Chapter 8

19.1K 624 48
                                    

SHE WAS SHOCKED. Hindi siya makapaniwala na may gusto sa kanya si Castiel! She wanted to asked why? Bakit siya nito nagustuhan? Gayon na wala naman kagusto gusto sa kanya. But when she's about to speak, Castiel left, again she was surprised.

Hindi na siya nakapag focus sa trabaho niya pagkatapos noon, even her friends were asking what happened after Castiel feed her. Devi didn't speak. She just let them bombered her with questions, kapagkuwan ay nagsawa din ang mga ito kakatanong dahil wala naman silang nakukuhang sagot.

Natulala na lang si Devi sa laptop at Ipad na nasa harapan niya. She can't even lift her hands to design the project that's been stressing her for a while now.

"Huy! Ano? Pinakain ka lang natulala ka na dyan?!" Singhal sa kanya ni Imara at bahagya pa siyang tinampal sa balikat.

She glance at her over her shoulder and pout her lips. "Umalis na ba siya?" Devi asked.

"Tanga ka ba? Malamang! Kanina pa 'yon nakaalis!" Singhal nito sa kanya at bahagya siya nitong binatukan. Siguro ay banas na banas na ito sa kanya.

"May sinabi ba sa inyo?" She asked again.

Kumunot ang noo ni Imara sa kanya. "Oo, ang sabi niya. Please take care of you daw kasi may pupuntahan siya at hindi ka niya masusundo. At dahil masunurin kaming bata, sasabay ka sa amin mamaya mag out, iwan mo ang trabaho mo dito at magpahinga ka sa bahay! Tignan mo ang mga mata mo, pulang pula na!" Parang nanay si Imara habang sinesermonan siya.

She sighed and her shoulder fell.

Remembering his confession a while ago made Devi's think. Hindi lang pala siya ang naghuhukay.

Nang uwian na, hinila siya ni Imara at para mag out na. Ito pa ang nag off sa laptop at nagligpit ng mga gamit niya, hinintay din sila nina July sa labas ng office. They didn't even clean their office and just left.

Devi felt something was missing, kahit kasama niya ang mga kaibigan niya. Her mind was wandering somewhere. No, she was actually thinking of someone and surprisingly, she's missing that someone's presence.

"Sasakay nalang ako ng taxi, mag-iingat kayo ah!" Aniya sa mga kaibigan nang makalabas sila sa building.

"Deretso uwi, Devi!" Habol sa kanya ni Imara habang kumakaway.

She just smiled. As if naman may pupuntahan pa siyang ibang lugar. Devi wasn't sure how she got home safe and sound. But she was thankful.

When she open her unit agad dumapo ang mga mata niya sa sofa kung saan madalas umupo si Castiel kapag sinusundo siya nito at kapag hinahatid siya pauwi. Ever since Castiel offered to take her home,  naging routine na nila 'yon.

Pabagsak siyang umupo sa sofa at pinaglaruan ang mga daliri niya. Kung bakit ba naman kasi natulala kanina?!

She heavily sighed and forced her self to move her ass, nangyari na e. Hindi naman niya maibabalik ang oras. Tamad siyang tumayo at nagpunta sa kusina, nagpakulo siya ng tubig at kumuha ng isang cup noodles sa cupboard.

Devi didn't bother to make a coffee for tonight. She had enough. Baka hindi siya lalo makatulog at magmukhang zombie siya kinabukasan. Nang kumulo na ang tubig, nilamnan niya lang ang cup noodles at pinatungan ng pinggan.

"If he's here, I'm sure he'll order a healthy food for us." She mumbled while removing her clothes one by one.

Wala naman tao maliban sa kanya. She's free to do anything she wanted. Like what she usually do when Castiel's not visiting her. And remembering Castiel means remembering too that she open the door widely without wearing a bra and a damn shorts!

LCS 10: Castiel Gonzales (Completed)Where stories live. Discover now