Kabanata 4

2.6K 68 3
                                    

Nagising ako kinabukasan dahil tumatama na ang sikat ng araw sa mukha ko. Napahikab ako at wala sa sariling inunat ang mga braso ko dahilan para mapa-aray ako sa sakit. Nakalimutan kong may sugat nga pala ako sa kanang balikat, tsk.



Natulala ako sa kisame saglit. Iniisip ko kung ano ang gagawin ko ngayong maliit na ang mundong ginagalawan namin ni Lance. He is my twin brother's bestfriend na hindi ko man lang nakilala. I wonder how those two met. Wala akong narinig about kay Lance mula kay Sawyer dahil ang akala ko ay si Arvie lang ang bestfriend niya.



Humugot ako ng malalim na hininga bago maingat na umupo sa kama habang hindi iginagalaw ang aking may daplis ng bala na balikat. Masakit e.




Naisip ko na kun sana sa bahay nalang ako nag-dinner ay hindi ako madadamay sa putukan ng baril. Dagdag pa na hindi ko din makikita si Lance.



Kinuha ko ang salamin ko na nakalagay sa said table ng kama at isinuot iyon. Hinanap ko ang aking bag bago kinuha ang phone ko sa loob nito para tingan kung anong oras na.



Ngunit ang inaatok ko pang mata ay agad na nanlaki nang makita ang screen ng cellphone ko n may nakalagay na time. It's almost eighth in the morning! Mali-late na ako sa trabaho! Damn it! Hindi nga pala ako pwedeng ma-late ngayon dahil maaga niya akong pinauwi kahapon. Tsk!



Dali dali akong pumasok sa banyo upang tignan ang sarili. Agad na lumapit ako sa sink upang maghilamos dahil ayoko namang humarap kay Lance na may muta at laway sa gilid ng bibig.
Nakakahiya naman kasing lumabas ng kwarto na may dumi sa mukha lalo na't wala naman ako sa pamamahay ko.



Sobrang hiya na ang nararamdaman ko dahil mabait parin siya sa akin kahit na sinungitan ko siya sa restaurant.



Hindi ko masiyadong naigagalaw ang balikat ko dahil sumasakit iyon kaya ang isa kong kamay nalang ang ginamit ko para linisin ang mukha ko. Gamit ang puting tuwalyang na nasa gilid ay tinuyo ko ang basa kong mukha. Mukhang malinis at bago pa naman 'yon. Wala nadin akong choice kung hindi makigamit sa mga gamit ni Lance sa banyo.



Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay napagpasiyahan kong lumabas ng kwarto para hanapin si Lance ng walang kahit na anong sapin sa paa. I brought my bag with me dahil plano ko sanang kay Lance nalang magpahatid sa bahay. Lowbat na kasi ang cellphone ko para tawagan si Sawyer. And I bet, hindi pa gising ang isang 'yon ngayon.




Hindi naman kalakihan ang bahay. Doble ang laki nito sa tinitirhan kong apartment pero agad ko namang natagpuan ang daan papuntang kusina. Pababa palang ako ng hagdan ay naamoy ko na ang mabangong aroma ng niluluto ng kung sino. It smells bacon.




Pagpasok ko ng kusina ay natigilan ako sa paghakbang dahil sa nadatnan sa loob ng kusina. Parang nanuyo ang aking lalamunan habang ang aking mga mata ay naglalakbay sa makisig na likod ni Lance. Sa bawat galaw niya ay nagfi-flex ang kaniyang muscles lalo na ang maugat niyang braso. Lantad na lantad ito dahil wala siyang ibang saplot sa katawan kundi 'yong suot niyang short kagabi. Wala siyang pang-itaas na damit, shuta!




Bigla siyang lumingon sa gawi ko kaya napaayos ako ng tayo. Hindi na naman mapigilan ng mga mata ko ang pagbaba nito sa katawan ni Lance. Ngunit ganun nalang ang pagkadismaya ko nang hindi ko makita ang abs niya dahil natatakpan 'yon ng suot niyang gray apron. Sa nararamdaman kong pagkadismaya ay gusto kong sampalin ang aking sarili.




Shesh! Umaandar na naman ang pagiging marupok ko! Bad na 'to!



Wala sa sariling napailing ako at pinatunog ang lalamunan ko. Dahilan iyon upang ang bumaling sa akin ang tingin ni Lance. At ang nakakagigil pa, parang biglang nagslow-motion ang lahat nang makita ko ang kabuuan ng mukha niya.



One Night Again [ COMPLETED ] Место, где живут истории. Откройте их для себя