Chapter 6:

3 1 0
                                    

Elpis Pov

Naglalakad ako ngayun kasama sila Clover at Rox papunta sa gate dahil napagpasyahan naming magpalamig nalang muna sa mall na malapit lang din dito sa school. Vacant kasi namin ngayun at nagkataon na sabay sabay ang oras ng next class namin.

Tuesday na ngayun at last Friday pa namin huling nakausap si Finn, nakikita naman namin siya pero hindi namin nakakausap dahil lagi siyang may kasama na iba't ibang grupo. Mga kaibigan niya ata yun dahil sabi nga niya na marami siyang kaibigan dito.

"Hoy Finn!" Speaking of the mushroom, ayan na nga si Finn na palapit sa direksyon namin.

"What's up mga mare!" Bati niya sa amin at inakbayan ako na agad ko namang tinanggal.

"Akbay ng akbay. Close ba tayo?" Pagsusungit ko, nagtawanan naman silang tatlo dahil sa sinabi ko.

"Taksil ka kasi Finn eh!" Sabi naman ni Clover kaya nagtatakang napatingin sa kanya si Finn.

"Anong pinagsasabi mo?" Takang tanong nito.

"Hindi mo kasi sinabi na may bebe na pala itong crush ni El!" Singit naman ni Rox kaya napa irap ako. Eto na naman tayo, ibi-bring up na naman nila ang topic na yun.

"Sinong crush?" Naguguluhang tanong ni Finn kaya nakatanggap siya ng hampas sa dalawa, hindi ko alam kung nagmamaang-maangan lang ba ito o sadyang nakalimutan niya.

"Sino pa ba? Edi si Oizys!" Malakas na sabi ni Clover kaya naman agad kong tinakpan ang bibig niya, sobrang ingay nya! Ayos lang naman sana na mag ingay siya pero yung may babanggitin siyang pangalan? Grabe baka may ibang makarinig at maniwala pa sa sinasabi niya! Eh sa hindi naman kasi yun totoo.

"Ah! Oo nga pala!" Tumatangong sabi ni Finn. Nagpatuloy na kami sa paglalakad kasama si Finn.

"Care to explain!? Bakit nakita namin na may ka holding hands yun?" Kahit kailan talaga hindi matigil itong dalawa pagdating sa chismis.

"Nagtataksil na ba siya ki El!? Lapastangan!" Nakakahiya talaga ang mga pinagsasabi nitong mga to'. Buti nalang at kami lang ang nakakarinig sa mga pinagsasabi nila.

"Bakit kasi pati yun ay kailangan niyo pang malaman? Mind your own business." Pagpapatahimik ko sa kanila pero dapat pala pinabayaan ko nalang sila.

"Kailangan malaman natin iyon kasi crush mo siya!" Pagpupumilit ni Clover, sino ba kasing nagsabi na crush ko si Oizys? Imbento talaga masyado eh.

"Hindi ko siya crush!" Pagtanggi ko pero inilingan lang nila ako.

"Kung hindi mo siya crush bakit bigla kang napahinto sa paglalakad nung nakita mong may kasama siyang babae tas magka holding hands pa sila!?" Pagtatanong ni Rox kaya sinamaan ko na sila ng tingin, pati ba naman yun ay gagawan nila ng issue!

"Nabigla lang ako, okay?" Pangungumbinsi ko sa kanila pero talagang matigas ang mga ulo nila dahil hindi ko talaga sila mapaniwala.

"Oh ayun nga nabigla ka kasi hindi mo ine-expect na may bebe siya kasi nga crush mo siya!" Sabi pa ni Clover at sinang-ayunan naman ito ni Rox habang si Finn naman ay patawa tawa lang. Pinagkakaisahan talaga nila ako! Akala ko ba ako ang bestfriend ni Clover eh bakit hindi man lang ako panigan nito!

"Hindi ko ine-expect kasi super serious siya! Parang ang hirap paniwalaan na may girlfriend siya." Pagpapaliwanag ko pero inasar pa din nila ako ng inasar.

"Saglit nga! Saan ba tayo papunta?" Pagsingit naman ni Finn kaya napabaling sa kanya ang atensyon namin.

"Sinong may sabi na kasama ka?" Pagtataray ko pero tinawanan lang niya ako.

"Aww hindi ba? Sasama pa din ako!" Natatawang sabi niya pero inirapan ko lang siya.

"Desisyon ka eh!" Sabi naman ni Clover kaya tiningnan siya ni Finn na may pagmamalaki.

Enchanted To Your Words (My Future Series #1)Where stories live. Discover now