Kabanata 35

1.7K 58 0
                                    


"Mommy? Let's go to Daddy na."

Napakamot ako sa sariling noo habang nagtitimpla ng orange juice para sa meryenda namin ng anak ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya itong tinanong sa akin sa araw na ito.

"Your father is currently on work, baby. Baka maabala natin siya."

"But I really want to see him!" ungot na naman ng anak ko, nakanguso na.

"Celan..." I warned him.

Alam ko kasing maraming trabaho ngayon ni Lance lalo na't ilang araw din siyang umabsent para makasama ang anak. Halos sa bahay na siya tumira. Ngayon lang siya nakapasok dahil pinilit ko siya. Hindi namin siya pwedeng abalahin ng anak niya.

Nagpaalam naman ito sa anak niya na umiyak pa kanina dahil ayaw paalisin ang ama. Though, Lance promised na ipapasyal niya si Celan pag maaga niyang natapos ang trabaho niya ngayon.

"Call Daddy, Mommy? Pretty please? Please? I want to see him."

I tsked and comb my hair with my finger tips. Napakatigas talaga ng ulo kahit kailan. Nagmana talaga siya sa aming dalawa ni Lance.

"Okay, okay, fine!" natatawa kong sabi bago kinuha ang cellphone sa bulsa.

I dialed Lance's number na binigay niya sa akin. I deleted his phone number on mine so I have to save it again para may communication kami sa anak namin kahit malayo siya. I don't mind though.

After a few rings, he answered it.

"What?!" galit na sigaw niya ang sumalubong sa akin.

Natigilan naman ako at napakagat ng labi. Galit ba siya kasi tumawag ako? This past few days kasi na nanatili siya dito sa bahay minsan lang niya ako pinapansin o binibigyan ng tingin. Minsan ay nagiging hangin ako pag nagsimula nang magbonding ang mag-ama.

"Si Samantha 'to," I introduced myself, pursuing my lower lip.

"Oh, sorry, sorry, I thought..." he puffed a breath and calmed himself.

"You ikaw?" I can't help but to ask.

"... you actually called me," he whispered on the other line and I bit my lower lip to

Napatikhim ako at ginulo ang buhok ni Celan. "Si Celan kasi gusto ka daw makita."

"Hi, Daddy!" Celan greeted his Dad while hopping a bit, pilit na inaabot ang cellphone sa akin.

"Excuse me, Sir. I'm here to remind you po na may lunch meeting ka with Mr. Montalban," narinig kong may kumausap kay Lance sa kabilang linya kaya tumahimik muna ako.

"Cancel it," Lance answered nonchalantly.

Agad akong naalarma. "Uhm, busy ka ba? Kung oo, hindi nalang kami pupunta--"

He stopped me from talking. "No. Let's eat lunch together."

Napasinghap ako at bumagsak ang aking panga. "Eh? Narinig kong may lunch meeting later?"

"I already cancelled it so I'm free to have lunch with you and Celan, baby," he casually said.

Namula ako at natahimik naman agad siya sa kabilang linya. Did I heard it right? He just called me baby?

"Mommy? Bakit po red ang mukha mo?" napukaw ang kilig ko pagkatapos marinig ang sinabi ng anak ko na nasa aking tabi.

Narinig ko ang pagtikhim ni Lance sa kabilang linya. Sunod-sunod na lunok naman ang ginawa ko bago napailing. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"It's your D-Dad. Here."

Mabilis na inabot ko sa kaniya ang cellphone ko. Napatulala pa ako saglit at napatitig lang sa kawalan dahil hindi ko makalimutan ang tinawag sa akin ni Lance kanina. Hinayaan ko nalang at pumasok sa kwarto para maghanda sa pag-alis namin.

One Night Again [ COMPLETED ] Where stories live. Discover now