Kabanata 21

1.6K 49 0
                                    

"Daddy!"

"Sandro!" magkasabay na sigaw namin ni Tita Leni.

Mabilis kong nilapitan si Lance na nakasalampak na sa sahig. Si Tita Leni naman ay hinawakan sa braso si Daddy at pilit itong pinapakalma. Inalalayan kong tumayo si Lance na may dugo sa labi.

"Why did you do that, Dad?" pigil ang inis na sabi ko.

Ngunit imbes na kumalma siya ay mas lalong nag-alab sa galit ang kaniyang mga mata. Tinuro niya si Lance na tahimik lang sa gilid ko. "Who is this man, Samantha, huh? Why is he with you?!"

"H-He's—"

"My apologies, Sir, Ma'am. I'm Patrick Lance Cregor. Your daughter's suitor." Lance bowed his head.


Dahil sa sinabing iyon ni Lance ay halos mabali na ang  leeg ko sa paglingon ko sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin kay sinamaan ko siya ng tingin. Binigyan lang niya ako ng maliit na ngiti bago bumalik ang kaniyang tingin kay Daddy. Anong suitor? Kailan pa? Loko to ah! Nililigawan ako ng wala akong kaalam-alam hmp.

Mas lalong nagalit si Daddy sa sinabi ni Lance. Simula noong nagdalaga ako ay mas lalong naging strict si Daddy lalong-lalo na sa mga lalaking umaaligid sa akin. Kulang nalang ay i-home school na niya ako para hindi makalapit sa akin ang mga kalaki but Mommy, my mom who already passed away, didn't let him. Hindi daw kasi makukumpleto ang school days kung walang magtatangkang manligaw sa'yo.


Well, Roi, my bastard ex, is an exception for that. Hindi ko nga alam kung bakit pinayagan 'yon ni Daddy na manligaw sa akin. Though, mabait naman talaga si Roi pero iba talaga pag mahal mo pa ang ex-girlfriend mo. Wala naman akong magagawa dahil ayokong pilitin ang sarili ko sa taong hindi naman pala ako ang mahal at ginamit lang pala akong rebound.


"Go to your room, Samantha Laurice. Now!"


Napaigtad ako sa kinatatayuan dahil sa biglang pagsigaw ni Daddy. Sobrang dilim ng mukha niya at kung nakamamatay lang ang titig ay pinaglamayan ko na si Lance kanina pa.

I bit my lower and let out a deep breath. "Just promise that you won't  hurt him, Dad. Please."


I earned a death glare from Dad before he walk towards us. I was alert all the time thinking that he will hurt Lance again but he just passed on us and sit on the living room's one seater sofa. And then he motioned Lance to sit too. He positioned like a man waiting for someone that he will interrogate later.



Nagkatinginan kami ni Tita Leni na hinawakan ang balikat ko para pakalmahin. She smiled at me so I did the same. Ang bait talaga pero grabe kung magalit kaya takot si Dad sa kaniya.


I took a deep breath and looked at Lance once again. Sinunod na nito ang utos ni Daddy. Bahagya siyang yumuko bago malakas na sinalubong ang matatalim na mata ng aking ama. Pinagkrus ni Dad ang mga braso niya sa ibabaw ng kaniyang dibdib bago ako nilingon. Sumama ang kaniyang mukha nang makitang nakatayo parin kami ni Tita Leni.


And then suddenly his voice became soft, he's now looking at Tita Leni. "Take her somewhere, hon. Gigisahin ko lang 'tong 'suitor' niya."



Wala na akong nagawa nang igiya ako ni Tita patungo sa aking kusina. Nilingon ko pa si Lance na ngumiti lang sa akin. Parang relax na relax lang siya. Tsk! Ako ang kinakabahan sa kaniya e! Daig pa naman ni Dad ang isang Lawyer pag kakausapin ka niya ng masinsinan.



"Don't worry, hija. Sandro will not hurt the man you love. Ako ang makakalaban niya pag nangyari 'yon." Nakangiting sambit ni Tita nang makitang hindi ako mapakali habang nakaupo sa dining chair.



One Night Again [ COMPLETED ] Where stories live. Discover now