Chapter 5:

1 1 0
                                    

Elpis Pov

"Dali na El!" Pangungulit ni Rox sa akin habang naglalakad na kami papuntang room. Halos lahat ng subject namin ay magkaparehas at luckily ay magkaklase pa kami kaya talagang hindi na siya napapahiwalay sa aming dalawa ni Clover.

"For the nth time Rox ayaw ko nga." Naiiritang sabi ko sa kanya at mas binilisan ang paglalakad.

Kanina pa ako kinukulit ni Rox na after class daw ay pumunta din daw kami sa bagong bukas na café dito sa harap ng school namin. Porket narinig lang nila ni Clover na niyayaya si Finn ng mga kaibigan niya sa café eh gusto na din nilang pumunta.

"Mabilis lang naman tayo! Tsaka kakabukas lang nila so ang balita ko na mura pa daw ang mga dessert dun." Pangungumbinsi pa niya sa akin. Buti nalang talaga at malapit na ang class naming dahil kung hindi ay dalawa sila ni Clover ang mangungulit sa akin para mapapayag lang ako sa gusto nila.

"After class tayo pupunta dun diba? Mas better na umuwi nalang ako ng maaga kaysa pumunta ng café." Sagot ko sa kanya kaya naman nagmamaktol siyang sinabayan ang lakad ko.

"Three PM naman ang last class natin kaya hindi ka naman magagabihan!" Kahit kailan talaga hindi siya mauubusan ng rason! May pinagmanahan talaga, si Clover.

"Sayang lang sa pera." Syempre hindi ako magpapadaig no! Ang dam ko ding dahilan para lang hindi ako makasama.

"Wow naman El! Makakatipid na tayo dun oh, kung pupunta tayo dun ng hindi sila bagsak presyo eh mas mapapagastos tayo! Butas ang bulsa natin kapag ganun kaya dapat i-grab na natin ito kasi nga mura palang ang tinda nila kasi nga kakabukas pa lang." Pagpupumilit niya pero dinedma ko nalang siya at pumasok na sa room namin.

"Shh kung tatabi ka sakin Rox dapat manahimik ka." May pagbabantang sabi ko ng makita kong dadaldalin niya ulit ako.

"Wala naman ata si ma'am eh, nakailang punta na tayo dito nung nakaraan sa klase niya pero nasa out of town pa nga daw diba." Aba hindi talaga madadaanan sa banta si Rox.

"Malay mo may biglang dumating na inutusan ni ma'am." Sagot ko naman pero umiling iling lang siya.

"Hindi yan! Ang balita ko next week pa daw ang uwi ni ma'am." Pagkontra niya sa sinabi ko kaya naman napa irap ako.

"Ano naman kung next week pa? Pwedeng pwede naman siya magpapunta ng kahit na sinong available teacher dito kung gugustuhin niya eh. Wala naman akong sinabi na si ma'am mismo ang pupunta dito." Pambabara ko sa kanya, hindi niya ata na gets ang sinabi ko eh.

"Ay oo nga no?" Natatawang sabi niya kaya naman napailing nalang ako. May five minutes pa bago mag time at lahat na kami sa klase ay kompleto na. Mga kilala ko ko na ang iba naming kaklase kasi sa ibang subject ay pagmumukha lang din naman nila ang nakikita ko at nung nakaraang araw ay nagpa introduce yourself pa ang iba naming prof.

Medyo chill pa lang kami ngayun at hindi pa talaga totally na nagsisimula ang klase namin dahil puro bigay lang sila samin ng mga requirements namin at pati na din ng ibang lessons. Siguro sa susunod na araw ay talagang dun na kami magsisimula kaka discuss. Dun na magiging hectic ang schedules namin.

Ang medyo naming maingay na room ay biglang tumahimik ng biglang may pumasok na isang babae na sa tingin ko ay ang prof naming for this subject. Ang kanina kong mga kaklase na wala sa ayos na upuan ay nagsi ayusan ng upo at ang mga nagke-kwentuhan ay nagsitahimikan.

"Good afternoon everyone. I'm Melanin Greguro, your professor to this subject." Nakangiting pagpapakilala niya sa amin, mukhang hindi naman strict si ma'am. Sana lang talaga.

"Good afternoon ma'am." Sabay sabay naming bati ki ma'am Melanin.

"So hindi muna ako magle-lesson ngayun. Ang gusto kong gawin ay makilala kayo kaya introduce yourself in a unique way at sabihin niyo ang reason kung bakit gusto niyong maging isang teacher." Dahil sa sinabi ni ma'am ay agad naman nag ingay ang mga kaklase ko, sawa na kami sa introduce yourself eh.

Enchanted To Your Words (My Future Series #1)Where stories live. Discover now