Chapter 27

49 7 0
                                    

"Are you hurt ,baby?"Garrett asked with a concerned tone.

Nandito si Garrett sa labas ng bahay namin. Pumunta talaga siya dahil sobrang nag aalala siya na naaksidente ako ,kita ko sa mata niya ang pag alala niya sa akin. Sinasabi ko naman sa kanya na okay naman ako pero hindi pa rin siya napapanatag kahit na sabihin ko sa kanya yun.

I smiled bitterly, "Okay nga lang ako ,Garrett."I sighed heavily ,"Kaya wag ka diyan mag alala. And beside ,hindi naman grabe ang natamo ko eh."

Napailing siya habang tinititigan niya ako ,Nakahawak siya sa dalawa kong mga kamay at habang nakakunot ang kanyang noo.

"I'm so worried about you...."mahina niyang bulong ,"Kanina pa kita tinatawagan but hindi mo sinasagot ,tapos malalaman kong naaksidente ka. Kaya bakit ayaw mo ako mag alala?"

"Dahil okay naman ako......."giit ko.

Lumapit siya sa akin at bigla na lang niya ako niyakap at naramdaman ko na lang na hinalikan niya ang buhok ko. Dinadamdam ko yun dahil sobrang nag aalala talaga siya sa akin.

"And beside........yung may ari ng kotse siya pa nag alok na ihatid ako dito.... para maging ligtas lang ako pag uwi..."marahan na sabi ko at naramdaman kong mabigat niyang paghinga habang hinahaplos niya ang buhok ko.

"I love you ,Claudette."he whispered ,"I don't want to lose you......."

****

Lumipas ang ilang araw yung sugat ko ay unti unti na naghihilom. Simula ang pagkaka- aksidente ko ay napapansin ko na palagi na ako sinasamahan ni Garrett kapag may pupuntahan ako. Maybe sinisisi niya ang sarili niya sa pagkakaaksidente ko kaya pati sa mga pupuntahan ko ay sumasama siya.

Napag- alaman ko na rin na this week ay may laban na ulit si Garrett para sa final competition niya dito sa pilipinas. Kapag pinalad siya manalo ay may posibilidad siya ang pambato ng pilipinas para ilaban sa ibang bansa ,ito na din ang huling magiging laban niya. Dahil pagkatapos nito ,tuluyan na niya iiwan ang career niya sa car racing para tulungan ang Daddy niya sa pagpapatakbo ng company.

"Gaga ka Claudette!"binato ako ni Tin ng unan sa mukha ,"Hindi mo man sinabi sa akin na si Garrett at G ay iisa?"

Nalaman niya kasi na si Garrett at G ay iisa na napag usapan namin ni Garret ang tungkol sa competition niya at saktong dumaan si Tin sa kusina na kung saan doon kami nag uusap. Kaya iyon! mukhang galit pa na hindi ko sa kanya sinabi.

"Bakit ka galit?"tanong ko.

Umirap siya sa akin ,"Duh! malamang magagalit talaga ako sa'yo ,hindi mo sa akin na sinabi si Garrett at G na kinahuhumalingan ko ay iisa!"bakas pa rin sa mukha niya ang pagkainis sa akin.

Napahawak pa siya sa kanyang noo dahil mukhang di pa rin siya makapaniwala sa mga nalalaman niya. Natawa ako ng mahina dahil para siyang tinraydor ng isang kaibigan.

"Kainis ka ,alam mo yun?"she sighed hardly ,"Crush na crush ko pa naman si G ,tapos malalaman kong si Garrett pala yun! Bakit hindi mo sinabi yun ,ah?"

I shrugged ,"Bakit ko sasabihin sayo? sinabi sa akin ni Garrett na siya si G dahil ayaw niyang makilala siya ng ibang tao. Kaya sinikreto ko yun sayo ,kahit fangirl ka niya."

Nakatitig pa rin siya sa akin at tinaasan ko siya ng kilay kaya lalo siyang nainis kaya napahalakhak ako.

"You're a traitor friend!"paiyak niya kaya lalo akong nahalakhak.

"Hindi ako traydor ,Tin. Ginagawa ko lang sinabi sa akin ni Garrett dahil ayokong mawala ang tiwala niya sa akin."I smiled bitterly.

Sinamaan niya ako ng tingin ,"Ewan ko sayo!"

Together For A Day ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang