Chapter 3:

2 1 0
                                    

Elpis Pov

"Lagot talaga sakin mamaya si Clover!" Naiinis na bulong ko sa sarili ko habang naglalakad ng mag isa sa corridor. Papunta ako ngayun sa first class ko, buti nalang at kahit papano ay nakatulong ang pag iikot namin ng school ni Clover. Hindi na ako masyadong naligaw at for sure ay hindi ako male-late sa pinaka una kong klase.

Kanina pa kami hindi magkasama ni Clover, nauna kasi ang first class niya sa akin kaya halos 30 minutes akong nakatunganga sa tapat ng building kung saan niya ako iniwan. Niloko na nga niya ako tapos iniwan pa ako? Hinding hindi na talaga ako magpapauto sa babaeng iyon kahit na kailan. Kung sana hindi ko pinatulan ang alok niya edi sana hindi ako maghihintay ng 30 minutes para lang pumasok sa first class ko.

Well may naitulong at nagawa din naman pala ang panloloko sa akin ni Clover. Pinaka una na dun ang SAMA NG LOOB. Pinapasama niya ang loob ko, talaga namang babaeng yun. Kung hindi ko lang siya best friend ay matagal ko na talaga siyang hindi pinansin. Pero seriously kahit papano ay advantage ko na din ang ginawa niyang panloloko kasi medyo familiar na ako sa mga buildings dito sa school namin at tsaka ililibre niya ako mamaya. Sige tuloy, nakabawi na siya sa panloloko sa akin.

OO! Alam kong parang oa na ako sa paningin niyo ngayun dahil puro manloloko, panloloko at Clover ang lumalabas sa bibig ko. Talaga naman kasing pinagloloko ako ng babaeng iyon, hindi ito ang una niyang panloloko sa akin kaya nagiging ganto ako. Nauto na naman kasi ang magaling na si AKO!

Nasa may harap na ako ng pinto ng first subject ko, nakasarado ang pinto at for sure na makukuha ko ang ilang atensyon ng mga kaklase ko kapag binuksan ko ang pinto. Tiningan ko muna kung tama nga ba talaga ang pintong papasukan ko, ayokong mapahiya sa first day ko. Baka mali pala ang napasukan ko tapos bigla akong mapapahiya, ganyan pa din naman ang ganap sa ibang nababasa ko.

Kinalma ko muna ang sarili ko at unti unting binuksan ang pinto, nakahinga ako ng malalim ng makita kong kakaunti pa lamang ang mga istudyante. May iilan na napatingin sa direksyon ko pero agad din naman inalis ang tingin sa akin at bumalik sa kanya kanyang ginagawa, buti naman. Ang awkward naman masyado kung susundan nila ako ng tingin hanggang sa makaupo ako diba?

Naupo ako sa may bandang dulo, sa pinakahulihan ang napili kong pwesto at malapit sa bintana. Ayoko naman kasi na pumuwesto sa unahan dahil first day palang at nakakahiyang umupo doon, ayoko din naman sa gitna kasi sobrang ingay dyan. Mas good choice ang last kasi kahit gaano pa kaingay yung nasa unahan ko ay naiintindihan ko pa din ang pinagsasabi sa unahan lalo na kapag nagtuturo. Bale balance lang yan eh, hindi masyadong maingay sa likuran kasi sa harapan ang maiingay, kung sa gitna ka pupuwesto edi ang ingay ingay kasi mapa unahan at likuran mo ay maingay. Pero ano ba talaga ang pinaglalaban ko? Bakit kailangan ko pa mag explain kung bakit ko pinili ang pinaka last part? Hindi naman kayo gold diba?

May limang minuto pa bago magsimula ang klase namin at unti unti na din na o-occupy ang mga upuan, bigla naman akong nahiya. Pano ba naman eh halos grupo grupo ang mga pumapasok, mga magkakakilala o hindi kaya ay magkakabarkada. Pano naman akong nag mukhang lonely sa isang sulok? Hindi ba't medyo nakakahiya yun?

May umupong babae sa tabi ko at may kasama din siya, gaya ng inaasahan ko ay hindi nga niya ako kinausap, malamang hindi naman niya ako kilala pwera nalang kung friendly siya, diba? Halos sampung minuto nang late yung prof namin, lahat tuloy kami ay maiingay na, ay sila lang pala ang maingay kasi ako tamang tingin lang sa labas ng bintana tapos minsan tumitingin sa phone.

Diba may sinasabi ang ibang college student na kapag gantong oras na hindi pa daw pumapasok ang prof nila eh uwian na daw kasi wala nang balak pang pumasok yun? Ewan ko ba pero yun talaga ang nangyayari eh, pano ko nasabi? Nag uusap na sila kung aalis ba kami o hindi eh. Bale 1 hour and 30 minutes kasi itong subject namin at 10 minutes nang late ang prof namin pero hindi pa siya dumadating. Sabi ng mga kaklase ko ay dapat daw kapag 20 minutes na wala pa si prof ay umalis na kami kasi nagsasayang lang daw kami ng oras dito sa classroom, ewan ko ba kung susunod ako sa kanila eh. May iba ding nagsasabi na paabutin daw naming 30 minutes bago kami umalis.

Enchanted To Your Words (My Future Series #1)Where stories live. Discover now