Chapter 8:

1 1 0
                                    

Elpis Pov

"Balita ko galit daw sa atin si miss Gohon."

"Saan mo naman nakalap yang balitang iyan?"

"Sa ibang section na na-handle ni miss Gohon."

"Oh bat' naman galit si miss satin'?"

"Ewan pero talagang hinihintay ni miss Gohon ang araw ng klase natin sa kanya."

"Kung talagang galit at hinihintay ni miss ang araw na ito edi sana hindi siya late."

"Oo nga no? Pero who knows?"

Napairap nalang ako sa mga pinagke-kwentuhan ng mga kaklase namin. Ilang minuto na kaming naghihintay para sa klase namin ki miss Gohon. Dapat ay umalis na kami kanina pa pero dahil nga may pumuntang student dito at sinabi na may kinakausap lang saglit si miss Gohon at a-attend siya ng class ay napipilitang nag stay kami dito para hintayin siya.

One hour lang ang klase namin sa kanya ngayung araw at twenty minutes nalang ay tapos na ang klase namin sa kanya. Kung alam ko lang talaga na hindi na pupunta pa dito si miss ay matagal na akong wala dito sa room. Feeling ko tuloy ay totoo ang pinag uusapan ng dalawa naming kaklase na galit nga sa amin si miss.

"Hay buhay." Buntong hininga na sabi ni Rox sa tabi ko habang nakapalumbaba. Pati siya ay walang magawa at gusto ng lumabas ng room.

"El! Pst El!" Panggugulo niya sa akin pero hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagtingin sa mga kaklase namin na nag uusap.

"Naku naman itong seatmate ko hindi ko man lang madaldal." Malakas na reklamo niya sa akin pero tinapunan ko lang siya ng masamang tingin at hindi manlang nag abalang magsalita.

"El naman kausapin mo ako!" Pangungulit pa niya pero dedma ulit ako sa kanya, wala ako sa mood makipag usap sa kanya. Baka ma ubos ang energy ko sa kanya.

"Buti pa si Clov ang gandang kausap." Pagpaparinig niya sa akin kaya naman hinarap ko na siya.

"So what?" Salubong ang kilay na tanong ko, she's always comparing me to my best friend.

"Sa wakas! Ayun lang pala talaga ang paraan para kausapin mo ako eh." Sabi niya kaya mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. Halos araw araw niya akong ikino-compare ki Clover kapag hindi ko siya pinapansin kasi alam niyang kakausapin ko siya once na mang compare siya.

"Alam mo Rox kung walang magandang salita ang lalabas sa bibig mo ay manahimik ka nalang." Walang emosyong sabi ko sa kanya kaya sumimangot siya.

"Ikaw din naman El, itahimik mo yang bibig mo kapag puro pangit na salita lang ang sasabihin mo." Pambabawi niya kaya napa irap ako.

"Kaya nga diba hindi kita kinakausap." Pagtataray ko kaya naman napakamot siya sa kanyang batok. Na realize ang mga pinagsasabi niya.

"Eto naman sobrang init ng ulo! Meron ka?" Nakangusong tanong nito pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

Hindi na ulit ako dinaldal ni Rox dahil nakita na namin si miss Gohon na papasok sa room namin. Agad naman namin siyang binati, base sa facial expression niya ay para talagang may galit siya sa amin dahil hindi man lang niya magawang ngumiti sa amin which she always do every time na papasok siya ng room namin.

Miss Gohon is the kindest teacher here that we meet so far kaya talagang nakakapanibago na halos hindi niya kami ngitian at batiin pabalik. Nakakatakot nga talagang magalit ang mga mababait na tao dahil kahit sinong may masama ang ugali ay matataob kapag nagalit na ang mga mababait.

Inutusan ni miss Gohon na saraduhan ang pinto namin na agad naman sinunod ng kaklase ko. Kung kanina ay sobrang sigla at ingay ng mga kaklase ko eh ngayun naman ay halos walang ingay na naririnig sa loob ng room namin kundi ang tunog lang ng ceiling fan.

Enchanted To Your Words (My Future Series #1)Where stories live. Discover now