Chapter 1:

15 1 0
                                    

Elpis Pov

"Ma aalis ako mamaya!" Yan agad ang bungad ko sa kanila ng makalabas ako ng kwarto naming magkakapatid. Kakagising ko pa lang kasi at hindi pa ako nakakapag toothbrush at hilamos, bumangon lang ako kahit napipilitan kasi bigla kong napaginipan na aalis nga pala ako ngayung araw na ito.

Bigla ko tuloy naalala na hindi pa ako nakakapagpaalam ki mama na aalis ako kaya bumangon na ako para lang makapag paalam sa kanya, panira kasi yung panaginip kong iyon eh. Imbis mahimbing pa yung tulog ko eh biglang sumulpot ng kung saan.

Pumunta ako ng kusina namin para makapag toothbrush na, siguro nagtataka kayo kung bakit magto-toothbrush ako kahit na kakagising ko palang at hindi pa kumakain. Well ganyan talaga ang magaganda este ganyan talaga kasi ako, kapag kasi nag mumog lang ako ay parang bad breath pa din ako kaya mas okay na mag-toothbrush na lang.

Nang matapos akong mag-toothbrush ay agad naman akong pumunta ng sala, wala sila mama. Si kuya tulog pa, papuyat kasi ng papuyat akala mo naman may bebe time, tsk. Pumunta ako sa labas ng bahay namin at ayun na nga nakita ko na din sa wakas si mama!

"Ma!" Tawag ko sa kanya at agad naman niya ako nilingon bago nagpatuloy sa ginagawa niya. Kina-career na ni mama ang pagiging plantita ah? Pustahan tayo na makailang buwan lang ay tatamadin na din yan si mama kakaayos ng mga halaman niyang hinihingi niya kung kani-kanino!

"Ma, anong pagkain?" Tanong ko sa kanya habang nakatayo pa din sa may pintuan. Tingnan niyo itong si mama hindi man lang ako pansinin! Kunot noo ko tuloy siyang tiningnan.

"Kumuha ka nalang sa tindahan ng pagkain, wala pang pandesal." Sagot niya sa akin na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Mas importante nga ata talaga sa kanya ang halaman niya, eh ilang weeks pa lang naman niya yan inaalagaan eh ako ilang taon na!

"Ma!" Tawag ko ulit sa kanya kaya kunot noo niya akong nilingon.

"Ano na naman? Ang aga aga nakasimangot yang pagmu-mukha mo." Sita ni mama kaya naman mas lalong kumunot ang noo ko. Yung mukha ko na naman ang napansin ni mama!

"Umagang umaga nakaka badtrip yang mukha mo El. Yung good mood kami tas bigla naming makikita yang mukha mong nakabusangot. Nakaka bad vibes." Biglang sabi naman ni ate na kakalabas lang ng cr. Napairap tuloy ako ng wala sa oras. Eto na naman tayo sa issue about sa facial expression ko.

"Ano na naman ang problema niyo sa mukha ko?" Naiinis na tanong ko sa kanila at naglakad na papunta sa tindahan namin.

"Dudukutin ko yang mata mo El." Nagbabantang sabi ni ate sa akin ng makita ang pag irap ko. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na sa paninda ni mama.

Yes po, opo. May tindahan kami. Hindi naman kami rich eh. Kung noong bata pa ako akala ko ay mayaman kami eh ngayun na napagtanto ko ang tungkol doon ay bigla kong na realize na ang shungga ko nga talaga noon pa man. Sinasabi ko pa noon ki papa na mayaman kami, wala lang kaming kotse at maraming pera pero mayaman kami. Mas yayaman kami kapag nagkaroon na kami ng kotse tas maraming maraming pera!

Oh diba bata pa lang ako ang taas ko nang mangarap at assuming din. Pero hindi talaga kami mayaman, sakto lang. Sakto lang para makakain ng tatlong beses sa isang araw, ay hindi pala tatlo kasi may snack pa. Sakto lang para makapag aral kami sa maayos na paaralan at sakto lang para matustusan ang lahat ng pangangailangan namin. Ayos na din ako kahit papano sa buhay namin kasi kung tutuosin ay maswerte na din kami sa buhay namin kasi yung iba nga dyan ay hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw eh!

Kumuha na ako ng pagkain ko at dumiretso na sa bahay. Saturday ngayun at sa Monday na ang first day of school namin, college student na ako at nakaka excite! Wala akong kakilala maliban sa bestfriend ko pero magkaibang course din kami kaya hindi ko din siya magiging kaklase. Buti na lang talaga dahil same ang time ng lunch and break time namin kaya makakasama namin ang isa't isa.

Enchanted To Your Words (My Future Series #1)Where stories live. Discover now