Kabanata 22

1.7K 49 0
                                    

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Ala sais palang kasi ng umaga ay nasa labas na ng unit ko si Lance. He's wearing his black tailored suit. Ready na siya sa pagpasok sa trabaho habang ako naman ay nakapambahay parin.

"Anong ginagawa mo dito? Ang aga-aga pa ah."

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniyang maaliwalas na mukha. Magkakrus ang mga kamay sa dibdib para matakpan ang dibdib ko dahil tanging see through shirt lang ang suot ko. Wala akong suot na bra dahil ang akala ko ay hindi niya gagawin ang sinabi kagabi.

Itinaas ni Lance ang dalang paperbag na may lamang kung ano-anong ingredients. "I'm here to prepare your breakfast, baby. I'm your suitor remember?"

"At kailan pa naging cook ang manliligaw?" sarkastiko kong sabi.

He chuckled before leaning in close to me and gave me a light kiss on the forehead, leaving me speechless. Wala akong nagawa dahil pumasok na siya sa loob ng unit ko at nagpasiyang lutuan ako ng breakfast. Hindi din daw siya kumain ng breakfast sa bahay niya dahil gusto niya akong makasabay kumain. Napailing nalang ako dahil sa mga kalokohan niya.

Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya sa kusina habang ako naman ay nagtungo sa aking banyo para maligo na. After that, I decided to wear a simple white blouse and tucked it in to my black knotted skirt. I did a light make up and made myself presentable before stepping out of my room with my bag.

Hindi pa ako tulayang nakakapasok sa kusina ay naabutan ko si Lance na may kausap sa telepono. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang ekpresyon niya ngayon.

"... stop bothering me. I'm seeing someone so stop messing up with my life, Mom. Bye." Matigas niyang sabi bago ibinaba ang telepono.

"Mama mo?" Tuluyan na akong pumasok at inilagay ang bag ko sa Island counter.

He glance at me smiled tightly. "Yeah... "

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa dining chair. Bahagya akong natawa dahil suot niya ang pink na apron ko. Pinanood ko siyang ihain sa dining table ang mga pagkain na niluto niya. Tumulong nalang din ako sa paglagay ng mga pinggan na kakainan namin.

"Sam?" he called.

"Hm?" I answered, not glancing at him.

"I have a family trip next week. Hindi mo ako makikita ng tatlong araw."

Lumingon ako sa kaniya at umarko ang isa kong kilay. "Bakit mo sinasabi sa akin?"

Ngumisi siya na may kasama pang kindat. "Baka ma-miss mo ako."

Napailing nalanang ako sa sinabi niya at palihim na sinuway ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang paglitaw ng isang ngisi.

"Hm... smells good." Hindi ko mapigilang komento habang tinitingnan ang niluto niyang ulam.

Lance glanced at me and smirked sexily while putting rice on my plate. "Masarap din kagaya ng nagluto."

Napairap ako sa hangin at pabirong sinabunutan siya. Napangiwi naman siya bago lumapit sa akin walang sabi-sabing ninakawan ako ng mabilis na halik sa labi na ikinagulat ko. Umawang ang labi ko kasabay ng pagtitipon ng dugo ko sa aking pisngi.

"Aww... my baby is blushing," he grinned in a teasing tone, his eyes were dancing in amusement.

Mabilis kong kinuha ang isang kutsara at hinagis iyon sa kaniya na nasalo naman niya. Napanguso ako at naiiritang inirapan siya. Naiinis na kumain ako habang si Lance naman ay ngumingisi lang sa tuwing nagtatama ang mga mata namin. 

One Night Again [ COMPLETED ] Where stories live. Discover now