Chapter 7:

2 1 0
                                    

Elpis Pov

Nagliligpit ako ngayun ng gamit ko dahil kakatapos lang ng class namin at sakto naman na vacant na kami this day. Binalingan ko ng tingin si Rox sa tabi ko na halatang nagmamadali at may hinahanap sa bag niya.

"Hindi ka pa tapos?" Tanong ko sa kanya, tapos na ako sa pag aayos at dapat na naming bumaba kasi for sure na naghihintay na samin sa baba si Clover. Sobrang inipin ba naman nun, may pinagmanahan.

"Mauna kana! Hintayin niyo nalang ako sa cafeteria." Sabi niya habang patuloy na may hinahanap sa bag niya.

Dahil sabi niya na mauna na ako ay iniwan ko na siya doon at hindi na nag abala pang magpaalam sa kanya. Nasa labas ng building namin si Clover, ayun ang sabi niya sa text na sinend niya ki Rox. Oo! Ki Rox siya nag text kaysa sa akin. Kung noon ay lagi ako ang ini-inform niya kung saan siya naghihintay samin eh ngayun ay si Rox na.

Talagang pinagpapalit na ako ni Clover sa babaeng iyon. Siguro silang dalawa na ang mag best friend at napalitan na ako. Ibang klase, kapalit palit ba ako? Napailing nalang ako sa iniisip ko, kung ano ano nalang ang pumapasok eh. Nahahawa na ata ako sa dalawa.

Medyo naging mabilis lang din naman ako nakababa dahil walang paharang harang sa daan dahil may mga klase pa ang iba kaya konti lang ang dumadaan sa hallway pati na din sa hagdanan. Bale tatlong floor lang naman ang building namin kaya hindi naman masyadong matatagalan talaga.

Natanaw ko na si Clover na nakaupo sa mga benches na nakapaligid sa building namin. Mabuti naman at ang dali na niyang hagilapin dahil last time ay halos isa isahin ko na ang building dito sa school para lang mahanap siya. Pano ba naman kasi nagsabi sakin na nasa tapat daw siya ng building edi ang expected ko nun ay sa building kung saan yung classroom ko nung time na yun. Ayun pala eh palipat lipat siya ng pinupuntahan kaya hindi ko siya mahanap.

"Asan si Rox?" Pambungad na tanong niya sa akin ng makalapit ako sa kanya.

See? Mas gusto niya na ata talagang kasama si Rox kaysa sa best friend niya simula pa noon hanggang ngayun.

"Nasa room p--." Naputol ang sinasabi ko ng sumabat si Clover.

"Bakit mo iniwan?" Kunot noong tanong ni Clover sa akin kaya napakunot na din ang noo ko. Bakit parang malaking kasalanan na iwan si Rox sa room?

"Wag oa Clover." Sabi ko at inirapan siya.

"Hoy El!" Paninita niya sa akin, sinamaan ko lang siya ng tingin at naglakad na paalis.

"Susunod na lang daw siya." Naiinis na sabi ko sa kanya ng makita kong sesermunan na naman niya ako. Napaka judgemental talaga nito ni Clover pagdating sakin.

"Ah bakit kasi hindi mo agad sinabi?" Nagi-guilty na tanong niya sa akin. Tingnan mo nanisi pa siya.

"Bakit kasi hindi mo ako patapusin sa pagsasalita?" Pagtataray ko sa kanya at hindi na siya pinansin pa ulit hanggang makarating kami sa cafeteria.

Umupo kami sa usual seat namin, buti naman at walang nakaupo dahil gustong gusto talaga namin itong seat na ito. Hindi din nagtagal at natanaw na namin si Rox na palapit sa amin.

"May sandwich kayo?" sabi niya ng makalapit siya sa amin.

"Wala." Maikling sagot ko at nagpatuloy sa pag cellphone kahit na wala naman akong pinagkakaabalahan doon.

"Ikaw ba Clov?" Tanong ni Rox ki Clover pero inilingan lang siya ni Clover.

Clov na pala ang tawag ni Rox ki Clover dahil sa katamaran ni Rox ay nahahabaan siyang banggitin ang buong pangalan ni Clover. Wala naman iyong kaso ki Clover pati na din naman sa akin, trip niya yun sa buhay kaya hayaan nalang natin.

Enchanted To Your Words (My Future Series #1)Where stories live. Discover now