Prologue:

18 3 6
                                    

Sinong mag-aakala na ang babaeng ito ay nangangarap na maging isang guro? Talagang nakakapagtaka na mangarap siya na maging guro ng mga estudyante sa elementarya lalo na kung malalaman mo kung anong klaseng pag uugali ang meron siya.

Sino nga ba naman ang tinutukoy ko?

Ang babaeng tinutukoy ko lang naman ay si...

Elpis

Belladonna

Menerva

Siya lang naman si Elpis Belladonna Menerva.

Ang ganda ng pangalan no? Pero ano nga ba ang natatanging ugali niya na naging dahilan para magtaka ang halos lahat at pati na din ang kanyang sariling pamilya kung talagang desidido siyang maging isang guro at sa mga elementarya pa talagang mag aaral.

Lahat ng kakilala niya ay nagtaka, lahat ay nangamba at lahat ay napatawa. Akala nila'y binibiro lamang sila nito pero nagkakamali sila dahil sa pagtungtong niya sa kolehiyo ay susundin niya ang nagpagulat na kurso sa kanyang pamilya at pati na din sa chismosa nilang kapitbahay.

Sino ba naman ang hindi magtataka kung ang pag uugali niya ay...

NAPAKASUNGIT!

WALANG MAHABANG PASENSYA!

MAINITIN ANG ULO!

AKALA MO AY ARAW-ARAW MAY MONTHLY PERIOD!

PARANG PALAGING GALIT!

NAGKE-KWENTO LANG AY NAPAKALAKAS NA NG BOSES!

AT HIGIT SA LAHAT....

MAHILIG SA BATA PERO...

PERO...

SA PILING BATA LANG!

Oh diba, masyado siyang mapili. Nakadepende daw kasi kung cute yung bata at masunurin kaya ayun ang kinahihiligan at pinanggigigilan niya.

Pero at least, may katangian naman siya na papasa sa pagiging guro, malakas naman ang boses niya kaya makakatulong iyon sa pagtuturo niya. Parang laging galit din siya kaya talagang magbe-behave ang mga estudyante dahil aakalain nila na terror ang teacher nila. Mahilig din siya sa bata kaya baka, baka lang naman na maging maayos ang lahat. Baka lang, wag mag expect ng masyado kasi baka naman mapatalsik agad siya bilang guro kapag nagtatrabaho na siya.

May apat na taon pa naman siya para pag isipan ng mabuti kung ipagpapatuloy nga ba niya ang pagiging guro o hindi. May apat na taon pa siya para pabanguhin at ayusin ang pag uugali niya. Malay ba natin na iyon nga ba talaga ang future profession niya, oh diba ang bongga.

Kahit na nag aalinlangan ang kanyang mga magulang pati na din ang kanyang mga kapatid ay sinuportahan na lang nila ito dahil ano nga ba naman ang magagawa nila kung iyon ang gusto niya? Pinagdadasal na lang nila na sa future ng kanilang bunsong anak at kapatid ay walang magreklamong parents dahil nga sobrang terror nito.

Oo. Hindi kayo nagkakamali ng nababasa. Talagang bunso siya sa pamilya pero baka ampon lang din siya kasi siya lang talaga ang ubod ng sungit sa kanila. Pagkagising pa lang ay nakasimangot na agad, tatanungin lang ay high pitch na agad, at titingin lang sa iba ay parang ang sama sama na ng tingin!

Normal na iyon sa kanya at sanay na ang pamilya niya sa pag uugali niya. Siguro nga talaga ay ampon lang siya, ay biro lang pala. Baka umiyak na yung isa dyan dahil sa sobranng panlalait sa kanya.

Pero...

Pero! May magandang katangian naman siya kahit papano. Hindi naman talaga sobrang ganda ng ugali niyang ito pero maayos-ayos na din naman kahit papano, pambawi sa mga katangian niyang nakaka turn off.

MABAIT DIN NAMAN SIYA MINSAN.

KAPAG NASA MOOD SIYA AY HINDI SIYA MASYADONG MASUNGIT.

AT...

SINUSUBKAN NA NIYANG MAGBAGO.

Kahit mga 50% daw na maging mabait siya at 50% na masungit siya ay ayos na sa kanya. Mas okay nga naman iyon kaysa sa 100% na kasungitan niya. Pwedeng mapagtiyagaan kahit papano.

Kaya tara na't sumama sa paglalakbay ni Elpis Belladonna Menerva bilang isang estudyanteng nangangarap na maging isang guro.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Enchanted To Your Words (My Future Series #1)Where stories live. Discover now