nyo na ba po sabihin ang dahilan bakit hindi kayo okay ni Hawk?"Napabuntong hininga sya at umupo sa higaan ko hinawakan nya ang kamay ko at nagsimulang magsalita


"Mahabang kwento pero i-ikliin ko para sayo. Alam mo naman diba na matagal ng namatay ang papa ni Hawk? Around 10 year old lang sya non at papa's boy sya kaya naman hindi nya matanggap na may bago na akong minamahal ngayon..."Kwento ni Tita


"Pinakilala ko si Sergio noon sa kanila pero hindi nila ito matanggap,kaya naman lumayas ang panganay ko at ngayon naman ay si Hawk. Akala kasi ni Hawk ay hindi ko na mahal ang tatay nila kasi may bago na ako pero... Ang hindi nila alam ay panghabangbuhay ng nakaukit ang tatay nilang si Henzo sa puso ko..."Pagpapatuloy nya kahit naiiyak na sya


"Minsan nga tinanong ko sa isip ko na Bakit nagkaganito? Nagmahal lang akoy nawala na sakin ang mga anak ko? Bakit hindi nila maintindihan ang kasiyahan ko? Pano magmahal ng hindi iniiwan?..."Mahabang lintaya ni Tita habang umiiyak,todo hagod naman ako sa likod nya


"O sya!,nasabi ko na sayo ahh!,Kaya nga masaya ako na nandito ka..."sabi nya at pinahidan ang luha


"Ako rin po Tita,wala po akong pinagsisisihan kasi po narakamdam ako ng aruga ng ina sa piling nyo!"sabi ko sabay yakap sa kanya


"Iyon nga ang ikinalulungkot ko Lynn..."


"Bakit po Tita?!"


"Ehh kasi ini-assign ako ng amo ko sa kompanya namin sa ibang lugar urgent ehh,kaya hindi na kita makakasama"


"Saan po ba Tita? Baka pwede akong sumama?"


"Sa Davao... Sasama ka pa ba?"sagot nya


"Ayaw ko po, dito lang ako..."


"Pero ikaw lang mag-isa dito!"


"Okay lang po ako dito"Nakangusong sabi ko napabuntong hininga naman sya na rila ay sumusuko na sakin


Matapos ng mahabang talakan namin ay nandito kami sa kwarto nya at dahil okay na naman ako ay tinulungan ko na syang mag-impake


"Ehh tita wala ba kayong balak na makipag-ayos kay Hawk gayong aalis kayo?"


"Lynn wala ng pake-alam si Hawk sakin,wag kanang umasa pa..."Sabi nya at nagsimula ng bitbitin ang mga maleta palabas. Tinulungan ko syang maisakay yon sa company car nila


"So ano na lynn mag-ingat ka dito at mami-miss kita ng sobra!"sabi nya sabay yakap sakin


"Ako rin po Tita at mag-ingat kayo roon!"Sabi ko at yakap sa kanya pabalik. Pumasok na sya sa kotse at nag simula ng umalis,nang mawala na sila sa paningin ko ay doon ko na tinignan ang phone ko... Napangiti ako ng narecord ko ang pag-uusap namin ni Tita


Agad akong pumasok sa kwarto at in-open ang FB ko hinanap ko si Hawk at in-send sa kanya ang recording. Ang pagkwe-kwento lang naman talaga ni tita ang nairecord ko,naisip ko kasi si Hawk. Gusto ko kasing magayos sila kasi ako yung nalulungkot kapag nag-a-away ang pamilya...


"Ting!"Sinilip ko naman agad ang Phone ko at nakita ko ngang nag-reply Si Hawk...


[Wait me there. Let's talk]


Napangiwi naman ako sa reply nya... Wala man lang emoji!. Nagmeryenda muna ako ng banana cue hanggang sa may nag-door bell, pinuntahan ko naman ito kaagad...


"Hawk!, ang aga mo ata? Half-day lang ba?"tanong ko pero nauna na syang pumasok sa loob na tila may hinahanap,agad ko naman syang sinundan...


"Asan si mama, lynn?"tanong nya habang lumuluha,siguro ay gusto na nyang makipag-ayos sa mama nya


"Eh Hawk umalis na si Tita ehh.. Papuntang airport, in-assign kasi sya sa Davao...Pero kakaalis palang nya!"


"Sige ling thanks!"aakmang aalis na sana sya ng pigilan ko sya


"Hawk,sana wag munang awayin si Tita please... Ikaw na ang makipagbati, pwede ba yun?"pagmamakaawa ko sa kanya. Huminga naman sya ng malalim at tsaka ngumiti


"Sige,bye ling-ling. Salamat!"sabi nya at umalis


Sana mahabol pa nya si Tita...




Hawk's POV



I was driving fast towards the airport,while staring at the picture of me and mom... Actually hindi talaga ako pumasok sa school coz I want to chill, while having a video call with my brother at Skype and talk about our days


Kaya nung nag-send si Ling-Ling ng VM ay agad ko itong napakinggan...


Its my mom!


And she's crying!


So I immediately hop in my car go to mom's. At ngayon ay agad na akong bumaba at pumasok sa airport,good thing is umabot ako sa oras and I saw my mom seating in the waiting area so I run towards her...


"Oh Hawk,why are you here?"


"Mom..do you really think that I don't care at you?"I ask and she answered my question a silence



"Forgive me mom! I don't mean to hurt you maybe si papa na lang ang naiisip ko palagi at nakalimutan kona na nasasaktan kana. And don't worry I'll be happy for you na and I'll set papa free..."I said while sobbing



"Oww silly boy! Ofcoures I'll forgive you!I know naman na you don't mean it and also Im not leaving because you don't care at me,Im leaving because ini-assign ako ng boss ko sa Davao"


Nag-kwentuhan pa kami ni Mom while waiting for her flight we talked about how did I know that she's leaving and also the recording. At inihabilin den nya sakin si Ling-Ling


I smiled as I watch her leave Im so happy that  we finally have a Mother and Son closure. Maybe we will have a bonding when she comeback...



A/N:
Hello my pages!🦋❤️
Matanong ko lang if mas bet nyo ba na may tagalog translation after a bisaya dialogue? Kasi may ilan na hindi naiintindihan eh.

Wag laging mag-watty hmm? Ligo-ligo den pag may time HAHAHA mwahh!🤩

The Province Girl In Section RubyWhere stories live. Discover now