Kabanata 12

1.7K 62 1
                                    

Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang trabahong maging secretary ni Lance kapalit ng one hundred thousand. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang nag-offer siya sa akin ng ganun kalaking sweldo. Ganun talaga ang mga mayayaman noh? Nagagawa lahat ng gusto gamit lang ang pera.

"I'm looking forward to work with you, Mr. Cregor." The Chinese middle aged man infront of us smiled that it makes him hide his eyes.

Sabay kaming tumayo ni 'Sir' Lance sa pagkakaupo para kamayan si Mr. Cheng, ang bago niyang client. The business meeting finally ended after an hour of exchanging proposals. Nandito kami ngayon sa isang five-star restaurant na ilang kilometro lang ang layo mula sa kompanya ng PLC Real Estate.

Nang makaalis si Mr. Cheng ay bumalik ako sa pag-upo at itinuloy ang pagkain. I just ordered a beef steek for lunch. Sunod-sunod ang pagsubo ko dahil hindi nga ako makakain kanina ng maayos sa meeting.


I unconsciously looked at Lance's plate ay nangangalahati na lang iyon.  I felt Lance's stare at me so I looked back at him.


"Hindi mo pa ba uubusin yan?" tanong ko sa kaniya at tinuro ang kaniyang plato habang patuloy ngumunguya. Hindi niya ako sinagot at nanatili lang na nakatitig sa akin.


"Feed me," bumuka ang kaniyang bibig. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko ang aking sarili.

"Ano ka bata? May kamay ka naman, Boss, kaya gamitin mo yan," sarkastiko ang ngiti kong sabi.


Nakagat ko nalang ang aking labi at napaiwas mg tingin ng dahan-dahan siyang ngumuso. Ang cute! Parang duck.

Hindi ko na ulit siya pinansin at sunod-sunod ang naging pagsubo ko dahil naalala kong hindi pala ako nakapagbreakfast kanina dahil sa takot na malate. Hindi ko na sinabi kay Sir Lance dahil alam kong mag-o-over react na naman siya.

After a moment, he lifted his hand and my movements stopped when he cleaned the side of my lips using his thumb finger. Para itago ang simpleng kilig na naramdaman ay taas ang isang kilay na tiningnan ko siya.

"You're a messy eater, huh?" he chewed his lips, hiding a smirk.


Inirapan ko lang siya at ibinalik ang atensiyon ko sa pag-ubos ng pagkain. Sa loob ng halos dalawang linggong secretary niya ako, minsan ay nakakalimutan kong boss ko siya dahil sa kalandian niya. Well, nasanay naman na ako sa halos isang buwan na din akong nagta-trabaho bilang magandang secretarya niya.

Pagkatapos kumain ay napagpasiyahan na naming bumalik sa PLC. Sabay kaming lumbas ni Sir Lance after niyang magbayad ng bill. Biglang may tumawag kay Lance na siguro ay kakilala niya kaya sinabi kong mauuna na muna ako sa parking lot.


Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalakad papunta sa parking lot ng restaurant ay bigla nalang akong nabangga sa kung sino.


"Sorr—" paghihingi ko sana ng tawad pero naiwan ang salita ko sa ere ng tuluyang makita ang dalawang taong nabangga ko.


It was Dyxie Langomez and she's with my cheater ex-boyfriend, Roi. She's wearing a expensive looking outfit. Puno ng makapal na make-up ang kaniyang mukha na nagmumukha na siyang clown. She and Roi looks good together, walang halong plastikan.


"Samanta Wood?" naningkit ang mata niya na parang inaalala ako bago unti-unting mapanuyang ngumisi. "It's really you..."

Dyxie was the bitter ex nang maging kami ni Roi. Alam kong galit na galit siya sa akin dahil nga iniwan siya ni Roi at pinili ako. Though, bumalik naman si Roi sa kaniya at akala siguro niya ay gusto ko pa si Roi kaya ganiyan nalang ang panunuya niya.

One Night Again [ COMPLETED ] Where stories live. Discover now